KABANATA 2.

1.9K 118 7
                                    


"Jace, malapit na sila! Bilisan mo! Dali!"

Hindi naman talaga ako natataranta alam ko namang malulusutan namin sila.

May tiwala kasi ako sa kanya at hindi lang namin ngayon nagawa ito kundi halos araw-araw.

"Malapit na princess." Kalmado niyang sabi. See? That's why I trusted him. He's calm and serious, at the same time... He looks hot!

Maya-maya pinalakasan na niya ang takbo at nag-drift papaliko papunta sa direksyon ng mga bodyguards kong nagda-drive! This time hindi na talaga biro 'to. I can't calm na!

"What the hell are you doing?" I almost shout. "Mag papakamatay ka ba Jace?!" sasalpok kami 'pag nagpatuloy pa siya!

"Watch and learn princess." Kalmado pa rin niyang sabi habang papalapit  na kami sa direksyon nila.

"Oh my gosh! Babangga tayo Jace!" halos nakakapit na ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Ang isa kong mata nakapikit na!

Then what happen next...

Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ko.

Dejoke lang! Nalagpasan namin sila at ang mga tanga kong bodyguards dirediretso lang ang takbo.

"That was cool! Turuan mo ko no'n Jace." Saad ko sabay puppy eyes.

Tumingin lang siya sakin saglit at bumalik ang kanyang concentration sa pagdadrive.

"No." Giit niya kaya napahalukipkip ako sa inis.

"Jace naman eh!" protesta ko sabay maktol sa upuan at tinanggal ang seatbelt.

"Princess 'wag na matigas ulo 'di pwede 'yon masyadong delikado." Malumanay niyang paalala.

"Tch, fine!" I said in retreat.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para kunwari galit-galitan ako sa kanya.

"Princess..." Tawag niya, sabi na nga ba 'di niya ako matitiis!

"Hmm?" pakunway wala akong ganang sumagot sa kanya.

"Don't marry him."

Automatic na napalingon ako sa kanya. Teka nabingi na yata ako ano daw sabi niya?

"Pardon?" I ask him again baka kasi sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nababaliw na ako't nagha-hallucinate.

"Wala, sabi ko nandito na tayo." Turan niya. See? Pero 'di parin ako mapakali.

"Tch, ang daya. Ano nga 'yon?"

"Bumaba ka na." Giit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Jace!" maktol ko ulit.

"Princess..." This time seryoso na siya sa babala niya.

"Oo na! Bababa na, tsk!" I hissed and follow his command. Sino bang amo sa amin? Pasalamat ka, naniniwala ako sa kautusang 'you should submit to your husband—husband-to-be.' I gigled at the thought of it.

Nakarating na kami sa LRT. Ganito talaga kami ni Jace tumakas, nagko-commute kami kasi may tracking device lahat ng sasakyan sa bahay.

"Princess 'wag kang lalayo dito ka lang ikukuha lang kita ng maiinom."

Tumango lang ako at umalis na siya.

"Going somewhere?" tanong no'ng lalaking katabi ko sa bench. Nilingon ko ang paligid kami lang naman dalawa ang naka-upo rito, so I assume ako ang kinaka-usap niya. Sino naman kaya 'to?

"Huh?" tanong ko, panigurado lang baka kasi baliw ang isang 'to.

Hinubad niya ang cap at shades niya kaya napatakip ako ng bibig, shot! It's him...

"Mariano?!" Gulat na turan ko.

"Yes, the one and only," sabi niya sabay ngiting pa pogi points.

"Anong ginagawa mo rito? Papa—"

"Papanong narito ako? Well, I have my own ways Lailanie. Napakaspoiled brat talaga ng mapapangasawa ko. Tsk, tsk sa mismong engagement party natin ka pa talaga tumakas." Turan niya sabay iling.

"Pakialam mo? Ayoko pang makasal no!" I know this may sound rude pero, truth hurts, hindi pa talaga ako ready.

"Well then, take your time my love. Sa'kin ka rin naman babagsak." He said and smirk.

"Princess ito na 'yong—Anong ginagawa mo rito?" kakarating lang ni Jace may dalang tubig at pagkain. Biglang nagdilim ang aura niya pagkakita kay Mariano. Magkakilala sila?

"Kasama mo pala butler mo sa kalokohan mo?" tumingin siya kay Jace saka nagpatuloy, "ingatan mo fiancee ko." Ani ni Mariano kay Jace then he left.

"Umalis na tayo." Saad ni Jace. Hindi ko alam kung anong iniisip nya sobrang expressionless kasi ng mukha niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Visayas." Napako ako sa kinatatayuan ko ng sabihin niya iyon.

"What? Why?" ang layo kaya no'n! Dati tumatakas kami, pero within Luzon kaya makakauwi rin agad now he's planning to go to Visayas?

Ilang minuto rin ang lumipas bago niya ako sinagot...

"Runaway with me my princess." Turan niya and my heart skip a beat sa sinabi niya.

"Seriously Jace? For real?" I said, disbelief.

"Will you trust me?" Nakangiting turan niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.

"Of course I trust in you! Mahal kita eh!" Inabot ko ito.

Pagkasabi ko no'n bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya and he claimed my lips and he kiss me passionately...

"I love you most Laila. Please come with me." He said habang nakatingin sa mga mata ko, I can see the sincerety when he told me those words. It melts my heart even more.

Hindi ko napigilan, napaluha na ako. Kay tagal kong pinangarap sabihin niyang mahal niya rin ako. Eto na yung chance ko!

"Shit! May mali ba sa sinabi ko princess? I'm sorry na bigla yata kita. I didn't mean to—"

Bago siya makatapos magsalita hinalikan ko na siya.

Kung kanina ako ang nakadilat ang mata sa gulat ngayon siya naman. Napatawa tuloy ako.

"Okay na eh babawiin mo pa! Oo na tara na magtanan na tayo!" nakangising turan ko saka hinawakan kamay niya.

Ngumiti rin siya at sumakay na kami ng tren.

~~
Singkit's note_ Enjoy reading this revised and edited version of my story. Thanks for reading!

Vote and comment is much appreciated. ❤

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Donde viven las historias. Descúbrelo ahora