second.

81 3 0
                                    

second.

Nagising si Ken sa vibration ng cellphone sa mukha niya. Nakatulog na pala siya sa kakahintay ng text ni Cecil. Sa pagkakataong ito ay mastumindi ang sakit ng likod niya pero hindi niya muna ito pinansin nang makita niya kung sino ang nagtext.

gcing ka pa Ken?

Pumwesto siya para magreply.

opo. hintay q kc txt u :)

xorii ndi ako nkarepz s mga txt mo knina kc mxado kming npuruhan ng task. kmi kc pinagwa ng props pra sa cheer dance bukas. ndi n rn kmi nkapasok s last subject knina pnapagalitn pa kmi pg ngttxtx pra daw mtapos agad ang props kya ngaun lng kta ntx pauwi na rn kmi. xorii tlaga ken ha :*

Napa-smile si Ken sa nabasang text kahit kumikirot ang likod niya.

hahaha

nung nkkatawa?

kailangan mo b tlagang i-xplain lhat? hehe pero ok na rn kc kla q ngtatampo ka skin kya d kna ngrep

d no. aq nga nttawa s kulit mo sa txt :D

nkkamiss ka din kc sa txt hehe

Naka-smile pa rin si Ken nang i-send ang huling text, parang nailang siya sa text niya na iyon.

Kumirot ulit ang likod niya at ngayon ay tantya na niya kung nasaan ang sakit kaya nakadapa siyang humiga muli na nakaharap ang mukha sa cellphone habang naghihintay ng text ni Cecil.

Lumipas ang ilang minuto. Tiningnan niya ang oras sa cellphone. 9:18 na kaya naisip niya baka pagod na’t tulog na rin ang textmate.

cge tulog ka na. lam q pagod ka pa. good nyt !

Nagtiis nang masyado si Ken kaya binitawan na niya ang cellphone at tumayo mula sa kama para tingnan kung anong nangyayari sa likod niya na mistulang alam niyang mayroon siyang makikita.

Inalis niya ang t-shirt na nakaharap sa life-size na salamin. Agad niyang tiningnan ang likod niya.

Napatigil si Ken na tinitingnan ang sariling mata sa salamin.

Naglakas-loob siyang tingnan ito uli sa kabilang angulo para masigurado niya ang una niyang nakita.

Hindi niya mawari kung anong kalokohan iyon, kung papano at bakit, pero nakakakita siya ng mga balahibo, oo, mga balahibo sa parehong wing bone niya sa likod. Ang masnakakabigla nakikita niya at nararamdamang mabilis itong dumarami at pumuporma.

“Hindi. Wala. Walang pakpak.” Ang bigla niyang nasambit.

Lumayo siya sa salamin at isinuot ang sando sa palagay na nagha-hallucinate lamang siya pero kahit anong hila niya sa sando para ibaba ay sumasabit ito sa kung ano man ang mayroon sa likod niya. Pinipilit niyang ibaba ang sando sa mistulang galit pero masnararamdaman niyang nasasaktan siya sa pagkakasabit nito.

Hinubad nalang niya uli ang sando at tumigil na nakatayo. Pinipigil niyang sumigaw dahil ayaw niyang maalarma ang ina sa nangyayari sa kanya.

Muli siyang naglakas-loob na tumingin sa salamin.

Masmahahaba na ngayon ang mga balahibo at pumorma na ito sa mga pakpak. Mga pakpak na madalas niyang nakikita lamang sa TV at pelikula na hindi niya akalaing nangyayari na nga sa kanya.

Hinawakan niya ito.

Hindi ito ordinaryong balahibo na kagaya ng balahibo ng manok o kahit na anong ibon. Makapal ito na kasing lambot ng bulak pero kasing kulay naman ng balat niya.

FLY NIGHOnde histórias criam vida. Descubra agora