CHAPTER 30

710 34 2
                                    

Araw ng Linggo. Maagang nagising ang mag-asawang Fuentes. Parehas silang nakaupo sa hapagkainan at nag-aalmusal. Si Let ay kumakain ng kanin at ulam samantalang nagkakape habang nakaharap sa laptop si Miguel. 

"Mister, anong ginagawa mo?"

"Tinitingnan ko ang ipinasa ng logistics department."

"Wala namang pasok, nagtatrabaho ka pa. Bitawan mo na yan, wala akong kausap."

Agad na binitawan ni Miguel ang kaniyang ginagawa at isinantabi ito sa kaniyang gilid.

"Sige, ano bang pag-uusapan natin?"

"Mamaya, aalis tayo pupunta sa party. Kinakabahan ako natatakot ako sa sasabihin ng mga tao."

"Huwag kang matakot. Nandito lang ako, tiyaka kung ano man ang sabihin nila hindi apektado ang nararamdaman ko para sayo. Ang importante ay 'yong tayo."

"Nga pala sabi mo darating ang mga damit natin noong nakaraang araw? Nasaan na?"

"Ipinatabi ko kay manang."

"Ahh."

Bago pa man makapagsalita si Miguel ay pumasok ang isang kasambahay at nagsalita.

"Sir, nandito na po ang mga mag-aayos kay madam."

"Sige."

Umalis ang katulong, si Miguel naman ay kinausap ang kaniyang asawa.

"Nandito na ang mag-aayos sayo, bilisan mong kumain."

Ang piging ay magsisimula mamayang alas-tres ng hapon hanggang gabi. Matagal ayusan si Cholette kung kaya't maaga pa lang ay dapat na silang magsimula.

"Kumakain pa ko, sandali lang."

"Manang"

Agad na dumating ang kanilang kasambahay.

"Bakit po sir?"

"Pag-almusalin niyo muna ang mag-aayos kay Let."

"Sige po."

Pinag-almusal muna nila ang mga mag-aayos kay Let. Mayroong sariling hapagkainan ang mga bisita na pumupunta sa bahay na iyon.

"Kumain daw po muna kayo"

"Ay, busog pa kami."

"Hindi po puwede. Sinabi ni sir na mag-almusal daw po muna kayo. Makakagalitan ho ako kung hindi kayo mag-aalmusal."

"Ganun ba?"

"Opo"

"Sige, mag-aalmusal na kami."

Ngumiti ang katulong at pinunasan ang namuong pawis sa gilid ng noo.

Samantalang si Cholette ay masayang kinakain ang mga nakahain sa lamesa.

"Dahan-dahan lang, hindi ka naman bibitayin mamaya."

"Kumain ka din kasi."

Kinuha ni Cholette ang isang ulam at inilagay sa kanin tiyaka sinandok.

"Nganga"

"Hin—"

"Nganga kasi."

"Haist... Oo na."

Alam ni Miguel na hindi siya uubra sa asawa lalo pa't kapag nangulit ito. Ngumanga siya at kinain ang sinandok ni Cholette.

"Masarap?"

LAPSES (Complete)Where stories live. Discover now