KABANATA 3 (PANTY)

5.2K 200 41
                                    

Isla Romanza Chapter 3

This story is disturbing. Matured content. Kung mahina ang kalamnan at kinukumpara sa totoong buhay ,huwag ka nang magbasa nito.

~~~~~

"Tama na Moses." pigil ko kay Moses dahil sa pamamantal ng aking labi. Si Moses ang aking unang halik. Hindi ko na mawari ang epekto ng kanyang hawak sa akin. Hindi alam ng kaibigan niya na si Roman ang namamagitan sa aming dalawa!

Tingin ko ay nasa loob kami ng isang kwarto ng yate na ito. Naririnig ko ang diskong musika galing labas na sa tingin ko ay nagkakasiyahan ang mga barkada niya.

"I know you like this. Don't be shy." aniya sa akin. Ang uniporme ko ay halos wala na sa ayos. Ang labi niya ay napaka eksperto. Hindi ko na maalala kung saan ito nagmula.

Basta nalang nagkaganito na kami. Halos sa isang taon ay ilang beses sila dito magbakasyon sa Isla Plaez. Alam ko na napaka agresibong lalaki ni Moses at masyado akong nagpadala sa una naming halikan.

Umiling ako at pinutol ang aming halikan. Naliliyo ko siyang tinitigan at dumistansiya sa kanya. Sa kanyang likod ay ang isang kama na maliit.

Dinilaan niya ang labi at parang mauupos ako na makita ang kanyang buong katawan. Wala na siyang pang itaas at ang loob ng kanyang itim na short ay bumubukol.

Ngumisi siya at pinakawalan ako.

"Fix yourself. Malapit na tayo sa Isla."

Kahit nanghihina ay nagawa kong' tumango. Inayos ko ang aking buhok gamit ang aking kamay maging ang aking uniporme. Nagsindi naman ng sigarilyo si Moses tsaka ako pinasadahan ng tingin. Umiwas ako at tumingin sa pintuan.

"Hm..mukhang dumaong na ang yate niyo. Salamat sa p-pasakay at paumanhin narin."

Tinapon niya ang sigarilyo. Shoot agad ang sigarilyo sa ashtray. Napalunok ako. Ang mga galaw niya ay siguradong sigurado.

Lumapit siya sa akin ulit habang may nakasabit na tuwalya sa kanyang balikat.

Noon ay hindi ako kailanman nagka interaksyon sa mga lalaki. Noong mga nakaraan lamang na bakasyon.

Kung hindi ako kinukutsa ng mga lalaki ay binabastos naman ako nila. Si Roman lang ang naging mabait sakin. Si Moses naman ay nahihirapan akong iwasan siya simula noong unang interaksyon namin.

Alam niya kung saan ako nakatira. Ang ibig kong' sabihin ay alam nilang dalawa ni Roman kung saan ako nakatira.

"I saw you last time with Roman. Magkakilala pala kayo. Are you flirting with him too?"

Tinikom ko ang aking bibig dahil hindi iyon totoo.

"Magkaibigan kami ni Roman , Moses. Mabuti siyang tao."

Ngumisi siya at umiling sakin. Tila ba ka tawa tawa ng sinabi ko. Hinawakan niya ang aking baba at pinagtagpo ang aming tingin. Pa bitin bitin niyang hinahalikan ang aking labi.

Ang kanyang palad ay hinimas ang aking puwetan.

"Anong laro ba ito Moses?" nanghihina kong tanong.

Kinagat niya ang aking tenga at humalakhak doon. Nakapinid na ako sa malamig na dingding ng kwarto ng yate na ito.

"You trust Roman so much huh? Well, what ever. He thinks an Island girl like you is easy to get. I know my friend more than you know him."

Hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi niyang iyon. Pinaglalaruan lang ba ako ni Roman? At bakit naman ako aasa e simula't sapol ay hindi ko alam kung simpleng kaibigan lamang ba ang tingin niya sakin o baka ako lang nag assumed na nililigawan niya ako o espesyal na tao ako para sa kanya.

Isla RomansàWhere stories live. Discover now