CHAPTER 41

635 32 5
                                    

Madaling inayos ni Gerard ang dokumentong hawak niya tiyaka bumalik sa hotel kung saan siya tumutuloy. Inayos niya ang kaniyang gamit at dali-daling kumilos upang maagang makauwi sa Hacienda. Isang linggo na ang nakalilipas nang maging impyerno ang buhay niya sa pagtatrabaho. Tuluyan nilang naremata ang mga ari-arian ng Giovanni.

Si Katherina ang mag-isang kumakayod, buti na lamang at isa siyang propesor sa isang unibersidad. Malaki ang kaniyang sinusweldo ngunit sapat lang ito para sa kanila dahil nasa ospital pa rin si Mr. Giovanni. Wala silang sariling tahanan kaya umupa sila ng maliit na bahay malapit sa ospital.

Lahat ng mga dokumento at larawan na nagpapatibay sa paghihirap ng Giovanni ay maingat na inayos ni Gerard. Matapos mag-ayos ay tuluyan siyang umalis sa hotel.



***************

"Pupunta ako sa tubuhan"

"Gusto kong sumama"

"Sige"

Magkasama silang lumabas sa mansyon at naglakad papunta sa tubuhan. Hindi sila puwedeng sumakay sa kabayo, nag-iingat si Gustav dahil buntis si Hailey.

Habang magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa taniman ng tubo ay may humintong sasakyan sa tapat nila.

"Don Gustav!"

Nakita nilang bumaba sa sasakyan si Gerard na may ngiti sa labi. Naglakad ito papalapit kay Gustav tiyaka muling nagsalita.

"Naisaayos ko na po ang lahat."

"Ganun ba? Mabuti!... Hailey, bumalik muna tayo sa mansyon."

"Sige"

Sumakay sila sa sasakyan at muling bumalik sa mansyon.

"Mag-uusap lang kami ni Gerard, dito ka muna sa sala."

"Okey"

Dumiretso si Gustav sa opisina niya kasama si Gerard. Nang makapasok sa loob ay naupo siya sa kaniyang puwesto, inilagay ni Gerard ang mga dokumento sa ibabaw ng lamesa.

"Ito ang nagpapatunay sa paghihirap ng mga Giovanni, wala na silang pera at tanging si Katherina na lang ang nagtatrabaho sa pamilya nila. Naghahanap ng puwedeng pasukang trabaho si Mrs. Giovanni ngunit wala siyang oras dahil sa pagbabantay niya sa kaniyang asawa sa ospital. Inabisuhan ko rin ang ibang kumpanya na hindi tatanggapin si Mrs. Giovanni."

"Magaling! Kamusta na ang paghahanap sa tunay na ina ni Hailey?"

Ngumiti si Gerard at ibinigay ang dokumentong nagpapakita nang resulta sa isinagawang DNA test.

Binasa ni Gustav ang nakasulat at siya ay napangiti.

"Maraming salamat sa pagtulong mo Gerard. Tulad ng ipinangako ko sayo, magkakaroon ka ng isang buwang bakasyon."

"Yes! Salamat din po Don Gustav."

"Sa susunod na buwan ka na magbakasyon."

"Walang pong problema"

Lumabas silang dalawa, pumunta sila sa sala doon ay nakita nila si Hailey na nagbabasa ng libro. Napakagandang pagmasdan ng dalaga, nangingibabaw ang kaniyang ganda lalo pa't nakasuot ito ng puting bestida, ang kutis ni Hailey ay mala porselana, makinis at napakaputi.

"Hailey"

Natigil si Hailey sa pagbabasa at tiningnan ang kaniyang nobyo na papalapit sa kanya tiyaka siya ngumiti. Ibinaba niya ang libro sa lamesita at tumayo.

LAPSES (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon