Kabanata XXXIII

160 9 0
                                    

Nanlalamig ang kamay na nakaupo ako sa isa sa mga benches sa harap ng opisina ng OB-GYNE na nirecommend sa akin ni Cassandra. Katatapos lang ng check-up sa akin at ngayon ay naghihintay na lamang kami ng resulta.

I feel him intertwined our fingers before kissing the back of my hand. "Don't be nervous" bulong niya sa akin. "Everything's going to be okay"

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa paghihintay. Kahapon ay sinamahan ko siya sa isang Urologist dahil gusto rin niyang magpatingin. Hindi daw siya papayag na ako lamang ang magpapatingin. His results came out normal. He's healthy.

Kaya naman doble ang kaba ngayon sa dibdib ko. If ever na magkaroon ng problema ibig sabihin ay ako ang magiging dahilan kung bakit hindi kami makakabuo.

Napaayos ako ng upo nang may lumabas na nurse mula sa opisina ng doktora.

"Mr. and Mrs. Carter pasok na po tayo" saad nito ng may magiliw na ngiti sa labi.

Pareho naming kinamayan ang doktora bago umupo sa nakahandang upuan sa harap ng lamesa nito. Napatingin ako sa plaka na nasa harap niya.

Dr. Charmaine B. Garcia

Resident OB-GYNE

Binasa muna nito ang papel bago tinanggal ang salamin sa mata at mariin kaming tinitigan.

"Mayroon akong ilang katanungan at sana ay sagutin niyo ito ng tapat,"

Pinasalikop ni Ivan ang mga daliri naming bago sabay kaming tumango.

"So, gaano katagal na po kayong nagtatalik?" tanong niya gamit ang mahinahon na boses.

"Ahm...it's been a month na po, after ng kasal namin" nakita kong may sinulat sa papel bago nagpatuloy ng tanong.

"May nangyari na po ba sa inyo before that?"

"We are celibate for a year before our wedding" magalang na sagot ni Ivan.

"I see, so I assume that before you enter that celibacy period, you have an active sex life?"

"Y-yes we have" kinakabahang sagot ko.

"Is it protected or not protected sex?"

"N-not protected"

"May I ask, gaano katagal ang ganoong set-up ninyo ni Mister?"

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya bago sumagot "Hindi ko po maalala kung gaano katagal pero ilang buwan din po na g-ganoon ang set-up"

Umayos siya ng upo bago ako mariin na tinitigan.

"Hindi ba kayo nagtaka na sa ilang buwang pagtatalik niyo ng walang proteksyon ay wala man lang nabuo?"

Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng malamig na tubig sa aking kaibuturan. Parang bumagal ang oras at bumigat ang bawat paghinga ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng lakas ko maging nag pag-init ng sulok ng mata ko. Ang nakapagpabalik lamang sa akin ay ang paghigpit ng hawak sa akin ni Ivan.

I looked at him and saw how his eyes soften whe hw saw my eyes full of unshed tears.

"Tatapatin ko na po kayo," sabay naming inilipat ang tingin sa doktora.

"Mrs. Carter you have a condition called Endometriosis" pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi niya. "...this is the reason why it is difficult for you to conceive"

Narinig kong may ipinaliwanag pa ito tungkol sa kondisyon ko pero hindi na ito pumasok sa isip ko. May ipinakita pa itong larawan na tingin ko ay kuha kanina ng i-check niya ako. Pero ang lahat ng iyon ay parang hangin lang sa harap ko.

Waves of HarmonyWhere stories live. Discover now