Chapter 20

359 3 1
                                    

STOLEN HEART By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 20

DAGSAAN ang mga motorista sa kahabaan ng EDSA papuntang Makati Medical Center. Halos tumagal ng isang oras ang napakahabang trapiko sa kalagitnaan ng gabi sanhi ng isang Ferrari na bumangga sa malaking truck ng basura. Naging laman ng lahat ng balita sa telebisyon ang pangyayaring iyon. Ayon sa balita isang binata ang sakay ng kotse, buhay pa umano ito nang dalhin sa ospital.

"Time of death 12:15 am." Deklara ng emergency doctor.

"Anaaaaaaak!" Tuluyang nawalan ng malay ang ginang pagkakita sa kotse ng anak sa flash report na iyon.

"Titaaaa! Oh no!" Hintakot na sigaw ni Kennedy sa tiyaning nawalan ng malay.

SAMANTALA nagpipilit parin ang mga doctor na isalba ang buhay ni Hayder. Napakahina na ng tibok ng puso nito. They rushed him to operating room and started an operation trying to save his life. Even a famous surgeon in the world was not certain if the patient could make it.

"Doctor Anderson a donor just arrived, blood type AB and everything was checked and its a good match." Wika ng isa sa surgical team.

"Go guys quick! Everyone do scrubing now, its gonna be a long emergency operation. We only have a few hours left but I am reminding you to relax we can make it!" Agad na utos ng batikang doctor sa kanyang team. Nangangamba ang mga ito, hindi pa nakakaabot ng sampong cases ng successful heart transplantation ang history ng medical field sa pilipinas. Ganun pa man malaki ang tiwala nila sa magaling na amerikanong surgical cardiologist na mangunguna sa operation. The patient was rich enough to pay such an excellent doctor.

A/N : [ The heart can be preserved outside of the body for 4 to 6 hours before transplant into a recipient. Transplants are blood typed and matched for the size and weight of the donor.

KAPWA luhaan ang mag-inang Irish at Ellaine habang taimtim na nagdarasal. Sa mga panahong iyon wala ng makakatulong sa kanila kundi ang matibay na dasal para sa kaligtasan ni Brent Hayder. Nasa isang silid lang sila habang binabantayan si Angel Lorraine na wala pa ring malay sa mga panahong iyon. Dumaranas ng matinding stress ang dalaga na sanhi ng panganganib ng bata sa sinapupunan nito. Walang magawa ang mga doctor kundi bigyan siya ng pampakalma. Naroon din ang mga magulang nito na labis na nag-aalala lalo na ang kanyang mommy na di rin maampat ang mga luha.

DALAWANG katawan ang nasa loob ng operating room, the one was already dead and the other was trying to save his life by the doctors.

A/N: Ang mababasa niyo ay pahapyaw lang na nangyayari sa loob ng surgical area, hindi po iyan base sa ideal settings ng surgery at gawa-gawa ko lamang iyan :D kaya kayo na ang bahalang mang-imagine. :)

"Capillary vein, the aortic valve, the coronary arteries, and the blood vessel okay check!" tahimik lang na nakikinig ang limang doctor na na nag aassist kay Doctor Edward Anderson at nag-oobserve sa mabilis ngunit maingat nitong mga kamay. Kasama na rin ang dalawang scrub nurses and dalawang circulating nurses na salitan sa mga instruments at recording. Kinakabahan man ang mga ito sa ginagawang operasyon abot-abot ang kanilang dasal na sana makasurvive ang binata.

"Doctor SpO2 is dropping down," Report ng circulating nurse. Pinagpapawisan na ang doctor sa tagal ng ginagawang procedure. Maagap naman ang dalawang circulating nurse sa pagpupunas ng pawis ng mga ito.

"Increase the oxygen sir." Kalmadong utos sa mga kasamang doctor. "Relax guys, it'll be over in a few hours." Mabilisan ngunit maingat ang paglalagay ng organ sa katawan ng binata.

"Another kelly." Wika ng doctor na katabing scrub nurse na nakatuka sa surgical instruments.

Halos hindi sila humihinga sa maaaring reaction ng bagong pusong nasa katawan ni Hayder.

STOLEN HEART By Ladyshane Lanmmark's (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon