Chapter 11

29 13 0
                                    

Jaiden's POV

"You don't have to do my work now, Jaiden. Ako ng bahala." Sia said when I enter the SSG office.

"K." I said.

Mukhang babalik na naman ako sa seat ko sa tabi ni Ms. President.

"I provided a table for you. Go and seat here." Saad ni Ms. President sabay turo sa isang table sa tabi niya.

Sa TABI niya pa rin. Pero atleast ngayon may sarili na 'kong table.

Doon ako dumeretso at naupo. Walang paperworks, walang gagawin. Magiging boring kaya dito ngayon?

"Bakit ayaw mong pumasok sa klase mo?" Tanong ni Kiana.

"Tinatamad ako." Sagot ko na ikinatawa niya.

"Tamad ka sigurong mag-aral, 'no? HAHAHA."

"Hindi naman, medyo lang kapag boring ang klase."

"Sus, palusot ka pa." Pang-aasar ni Sia.

"Believe it or not, I don't care."

Nakakatamad minsan mag-aral kapag hindi ka interesado sa itinuturo. Lalo na sa math na ang daming pinapagawa kahit na add and subtract lang naman ang ginagamit sa pang araw-araw na buhay. May calculator pa na pwedeng gamitin, kaya bakit pa mag-aaral ng ganun?

Nakakasakit lang sa ulo at dagdag sa intindihin.

"Wala ba 'kong pwedeng gawin?" Tanong ko kay Ms. President dahil ang boring.

Lahat sila may ginagawa, ako lang wala.

"Why? Are you bored?"

"Slight."

"Go and help Sia. You can do her works, right?"

Tumango ako.

"Go and help her and don't bother me."

Wow, ako pa nanggugulo sa kaniya. Eh, siya 'tong naglagay ng seat ko sa tabi niya at siya ang presidente. Malamang sa kaniya ako magtatanong.

Lumapit ako kay Sia at nanghingi ng kaunting gagawin.

"Do you really wanna help me?" Tanong niya.

Isa pa 'to, ang kulit. Sinabi na ngang tutulungan ko na siya, nagtatanong at naniniguro pa.

"Oo nga, ulit ulit?"

"Ba't ang init ng ulo mo? May mens?" Natatawang sabi niya habang kumukuha ng ibibigay sa akin.

"Just give me a paperwork to do." I said.

"Okay." Sabi niya sabay abot sa akin ng iilang paperwork.

"Kakaunti nalang ang gagawin ko ngayon, thanks to you." Sabi niya pa.

Kakaunti na nga lang ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa niya hindi gaya dati.

Sa dami ba naman ng nagawa kong paperworks. Halos tapusin ko na nga lahat, eh. Kung hindi namin nalaman na kaya naman pala ni Shan ang sarili niya ay matatapos ko na ang mga 'yon.

Hindi naman kasi gano'n kahirap ang ginagawa niya. Nagbabasa lang, pirma kung kailangan, at pinagsusunod sunod lang ang mga hindi nakaayos.

Tinanguan ko nalang siya saka bumalik sa table ko. Wala ako sa mood makipag chitchat kahit kanino ngayon.

Gusto ko lang ay may magawa para lumipas agad ang oras.

Habang ginagawa ko ang mga paperwork na hiningi ko kay Sia ay bigla akong nakaramdam ng gutom.

Hindi pa pala ako kumakain mula kanina. Bigla tuloy akong nagutom ngayon sa kalagitnaan ng paggawa ko ng mga paperwork.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa pinto.

J UniversityWhere stories live. Discover now