X.

6.3K 181 5
                                    

Chandria

Nag-mulat ako ng mata at mukha agad ni Padilla ang sumalubong sakin.

"Hi Chandria!" nakangiting bati niya sakin. "Okay ka na? Wala na bang masakit sayo?" tanong niya.

Umayos muna ako ng upo atsaka siya sinagot.

"Oo, ayos na ko. Nasaan pala tayo?" tanong ko.

"Sa clinic." sagot niya.

Oo nga pala, nag-collapse ako.

"Bat ba ko nag-collapse?" tanong ko kay DJ.

"Uhmm... wala. Kinilig ka lang naman daw sa ginawa ko sabi nung nurse kaya medyo napabilis daw yung heartbeat mo." sagot niya ulit.

Uhh... Kinilig? Teka-- Wait-- Kinilig?! As in, KILIG?!

"What?! Seryoso ka?! Kinilig?! A-ako?! What the eff!!!" tumango lang siya habang malaki parin ang ngiti. "Hindi! Mali lang yung nurse! Di pa ko kinilig sa buong buhay ko! As in, never! Grrr. Ano bang pangalan ng nurse na yan nang mapatalsik ko na dito sa university?!"

"Wait, masyado kang defensive Chandy." sabi niya at tumawa ng malakas.

"F*ck. Bahala ka na jan. Bye." tumayo na ko at lalabas na sana nang hatakin niya ko pabalik.

"Ano ba?!" sigaw ko.

"Bati na ba tayo?" tanong niya.

"Nope. Umalis ka muna sa grupo nila Enrique." mariin kong sabi.

"Bakit ba gusto mong umalis ako sa grupo nila Quen?" tanong niya.

Hinigit ko yung braso ko mula sa pag-kakahawak niya sabay sabing...

"Dahil hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga taong konektado sa taong pinag-laruan lang ako at yung damdamin ko."

Pag-kasabi ko nun ay tinalikuran ko siya at nag-lakad na paalis.

DJ ♕

"Dahil hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga taong konektado sa taong pinag-laruan lang ako at yung damdamin ko."

Kanina pa nasa isip ko 'yang sinabi ni Chandria sakin. Anong ibig niyang sabihin? Taong konektado sa taong pinag-laruan lang ako at yung damdamin ko?

Kanina pa ko palipat lipat ng pwesto dito sa kama dahil hindi ko parin maisip kung ano yung ibig sabihin ng sinabi niya. At hindi ko pa malalaman kung hindi ko pa naalala yung pinag-uusapan nila Enrique nung first day of school...

Flashback

Nandito kami ngayon sa canteen ng barkada. Sina Marco, Diego, Janella, Michelle, Sofia, Liza, Cheska at Quen. First day of school kasi at first day ko din bilang part ng barkada nila.

"Bro, bumalik na daw si Nerdy Girlfriend ah?" pag-oopen ni Marco ng topic.

"Oo nga. Balita ko dito daw yun mag-aaral ulit. Anong plano?" tanong ni Diego.

"Walang plano. Hayaan mo siya. Baka nga di pa nakaka-move-on sakin yung nerd na yun. At baka naman... nerd parin siya. Pfft." nag-tawanan naman silang lahat.

Hindi ako makasingit dahil di ko naman kilala yung pinag-uusapan nila.

"Poor little nerdy girl." sabi ni Cheska at nag-tawanan ulit sila.

Tsk. Mag-tatanong na nga ako! "U-uhh... sino si Nerdy Girlfriend?" tanong ko.

"Girlfriend ni Quen nung 2nd year." sagot ni Janella sakin.

"Ano ka ba, girl! Correction, pinag-laruan! Pinag-laruan ni Quen nung 2nd year." pag-cocorrect sakanya ni Liza.

"Yun nga. Yung nerd na pinag-laruan ni Quen nung 2nd year. Siya si Nerdy Girlfriend. Masyadong assumera eh. Clingy pa. Yuck! Para namang papatulan siya ng isang tulad ni Quen."

That Nerdy ChicWhere stories live. Discover now