KABANATA 2(Lagablab)

6.5K 250 24
                                    

Warning: This is my wildest story. If you don't like the flow, don't read this.  Thank you.




“IHAHATID na kita Meseeyah.” aniya sa akin ni Roman. Namumula ako ng husto lalo na at nakalubid sa aking baywang ang kanyang kamay.

Ang paaralan ay malayo pa. Kailangan pang’ sumakay ng maliit na balsa upang makatungo doon. Nakagisnan na namin ang ganitong pamumuhay lalo na at malayo talaga sa kabihasnan ang aming lugar.

May mga kasabayan akong kasing edad ko na mailap rin sakin. May mga bata rin nga minsan.

Mula sa aming bahay dumaan ako kanina sa masukal na gubat patungo dito. Mabuti nalang hindi ako hinabol ng baboy ramo tulad noong kailan. Masamang panaginip ko talaga iyang baboy ramo dito sa isla. Maraming mababangis!

Si Roman ay nakilala ko ng ako ay naatasan na mamigay ng kwintas na bulaklak para sa mga dayuhan. Nakita kong bumaba mula sa isang yacht sa daungan ng mga turista si Roman. Ako ang nagsabit ng bulaklak na kwintas sa kanyang leeg.

Sobrang guwapo niya.

Ang nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya tulad ng iba. Nung una, medyo suplado siya ngunit kalaunan ay naging mabait.

Ilang beses na niya akong nasupladuhan noon. Ngunit, araw araw rin kaming nagkikita dahil sa summer ng araw na iyon kaya may raket ako sa isa sa mga Resort dito. Ang alam ko ay mayroong anim na resorts ang Isla Plaez.

Siksikan ang mga dayuhan sa mga araw ng bakasyon dahil nga sa magandang record ng isla na ito. Maswerte raw sa pag ibig ang pupunta dito.

Inayos ko ang aking palda na nayukot dahil sa aking pagkakadapa. Namulsa si Roman at tinitigan akong mabuti.

“Huwag na. Malapit lang rin naman ang paaralan. Isang sakay lang ng balsa.” nakangiti kong' turan.

Tumango siya at tinitigan ang balsa sa hindi na kalayuan. Mukhang late na talaga ako nito.

"Sige. Mag iingat ka."

Si Roman ay 27 anyos na. Narinig ko iyon sa usap usapan ng mga dalagang tulad ko sa isla dito. Iba nga talaga kapag may guwapong salta kasi pag uusapan.

"S-Salamat." ngumiti ako at tumalikod na.

Hindi matagal ang paglayag sa balsa upang makaabot sa Unibersidad. Isang publikong Unibersidad  na pinag aaralan ko. Kulay pula ang palda na hanggang tuhod. Ang iba nga nakatsinelas lang at sandals. Ganon ka simple dito.

Hawak ko ang aking bag na luma ng makasalubong ko si sir Gregorio.

"Magandang umaga sir!" bati ko. Inakbayan agad ng Ginoo papasok sa eskwelahan.

"Hmp! Ang ganda mo talaga. Alam mo nilalakad kita sa anak ko." ani ni sir Greg na ikinatawa ko.

Si sir Gregorio ang aming adviser. Isa siyang bading ngunit ako lang ang nakakaalam. Marami na rin akong naririnig na baka raw may relasyon kami pero binalewala ko nalang.

"Naku sir! Wala papo iyan sa plano ko. Si lola po talaga ang priority ko po."

Kinurot ako nito ng bahagya. Papaliko na kami sa teacher's office kung saan ko siya araw araw na hinahatid. Binigay ko sa kanya ang mga modules.

"Sige, mag aral kang mabuti para sa future niyo ng anak ko." biro nito ng pabulong.

"Ikaw talaga sir!"

Sa araw na iyon panibagong usap usapan na naman ang narinig ko tungkol sa amin ni sir Gregorio. Hindi ko nalang pinansin. Minsan, nakakagulat nalang na may ganon na pala kasi para sa amin ni sir ay wala naman sa aming masama at magkaibigan kami.

Isla RomansàWhere stories live. Discover now