"Come back"

3 1 0
                                    

Hi I am Maxine. I am fun of surprises. Kaya labis akong nasurpresa ng inabutan ako ng isang mamahaling book ng aking mga kaibigan. Siyempre ang saya ko kasi mahilig akong magbasa nun saka maraming love stories ang naroroon. Wala naman akong hiniling sa kanila pero bakit nila naisipang bigyan ako nito? Hindi ko rin naman birthday ngayon. I really wonder talaga.

"Wow. Thanks guys. Alam ninyo subrang natuwa ako dahil dito," sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.

"Eh, hindi naman kami ang bumili niyan eh," sagot ni Ashley sakin na nagkakamot ng kanyang ulo.

Na shock tuloy ako."Eh, kanino? Saan 'to galing?"tanong ko dahil sa pagtataka.

"Ahem. Tingnan mo kung sino ang nasa likuran mo!" wika nito sabay turo ni Vrie sa aking likuran.

I am very shock. I saw my ex-boyfriend. Bakit nandito siya? Bakit binigyan niya pa ako ng paborito kung libro? Bakit pa niya pinaalala sakin ang mga nakaraan? Pinipilit ko na kaya makapag-move on, tapos ngayon susulpot siya ulit? Ano to? Lukuhan ulit? Ganun ba? Di naman ako bitter ah.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Bakit mo pa ako binigyan ng libro na to ha?"sunod-sunod na mga tanong ang aking pinakawalan.

"Well, nandito ako kasi I am asking for your forgiveness. Nagkamali akong iwan at saktan ka. I still love you Maxine," seryosong sabi niya sa akin.

Parang tumigil ang mundo ko pagkarinig ko ng mga sinabi niya. Parang gustong tumalon ng puso ko pero ang isip ko ay tumatanggi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Tila natutop ang aking mga dila ng mga sandaling iyon. Tatanggapin ko pa ba siya? Baka sasabihin ng mga kaibigan kong ang rupok ko!

"Please, give me another chance to prove that I love you. Oo, ako ang unang sumuko pero nang niyakap mo ako ng napakahigpit bago mo ako tuluyang hinayaan at pinakawalan na realize ko na iba ka sa lahat ng mga babaeng naging kasintahan ko nang magbreak tayo. Araw-araw kong hinahanap ang mga ngiti at tawa mo kasama ako. Kaya please Maxine give me another chance," mga naging paliwanag niya na hindi ko pa rin kayang sagutin. Labis kaya akong nasaktan noon muntik na nga masira studies ko dahil sa kanya. Kaya bahala siya. Why would I?

"Maxine, please" sabi niya saka niyakap ako ng napakahigpit. Hindi ko alam kong bakit pero parang nandoon pa rin iyong dating saya sa puso ko sa tuwing niyayakap niya ako. Mahal ko pa ba siya? Naging tanong ko sa utak ko ng mga sandaling iyon. Mahina din kasi ito mag-pick up minsan eh. Should I trust him again? Sabi ng puso ko ay "oo" pero sumasalungat naman ang isipan ko. Bahala na nga!

Wala sa hinagap kong nakasagot ako sa kanya ng "Oo" Baliw na ba talaga ako? Pagkatapos ng lahat ng pananakit niya sa sakin ngayon papatawarin ko siya at mas lalong tatanggapin ko ang mga sinasabi niya? Oo. Nagpakabaliw ako sa kanya noon kaya masakit sakin na mangyari iyon ulit.

"Talaga? So, tayo na ulit?" masayang tanong niya sa 'kin kaya hinagkan niya ako ng mga matatamis na halik.

"I love you Maxine," sabi niya sa'kin na may kagalakan sa puso.

"I love you too Dryx," nakangiting sagot ko sa kanya saka niyakap ko siya ulit.

Nagtilian naman ang mga kaibigan ko. Subrang saya ko talaga. I can't put down my joy in just a second.

"Ate, gising na. Aba nanaginip ka lang yata. Bakit hinahalikan at niyayakap mo iyang unan mo ha? Baliw ka na ba? Hindi ka pa ba nakamove-on sa pesteng ex-boyfriend mo? Naku, bumangon ka na diyan tanghali na oh, tulog mantika ka kasi eh," wika ng kapatid ko sabay yugyog sakin. Bigla akong naalimpungatan. Mapamura pa nga ako dahil sa subrang inis.

"Hala. Panaginip lang pala? Grrr. Akala ko totoo na. Nag-momment pa naman ako. May pa drama at halik pa. P*chang panaginip to ah!" naibulalas ko dahil sa matinding inis.

Hindi pala totoo. Wahahaha

One Shots Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon