CHAPTER ONE

136 10 13
                                    

Chapter 1 na agad, Prologue-Prologue pa.

WHEN FATE PLAYS
[Ready na, Sismars]

"Sinong kumuha ng bolpe----chos nakita ko na pala"

Napailing na lang ako. Kinginang bolpen na to. Nakasabit lang pala sa blouse ko, hindi nagsalita. Buti na lang yumuko ako kundi, naku, baka masapak ko yang mga kaklase ko na yan.

"Yung ballpen na may bigat, hindi makita, pero yung papel na iniipit sa aklat niya, nakikita agad. Nice eyes" sabat ng isa sa mga kaklase ko.

"Isampal ko pa sayo yung libro ko. Sama ko na book mark para kunwari espesyal yung sinampal ko" pairap na saad ko saka binuksan yung libro at muling inipit yung book mark na nilipad. Aba! Sayang rin yan noh. May pirma pa ni KIB.

"Isampal mo nga" nanghahamon na ani niya.

"Joke lang noh. Ano ka, gold? May pirma pa toh ni Knight In Black. Hindi Hell University ang dapat isampal sayo. Diary ng Panget dapat ni Haveyouseenthisgirl" tumawa naman ang mga kaklase ko na animong joke yung sinabi ko. Aba! Isasampal ko talaga sa kanya yung Diary ng Panget.

"Whatever" anas niya saka muling umupo. Tumayo pa kasi siya para lang makipag-away. Effort din eh.

"Nag-review ka?" Tanong ni Serafina, seatmate ko.

"Hindi. Tinapos ko kasi yung Taste of Sky ni Ventrecanard. Hindi lang halata na umiyak ako kasi maganda pa rin ako" saad ko saka kinuha yung libro sa science. Magre-review muna ako, hehe.

"Nabasa mo na yung Love Without Limits? Si Maxwell? Kyaah! Asaw---aray ko!" Napainda siya ng batuhin ko siya.

"Asawa pala si Maxwell ah. Kabet kang kingina ka. Pumila ka kaya? Asawa-asawa. Ipakain ko sayo si Eerah ng buo eh" saad ko saka muling nagbasa.

"Eh nabasa mo na yung The Day She Said Goodnight ni owwSIC? Kyaah! Sana lahat binibilhan ng cake set. Asaw---"

"Uhmm. Intrimitida ka. Asawa-asawa. Gusto mo isunod kita kay Aster?" Pagbabanta ko rito. Inirapan niya naman ako.

Buong araw ko yata, nakipag-bardagulan lang ako kay Clea, ang babaeng epal. Siyempre, nakipag-agawan din ako ng asawa sa mga higad kong kaklase. Ayaw ko na magrecommend sa susunod.

"Kamusta school?" Bungad ni Papa.

"Nakatayo pa rin" saad ko. Naalala ko kasing ganon yung sinagot ni Maxpein kay Maximore eh. Hindi naman pala masama.

"Anong klaseng sagot yan?" Nakataas na kilay na tanong ni Papa.

"Char lang. Toh naman, di mabiro. Ahmm...ayos lang naman. May isa lang akong muntikan, hep! Muntikan lang ha? Muntikan lang. May isa lang akong muntikang masampal ng libro" paliwanag ko.

"Eh, ba't di mo pa sinampal?" Nakangising ani ni Ate Jane, ang babaeng kaagaw ko kay Ace Craige. Maharot ka kasing babae ka eh.

"Hindi ko nadala yung Diary ng Panget eh. Alangang isampal ko sa kanya yung Hell University na may pirma pa ni KIB. Ano siya, gold?" Saad ko. Nakita ko namang hawak niya yung Temptation Island: Sinful Desire. "Hoy, diba sabi ko ako muna?" Saad ko.

"Sorry, nauna ako" nakangising ani niya. Meron kasi kaming Book Collection. May kwarto kaming ginawa naming library. Sa dark section makikita ang mga aklat ni Cecelib. Kelangang itago sa magulang eh.

"Psh! Epal ka talaga. Ibalik mo yan bukas ah" banta ko rito.

"Ibabalik ko toh kung kelan ko gusto" saad niya.

"Hoy ate Jane! May I just remind you, dalawang daan lang ang ambag mo dyan. The less, aken na. Plus the shipping fee. Kaya wag mo akong anuhin, tangina ka" saad ko saka siya dinuro.

"Oh, I'm scared" umarte pa siyang natakot saka tumawa. "Nakakatakot ah"

"Kuhang kuha mo talaga ang ugali ng mga kontrabida noh? Bagay sayo" saad ko sa kanya. Umakyat naman ako sa kuwarto ko.

Magkatapat lang kami ng kwarto. At sa dulo ng hallway kung saan merong tatlong kwarto - kwarto ko, ni Ate Jane at library - nandon nakatambak ang mga libro namin na binili. Yung iba, regalo samen. Yung iba, binigay. Yung iba naman, pinag-ipunan namin. Kulang pa nga ako ng isang book ng He's Into Her Season 3 eh. Naubusan daw. Gusto ko sanang bumili ng isang bundle na lang kaso, tanga si Ate Jane. Walang ambag.

"KAIN NA!" napahinto ako sa pagbabasa ng My Husband Is A Mafia Boss. Season 1 pa lang ako. Sa app ako nagbabasa. Narinig ko lang yun kanina eh. Mang-aagaw sana ako ng asawa, hehe. Asawa ko na pala si Zeke.

Badtrip ka Pa. Nasa honeymoon na ako sa amusement park eh. Epal si Papa.

Nag-quit muna ako sa app atsaka ko sinuot yung chanel-las ko at tumakbo pababa.

Dinalian ko ang pagkain ko.

"Diba ang sabi ko, matulog ng maaga, Fiona?" Napahinto ako sa pagkain ng magsalita si Papa. Tumango naman ako. "Ang sabi ko, matulog ng maaga, hindi umaga. Ano't alas tres na, nagsisisigaw ka pa rin?" Anas niya.

Tinawanan ko na lang siya at sinabing, isang chapter na lang, pramis.

"Lilipat na pala tayo ng lugar, Jane at Fiona. So, ibig-sabihin, lilipat na rin kayo ng school" saad ni Papa na nagpagulat saken.

"What? Chour. English noh? Ano kamo, Pa? Lilipat tayo ng lugar? Saan?" Sunod sunod na tanong ko.

Ugh! Ang hirap magbitbit ng libro.

"Sa Alegria ba? Sa Costa Leona? Saan?" mukhang excited si Ate amputa. "Yiiee! Tinago Falls! Wait for me!" Parang baliw na sigaw ni Ate Jane.

"Anong Tinago? Anong Costa Leona? Anong Alegria? Nauulol ka na ate? Rugby reveal nga" pairap na saad ko. "At kung doon man, wala ka ring mahihitang Riego at Mercadejas dun, okay?" Anas ko saka sumubo.

"Sa Nueva Ecija tayo pupunta" saad niya, ni Papa. Wala naman akong pake kung saan kami pupunta. Ang aken lang, anong klaseng karton naman kaya ang gagamitin ko para sa aklat? Hayst.

Saka ko na lang iisipin yun. Iisipin ko muna kung pano mag-honeymoon ang isang Aemie at Zeke sa amusement park.

HS1: When Fate PlaysWhere stories live. Discover now