"Wrong Send"

3 1 0
                                    

"Hi babe, kamusta ka na? I miss you so much" ang laman ng text message.

Biglang natawag ang pansin ni Mayzel ng marinig ang kanyang cell phone na tumunog. Agad niya itong kinuha at binasa ang isang text message na hindi niya kilala kung kanino nagmula dahil hindi nakarehistro ang numero nito sa kanyang cellphone.

Malaki ang pagkagulat niya ng mabasa ang laman ng mensahe ng wrong send text message na iyon. Sa pagkaka-alam niya sa sarili ay wala siyang boyfriend kaya biglang gumulo ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon.

Out of her curiosity she replied the wrong send text message she receives.

"I am sorry po, baka wrong send kayo?" reply niya sa text.

"No, hindi ako wrong send babe," sagot ng ka-text niya.

"Ha? E paano nangyari na boyfriend kita ni hindi nga kita kilala Mr?" reply niya ulit sa ka text. Mas gumulo pa lalo ang isipan niya.

"Pasensya ka na babe sa pangungulit ko pero hindi ako titigil hanggat hindi mo ako naaalala ng lubusan, mahal na mahal kita Mayzel. Hindi iyon magbabago hanggang kailan," replied back ng ka-text niya.

"Bakit mo iyan sinasabi sa sakin? Nagkakamali ka talaga, sorry," sagot niya sa ka text.

"Hindi ako nagkakamali, ako 'to ang mahal mo," reply ulit ng ka text niya.

"E sino ka ba? Hindi kaya kita kilala," sagot na naman niya. Nakaramdam na siya ng pagkainip dito.

"Ako to si Franco ang boyfriend at fiancee mo. I love you Mayzel forever and ever. I will never get tired of waiting the time you will remember me, to remember our past. I love you, I love you Mayzel," reply na naman ng ka-text niya.

Nang mabasa ang huling mensahe ng ka-text ay biglang may kumirot sa kanyang dibdib na hindi niya alam ang dahilan. Naging malakas ang tibok ang kanyang puso hindi dahil sa kaba pero dahil parang may espesyal itong inaalala.

Habang tumutulo ang kanyang mga luha ay agad niyang pinuntahan ang kanyang ina dahil hindi niya talaga maunawaan ang mga pinagsasabi ng lalaking nagpakilala na boyfriend niya ito.

"Nay, may alam ba kayo tungkol sa nagngangalang Franco? Sino po ba siya," mga tanong niya sa ina habang tumatangis.

Agad siyang niyakap ng kanyang ina. Pinahiran nito ang kanyang mga luha.

"Anak, oo kilala ko siya. Pero mas kilalang-kilala mo talaga siya. Si Franco ang iyong fiancee. Ikakasal na sana kayo kaso naaksidente ka, na-coma ka ng 5 taon at nawalan ka ng iyong ala-ala, at ng gumaling ka sa pagka-coma hindi mo na siya kilala. Anak nandito siya palagi kaso hindi mo pinapansin, alam mo sa tuwing ginagawa mo iyan ay parang pinapatay mo siya sa lungkot at pangungulila sayo," mahabang salaysay ng kanyang ina.

Agad na may kinuha sa drawer ang kanyang ina na isang kulay pink na kahon at iniabot ito sa kanya.

"Ano po ito nay?" tanong niya ng mahawakan ang kahon.

"Buksan mo anak," sagot ng nanay niya.

Nagpa-alam muna ang kanyang ina na may gagawin muna ito sa labas. Kaya ng siya na lang ang naiwan sa kanyang kwarto.

Agad na nakuha ang kanyang pansin ng mahawakan niya muli ang kulay rosas na kahon. Binuksan niya ito at tumambad lahat ng mga larawan niya na kasama ang kanyang boyfriend na si Franco. Bawat likuran ng mga litrato ay may nakasulat na mga dates at kung saan sila nkapunta sa bawat kuha ng litrato.

Humikbi na siya ng mga sandaling iyon. Lumalabo na rin ang kanyang mga mata dahil sa punong-puno ito ng mga luha.

Pero ng paghuling pagkalkal niya sa loob ng kahon ay may nakita siyang isang maliit na papel at may nakasulat. Binasa niya ito.

"Babe, alam mo mahal na mahal kita, hindi ako magsasawang bantayan ka, alagaan ka at lalong-lalo na ang hintayin ang araw na maaalala mo na ako. Please call me if you remember na ha, at darating ako agad. Promise. I love you Mayzel."

Agad na kinuha ni Mayzel ang kanyang cellphone para tawagan ang lalaki ngunit hindi pa siya naka-dial at may naramdaman na siyang may pumasok sa loob ng kanyang silid.

Agad niya itong nilingon. Si Franco ito at nakangiti habang may dalang bouquet ng mga rosas.

"I love you Mayzel, I'm so very thankful to God that He finally answers my prayer," sabi ni Franco. Lumapit ito sa kanya.

"I love you too, Franco. I'm so sorry for making you wait for a long time. Ang daya ko kasi ngayon ko lang naalala ang lahat,"sagot niya sa kasintahan habang umiiyak pa rin.

"Di ba sinabi ko na sayo dati ng bago kita ligawan hindi kita iiwan kapag sinagot mo na ako. Nakalimutan mo na talaga na nagpanggap din akong na wrong send noon pero ang totoo hiningi ko ang number mo sa nanay mo," pabirong sabi ni Franco.

"Ikaw ha, kaya naman pala pamilyar ang ganitong pangyayari. Pa wrong send, wrong send ka pa?" pabiro ding sagot ni Mayzel.

Nagtawanan na lang silang dalawa. Nawala ang mga lungkot sa mata ni Mayzel ng niyakap siya ni Franco at hinagkan siya nito sa kanyang mga labi.

.

❤The End❤

#sana nga may ma-wrong send sakin at siya na rin si the one ko.#Asyumerasiako🤣

#happy reading

#please leave a comments. Thanks po.

One Shots Stories CollectionWhere stories live. Discover now