Chapter 3

22 9 46
                                    

"ARAY!", napahimas ako saking ulo ng may tumama ditong masakit.

"Hoy! Zeresh Blaire anong oras na oh, hindi ka pa ba babangon jan! Gusto mo ba talagang ma late? Ilang beses na kitang sinabihang matulog kagabi, nakinig kaba ah? Hanggang 12 am gising ka pa dahil sa kakadut-dot jan sa cp mo! Ano hindi ka pa babangon? Hihilahin pa ba kita patungong banyo? Blahh blahh blahh"


Pasuray-suray akong naglalakad papasok ng banyo. Malakas ko itong isinara at kahit masakit ang mga mata ko ay naghilamos parin ako. Napatingin ako sa ilalim ng mga mata ko. Huhuhu may malaking baon ka na ng eyebags selp ang lusog at nangingitim pa.

"Hoy! Dalian mo dyang bata ka! 8 ang klase mo 6:45 na ngayon ohh! Kaya ayaw na ayaw kong kumuha ka ng sariling condo ehh hindi ka marunong gumising ng maaga! Blahh blahh blahh"

Ano ba naman itong si Nanay ang aga-aga nambubulabog na agad dinaig pa si Shuga ko sa pagr-rap ah. Naiinis kong tinakpan ang tenga ko haysss, naku naman.

"Bilisan mo jan huwag kang tumunganga", sigaw nito sabay kalampag sa pintuan ng banyo.

"Oo na po. Maliligo na!", malakas kong sigaw pabalik sa kanya.



Mabilis akong naligo at ginawa ang mga morning routine ko, ginawa kong ponytail nalang ang buhok ko dahil tinatamad akong mag-ayos. Mabilis akong bumaba ng hagdan ng makita ko sa pambisig kong relo kung anong oras na.

"Shit! 7:30 na!"

"Ito lunch box mo at itong isang tupperware pang meryenda mo mamaya! Yan kasi tutulog ng lampas 12 am na tapos magpapanic ka jan dahil late na", pahabol ni Nanay bigay sakin ng isang paper bag ng papalabas na ako ng pinto.


"Oo na po. Bye Nay!"


Hinablot ko lang ito at mabilis na tumakbo paalis.




'Bat kaba naman kasi nagpuyat kakastalk ah! Alam mo namang sobrang laki ng school mo tapos nasa 3rd floor pa ang classroom mo! Ang tanga mo talaga!', kastigo ko sa sarili habang tumatakbo.

"Good morning Manong Guard!"

"Oh! 7:40 am na bilisan mo baka malate ka"

"Ito na nga po tumatakbo na!"

Pahabol kong sigaw pabalik dito, tinanguan lang ako nito. Shit! Napasandal ako sa dingding habang tinatanaw ang staircase. Good luck selp kaya mo yan! Habol hininga kong tinatahak ang daan patungong pinto ng classroom. Dahan-dahan ko itong binuksan.


'Sana wala pa si Ma'am huhuhu'


Mabilis akong pumunta sa upuan ko ng makita kong wala pa si Ma'am. Shit! Success!

"Bat ngayon ka lang?", tinignan ko ng masama si Amber.

At iyan talaga ang ibinungad niya sakin. Hindi ko nga pinansin, sabi ng sabay kaming papasok eh tapos wala man lang siya sa sala pagkababa ko. Pinupunasan ko ang mukha at leeg kong pawisan ng magsalita ito ulit...


"Oh?? Galit ka na niyan?"


Tsk! Hindi ko nga siya pinansin. Shit! Ang lagkit ko na. Sayang ang shampoo, sabon, lotion at pabangong ginamit ko para lang pagpawisan ng ganito.

"Are you okay?", napabaling ako sa baby kong Englishero.


"Yes", pilit akong ngumiti.


Wala na akong poise nito kainis naman kasi eh. Bakit ba hindi nag-alarm ang alarm clock ko kanina? Napapikit ako ng maalala kong binato ko nga pala ito sa dingding dahil sa pambubulabog ng gising ko kanina. Mas lalo kong gusto ibaon sa kinauupuan ko ngayon ang sarili ko dahil sa kahihiyan ng inayos nito ang nagusot na manggas ng aking blouse. Nalanghap ko pa ang nakakahalina nitong amoy dahil sa pag yukod nito.


Fall on me (On-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin