Chapter 14

400 3 0
                                    

STOLEN HEART

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 14

WARNING! [hahahaha anong iniisip niyo ha? Kayo ah green minded hahahaa warning lang yan kasi maraming typos. Naduduling na ako at diko na mahabol ang mga words kung minsan yung trembling ko nagiging tembling.. hahaha soray naman guys please bear with me...

Mhuaaaaah I love you all dear readers and thank you so much for reading. :D]

HANGGANG tuluyan ng lumubog ang araw at unti-unti ng kainin ng dilim ang karagatan, kataka-takang hindi na siya kinikibo ni Hayder. Nilagpasan lang siya ng binata, at tumungo sa kitchen. Wala na siyang lakas ng loob na kausapin ito para pauwiin na siya. Mabuti na lang natapos niya ang commitment sa huling kliyente niyang si Jashrey Rham Bin Hashim at naideliver na ang gown sa Mindanao, kundi baka makasuhan pa siya sa pagkakaantala ng wedding gown ng fiancee nito bago siya kidnapin ni Brent Hayder. Pero kidnap bang matatawag ang situasyon nila ngayon? Kusa siyang sumama at ang pinakamasaklap nagpaubaya at nakakagulat na katotohanang mag-asawa na sila ngayon.

Palihim niyang pinagmamasdan ang kabuuan ng binata. He's lean and tall with an irrisitible charisma. bigla niyang naibaba ang paningin dahil sa biglaang dagsa ng kaba sa kanyang dibdib sa simpleng sulyap lang kay Hayder. Kung hahayaan niya ang sarili niya, gustong-gusto niyang yakapin at magpakulong sa mga bisig ng lalaki. Ten years were not enough to forget this man. Iyon ang naamin niya sa kanyang sarili. She still love the man the way she loved him back in a decade. Napakurap-kurap siya, nagbabadya nanamang pumatak ang kanyang mga luha. Sana ganoong kadali ang lahat, sana wala siyang masasaktan at sana katulad parin ng dati na malaya niyang maipapadama sa asawa niya kung gaano niya kamahal ito. Pero may isang Natan siyang masasaktan at sigurado siyang sa mga sandaling ito sobrang nag-aalala na para sa kanya.

"Let's eat, kanina ka pa di kumakain I'm sure gutom ka na." Malamig na boses ni Hayder ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip. Nasasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito ngayon samantalang kanina lang halos sambahin siya nito. Tahimik siyang tumalima, nagrereklamo na ang kanyang sikmura kaya hindi na siya nag-inarte pa.

TAPOS na silang kumain, wala pa rin siyang imik na nagpahinga sa living room ng magarang yate na nito. Hindi pa niya napagmamasdan ang kabuuan ng yate dahil gabi ng magising siya pero sigurado siyang it was one of the luxury yacht that she could ever imagine. Wala siyang idea kung gaano na kayaman ang kanyang asawa ngayon, naalala pa niya noong nagbibiruan sila.

"Your wish is my command mahal na reyna." Masuyong bulong ng binatilyo sa kanyang punong tainga. "Owws bakit kaya mo akong ibili ng magarang yate?"

"Oo naman kapag yumaman na ako iyon ang unang-una kong paglalanaan ng pera ko." Pagmamalaki pang sagot ni Brent. Eh diba mayaman ka na man may driver ka nga at kotse eh." Painosenting tanong ng dalagita.

"Sweetheart baby, si mommy at daddy ang mayaman hindi ako, kasi wala pa akong trabaho at business gets mo?"

Naipilig niya ang ulo, bakit ba kusang bumabalik sa kanya ang masasayang sandali nila noon. Nasasaktan lang siya kapag naiisip niya ang mga bagay na may kinalaman sa kanilang nakaraan.

DI na niya nakita ang binata, ilang sandali pa siyang naupo roon ng mapagpasiyahan niyang pumasok na sa silid na nilabasan nila kanina. Inaantok na siya kaya naisipan niya nang matulog. Ngunit napasukan niya si Hayder na mahimbing ng natutulog. Nag-aalburuto nanaman ang kalooban niya dahil sa pambabaliwala nito sa presensiya niya. He's so handsome while in his unconscious state, para itong napakaamong nilalang, kabaliktaran kapag gising na halos manginig ang lahat sa taglay nitong personalidad. Matapang at walang pakialam sa masasagasaan maprotektahan lang ang pamilya at mga taong mahalaga rito. He's a dangerous man indeed, but in his own right way, isa sa mga bagay na minahal niya noon sa lalaki, may paninindigan at lumalaban basta nasa tamang lugar siya. "Bakit kailangang magbago ang lahat para sa atin?" Umagos na ang luhang kanina pa niya tinitimpi habang kausap ang natutulog na binata. Lumapit siya rito at umupo sa gilid ng kama. Malaya niyang napagmasdan ang gwapong mukha nito. Nagtatalo ang kanyang puso at isipan, gusto niyang pagbigyan ang sarili niyang damdamin, kahit sandali man lang makasama niya ang lalaking ito. Lumuluha siyang hinahaplos ang buhok ng binata, hindi na niya kaya, at sa huli nanaig ang sariling damdamin. "Hindi ko sasayangin ang mga sandaling ito kasama ka, dahil pagkatapos nito babaunin ko ang mga alaala mo." Umiiyak niyang untag sa isipan habang nakatunghay sa asawa. Maingat siyang sumampa sa kama at tumabi sa natutulog na binata. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hapitin at sa isang iglap nasa ilalim na siya nito.

STOLEN HEART By Ladyshane Lanmmark's (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora