fifth.

37 1 0
                                    

fifth.

Masyadong maliwanag ang mga ito na itinaas na ni Ken ang kanyang isang kamay para harangin ang mga ilaw na ito na tumatama sa mga mata niya habang hawak parin ng isa ang kamay ng kasama. Dulot na rin siguro ito ng tagal nilang nanatili sa hindi masyadong nailawang lugar na iyon.

Pero hindi ito nakatulong. Yumuko at ipinikit ni Ken ang mga mata sa kagustuhang masanay muna ang mga ito bago niya kausapin ang mga taong ito.

Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata.

Nagulat siya sa nakita.

Pababalik-balik na iwinawagayway ang nakatutok na flashlight sa kanyang mata. Masyado itong malapit pero naaninag niya ang hugis ng isang pamilyar na babae. Naramdaman niyang hawak ng babae ang isang kamay niya.

“Ma?” agad niyang nasambit na punong-puno ng pagtataka.

“Ay, sorry, gising ka na pala. O hala sige na anak, bumangon ka na para mag-breakfast, hindi ka naghapunan kagabi at m-...”

Habang nagsasalita ang ina ni Ken ay naalala niyang may isang malaking sekreto siyang hindi pa niya nasasabi rito kaya lubusan siyang kinabahan.

“Ma!!” Bumangon si Ken at umupo sa kama. Agad-agad niyang ibinalot patalikod ang kumot na hawak niya.

Nagulat na lamang ang ina. “A-anong nangyayari sa iyo anak? M-masakit ba talaga likod mo? Ano bang sakit yan’t tinatago mo yata?” sa labis na pagtataka nito.

Natulala si Ken sa gulo ng mga pangyayari. Marahang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Chris.

“O, tol! Haha! Kumusta naman yung panaginip mo kagabi?” nakangising sabi ng kapatid habang papalapit sa kama.

Nangibabaw sa isip ni Ken ang narinig na sinabi ng kapatid. Mabilis niyang tiningnan ang katawan sa loob ng kumot, wala siyang damit pero suot niya ay jeans. Inalis niya ang nakatalukbong na kumot at pilit na inabot ng tingin ang likod niya. Walang pakpak.

Saka lang napagtanto ni Ken na totoo, totoong panaginip lang pala ang lahat ng inakala niyang pangyayari kamakaraan lang. Napatingin siya sa ina at bakas sa mukha nito ang pagtataka. Napatingin din siya sa kapatid.

“Oo, nanaginip ka lang. Lakas kaya ng ungol mo, halos buong gabi kang nagconcert, malikot ka pati.” Paliwanag ng kapatid na tipong nalaman niya ang ibig sabihin ng tingin ni Ken sa kanya.

Biglang itinapon ni Ken ang kumot at nakangiting sumigaw.

“Aaahh! Bakit mo ako ginising, ma!! Aaaahh!”

Lalong nagtaka ang ina sa sinabi ng anak.

“Bakit ba ‘tol?? Ano bang panaginip mo?? Kwento mo naman!” pagpipilit ni Chris.

Bumaling siya sa kapatid. “Ang astig ng panaginip ko, kuya!” sabay palo sa balikat ni Chris sa panggigigil.

Tumayo na ang ina at sinabing “ewan ko sa inyo, bumangon na kayo riyan at mali-late na kayo...” palabas ng kwarto. “kwento niyo nalang din sa ‘kin mamaya.” At isinara nito ang pinto.

“Ken! kwento ka na ‘tol!”

Naalala ni Ken si Cecil. Hinanap niya ng tingin ang cellphone at nakita niyang nasa unan niya lang ito sa tantya niya’y sa mismong bahagi kung saan nakapatong ang ulo niya. Inabot niya ito.

“Mamaya na yan, kwento ka muna.” At tangkang hinablot ang cellphone ni Ken pero naiwasan niya ito.

“sandali!”

Nakita niyang nandoon nga ang mga text ni Cecil na nabasa niya sa panaginip pero mukhang hindi paito nabubuksan.

gcing ka pa Ken?

xorii ndi ako nkarepz s mga txt mo knina kc mxado kming npuruhan ng task. kmi kc pinagwa ng props pra sa cheer dance bukas. ndi n rn kmi nkapasok s last subject knina pnapagalitn pa kmi pg ngttxtx pra daw mtapos agad ang props kya ngaun lng kta ntx pauwi na rn kmi. xorii tlaga ken ha :*

Parehong-pareho ang text na nabasa niya sa panaginip at ngayon. Napangiti lang si Ken at tumingin sa kapatid. Tumayo nalang si Chris, alam na niyang wala pang balak magkwento ang kapatid dahil hindi pa ito nakakaalis sa panaginip sa utak nito, pinulot ang kumot at ibinato ito kay Ken.

“May utang ka pa sa’kin, baliw! Maligo ka na at ‘lam kong ayaw mong ma-miss ang performance nila Noemi mamaya.” at lumabas ito ng kwarto.

Mula sa labas ng kwarto ay narinig ni Ken ang kapatid na sumigaw ng “Ma! Si Ken nababaliw na po, nakangiti nalang.”

Natawa lang si Ken sa asal ng ina at kapatid, hindi na kakaiba ang mga ito sa kung papano niya ipa-suspense sa dalawa ang naging adventure niya kagabi. Biglang pumasok muli sa utak niya ang lahat ng pangyayari sa panaginip niya, mula sa kung papaanong nagsimula ang lahat sa texts ni Cecil na hindi paman niya nabasa sa cellphone ay nakita niya naman sa panaginip at kung papano ito natapos sa maliwanag na paraan. Pero hanggang sa puntong iyon ay hindi parin siya makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng iyon dahil pakiramdam niya ay totoong lumipad siya gamit ang mga pakpak na mayroon siya. Ilang beses niya ring binalikan ng tingin ang likod niya mula sa salamin na minsan na ring nagpakita nito sa kanya sa panaginip, umaasa na mayroong kahit na isang balahibo man lang na bakas ng realidad pero wala. Kahit na isang balahibo sa kwarto niya ay wala rin. Ganoon pa man, hindi niya iyon kailanman makakalimutan. Ang lahat ng iyon ay kakaibang experience, napakaiba. hindi man totoo.

Pero bakit sumakit ng husto ang likod niya kagabi? Napaisip si Ken pero hindi narin niya ito binigyan ng atensyon nang bigla niyang naalala may isang bahagi ng panaginip niya ang totoo. Hindi na siya interesado sa cheer dance mamaya dahil napanood na niya ito sa panaginip niya, masgusto niyang makilala ng lubos ang isa pang babae sa panaginip niya. Tiningnan niyang muli ang hawak na cellphone. Nireply na niya si Cecil.

pwede ba tayong magkita?

E N D

FLY NIGHWhere stories live. Discover now