Simula

742 12 1
                                    

"Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? Pwede ka naman dito mag-aral eh" Hindi ko na napigilan pa ang paglabas ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan

Siya naman ay walang awat na tumatawa habang pinupunasan ang mga luha ko. "Huwag ka na umiyak, Thea Mae. 'Yong uhog mo lumalabas"

Pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan na nagpangiwi sa kanya. "Gusto mo bang bugbugin kita?" pananakot ko sa kanya bago ko muling iniyakap ang mga braso ko sa katawan niya.

Marahil ay pinagtitinginan na kami ngayon dito sa airport dahil kanina pa ako umiiyak at kanina parin ako hindi bumibitaw sa kanya. "Babalik naman ako kaagad. Trip lang talaga ni Dad na doon ako i-train sa main branch ng business namin"

"Oo na. Ilang beses mo na sa akin sinabi 'yan. Pero kasi, wala na akong kaibigan. Wala na akong laging kasama"

Muli siyang humagalpak ng tawa bago kinurot ang dalawang pisngi ko "You are a good person, Thea. I'm sure marami kang magiging kaibigan sa bagong school na papasukan mo"

"Alam mo namang homeschooled ako ever since. Hindi din ako marunong makipagkaibigan. Ikaw lang naman kaibigan ko eh. Tapos ikaw pa unang pumansin sa akin. Tsaka kapitbahay ka namin kaya madali lang napalagay yung loob ko sayo"

"Just be yourself. Tsaka kung pwede 'wag ka makipagkaibigan sa lalaki" napakunot ang nook o dahil sa sinabi niya.

"So, di na kita kaibigan?"

"Just stay away from boys"

"Oo na. Sige na—huh? Ano 'to" napatigil ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa leeg ko

"Wag na wag mong tatanggalin 'to" I looked down to necklace he gave me. It is a simple rose gold rose that complimented my fair skin. "Do you like it?"

"Ang ganda. Thank you—" napatigil ako ng tawagin na ang flight number niya. Mahigpit kong hinawakan ang dalawa niyang kamay "Mag-iingat ka doon, ha. Wag kang magpapalipas ng gutom. Tapos lagi kang tatawag—" muling naputol ang sasabihin ko ng marahan niyang idinampi ang kanyang labi sa noo ko. Naramdaman ko ring may basang tumulo sa pisngi ko.

"Ivan" after kissing my forehead he buried his face in the crook of my neck before uttering the words that made my innocent heart flutter.

"Wait for me. I'll come back for you"

***

"Ano na Thea, kinain ka na ng sistema. Ikabit mo na yang banner na 'yan para naman maging masaya ang prince charming mo" natawa naman ako sa sinabi niya

"Robbie, ilang beses ko bang sasabihin sayo na he's not my prince charming. He's my bestfriend. Ivan is my bestfriend. Para ko ng kapatid 'yon'"

"Bestfriend zoned na nga kuya zoned pa"

Hindi ko na lamang pinansin ang pang-ookray nila and just continued doing the task that is assigned to me—ang magkabit ng banner. A little while later ay satisfied na tinignan ko ang gawa naming magkakaibigan, from the banner to the foods ay kami lahat ang gumawa. I'm sure Ivan will like this.

***

On the otherhand, Ivan is currently looking for his sister na siyang dapat na susundo sa kanya. Nang hindi niya ito mahanap ay tinignan niya muna ang cellphone para i-check kung bagong message na sa kanya si Thea. She have no idea I'm coming home. She will be surprised for sure.

"Hoy! Para kang asong tanga na ngumingiti diyan" masama kong tinignan si ate na bigla na lamang akong binatukan.

"O? Bakit ang sama mo makatingin? Wag mong sabihin porke mas matangkad ka na sa akin di na kita kayang bigwasan"

Tinawanan ko na lamang ito bago ko siya niyakap "Oo na. Wala na akong sinabi. O—dalhin mo na yang bag ko, total ikaw naman sundo ko" pabiro kong inihagis sa kanya ang bag na dala ko bago patakbong pumunta sa kotse.

"Matapilok ka sana!"

Muli ko lang siyang tinawanan bago prenteng umupo sa passenger seat. Binuksan niya naman ang backseat para doon ilagay ang bag ko. Nagkatinginan kami sa rearview at di ko napigilan ang matawa ng simangutan niya ako. "Tumatanda ka na talaga, ate. May wrinkles ka na oh" nang Makita kong napipikon na ito ay tumigil na ako. Mahirap na baka sipain ako palabas ng sasakyan.

"Tatawanan talaga kita kapag di ka niya sinagot"

"Sasagutin niya ako. Tiwala lang"

Nang makapasok na siya sa driver's seat ay tinuro nito ang seatbelt ko gamit ang nguso niya. "Di ka niya sasagutin. May boyfriend na 'yon" saad niya bago nagsimulang mag-drive

"Edi gagawa ako ng paraan para mag-break sila"

Tinawanan naman niya ako ng nakakaloka "Ang lakas talaga ng tama mo"

Tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti ng maalala ko siya. Ano kayang ginagawa ng isang 'yon ngayon. "Kung hindi ako pinapunta ni Papa sa States edi sana asawa ko na siya ngayon"

"Asawa talaga. Hindi ba pwedeng girlfriend muna" tumawa na lang ako bilang sagot, ramdam ko na rin kasi 'yong pagod dulot ng mahabang biyahe. "Sinasabi ko talaga, Ivan. Hindi ko talaga tatanggapin kapag may ibang babae kang ihaharap sa akin bilang sister-in-law ko. Dapat siya. Nagkakaintindihan ba tayo?"

I smiled because of what she said. Kahit si Mama at Papa at boto sa kanya para sa akin. Tanggap na tanggap na siya ng pamilya ko. Siya na lang ang kulang. "Wag kang mag-alala. Wala akong balak ikasal sa ibang babae. Sa kanya lang"

After a while ay nakarating na kami sa bahay namin. It's just a simple white picket fence house. Sakto lang ito sa isang pamilya na may apat na miyembro. This house became our vacation house ng magdesisyon si Mama at Papa na sa States na tumira. Simula noon ay si Ate na lang ang tumira sa bahay na 'to. I also decided na bumili ng lupa malapit dito. May nakausap na rin akong architect at engineer na aayos nito. Siya na lang talaga ang kulang.

"Ate, okay lang ba kung matulog muna ako. Medyo ramdam ko na 'yong pagod"

Nginitian lang niya ako habang bitbit yung bagpack kong dala. "Hangin ba laman ng bag na 'to? Bakit sobrang gaan naman. Wala kang dalang gamit, no?"

Tinawanan ko siya bago binuksan ang pinto "Dito na lang ako bibili—" napatigil ako sa paglakad ng may biglang tumalon sa harap ko at iniyakap ang sarili sa akin. She encircled her legs in my hips and buried her face on my neck, and just with that nawala na 'yong pagod na kanina ko pa iniinda.

Without even looking, I already know who she is. I already know that the love of my life is back in my arms again. I tightened my hold of her and also buried my face in her neck inhaling her scent; her scent that I so damned missed. My eyes are instantly filled with unshed tears. God! I love this woman.

"Welcome home" and as she whispered these words my heart is filled with my undying love for her.

A E R Y S X



Waves of HarmonyWhere stories live. Discover now