Pair of Job

361 19 0
                                    

CHAPTER 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4

RUWI.

It's been a while simula nang malaya akong makapunta kahit saan ko man gustuhin. Mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin sa aking mga paa na ngayon ay tuwid na nakatayo, akala ko hindi ko na ulit magagamit ang mga paa ko sa paglalakad.

Dalawang araw na ang nakakaraan noong magising ako sa tatlong araw kong pagkakatulog, nalaman ko ring nagkaroon ako ng hemorrhoids at ngayon ay inaalalayan ako ni Manang Sally sa pag gamot nito. Napaka-strict niya pagdating sa mga dapat kong kainin kagaya ng mga pagkain na high-fiber daw dapat at pagbababad ko ng aking ibabang bahagi sa maligamgam na tubig sa bathtub pagkatapos maligo. Nakakahiya nga kasi siya pa ang nag-aasikaso sa 'kin pero nakakatuwa na hindi pa rin siya nagbabago, siya rin ang nag-aalaga sa akin noon tuwing may sakit ako. Para parin siyang totoo kong nanay, alagang-alaga niya 'ko.

Noong unang araw kong malibot ang malaking mansyon na 'to, muntik pa akong maligaw dahil sa daming silid at pinto. Hindi kasi ako mapakali dahil wala namang iniaatas ang may-ari ng bahay na ito na gagawin ko. Sa totoo nga e, hindi ko pa nakikilala kung sino ba talaga ang nagdala sa 'kin dito. Kaya ko rin sinubukan libutin ang mansyon na 'to dahil nagbabakasakali akong makakita ng larawan ng may-ari, pero bigo ako dahil puro paintings lang ang mga larawang nakasabit sa pader ng buong bahay. Hindi ako makapaniwala dahil sa mga drama na napapanood ko rati, pagpasok pa lang ng bahay ay may makikita na agad akong family picture, pero dito wala. Mas lalo tuloy naging msiteryoso sa 'kin ang alphang nagdala sa 'kin dito. Hindi naman sa excited akong malaman kung sino, na-cu-curious lang talaga ako at gusto ko rin malaman kung sa gaanong halagang pera ako ipinagpalit ni Papa. Hindi ko maisip na basta-basta na lang niya ako ipagbibili. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari.

"Ruwi, hindi ba't sinabi ko sa 'yong hindi mo na kailangang gawin 'yan?"

Napaigtad ako nang marinig ang masungit na boses ni Manang Sally. Kasalukuyan akong nasa kusina at hinuhugasan ang mga pinagkainan. Ang dami ko pa ngang pakiusap na ginawa sa katulong na naka-assign sa gawaing 'to para hayaan niyang ako na ang maghugas e, tapos nahuli naman agad ako ni Manang Sally.

"Hehehe, Manang Sally naman, konti lang naman 'tong mga ligpitin at kayang-kaya ng muscle ko."

"Ikaw bata ka, hinayaan ko na ngang tulungan mo 'yung nagwawalis at hardinero kaninang umaga, tapos ngayon makikita naman kita sa lababo. Hindi ka talaga mapakali, e 'no? Pagsumama na naman ang damdam mo hindi na talaga kita aalagaan," pagbabanta niya na ikinatawa ko lang ng mahina. Hindi ako maniwala sa mga sinasabi niya.

"Sus, pagkatapos mong umiyak sa akin noong nagising ako," natatawa kong biro.

"Aba, ikaw bata ka talaga!"

"Manang Sally," hinugasan ko ang kamay kong may sabon saka lumapit sa puwesto niya. "Wala na po kayong dapat na ipag-alala sa akin dahil ayos na ang pakiramdam ko. Gusto ko lang magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain dito. Tao rin naman ako at gusto kong bumawi, hahayaan mo na lang ba akong magkulong sa malaking silid na 'yon habang kinakain ako ng konsensya ko?"

Fate of the Pair [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon