XXIV.

3.8K 127 2
                                    

Chandria ♔

"Ma'am Chandeh, may bisita ho kayo sa baba." sabi ni Manang nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Sino daw po?" tanong ko.

"Boypren niyo daw ho." sabi niya.

"Paki-sabi busy ako." sabi ko naman at nag-patuloy na sa pag-babasa ng libro.

Naka-balot na yung sugat ko sa kaliwa kong kamay. Kaya pala namamanhid 'to kagabi dahil nag-dudugo. May malaking hiwa kasi dun. Galing siguro dun sa ice pick na hinawakan ko.

Pumasok naman ulit si Manang sa kwarto ko, "Ma'am, mag-uusap lang daw ho kayo." sabi niya.

"Paki-sabi wala akong oras makarinig ng mga di importanteng bagay ngayon." sabi ko habang nakatingin parin sa libro.

Siguro ay apat na beses pang nagpa-balik balik si Manang. Ilang minuto pa ay may kumatok na naman sa kwarto ko kaya inis kong binuksan yun.

"Ano ba mana ---" napahinto ako sa sasabihin ko nang makita ko si DJ sa labas ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Chandy, bakit di ka nag-rereply sa texts ko? Tinatawagan kita pero naka-off naman yung phone mo. Di rin kita naabutan kagabi sa school, sabi ng guard umuwi ka na daw. Ano bang problema, Chandria?" imbis na sagutin yung mga tanong niya ay sinabi ko nalang na umuwi na siya.

Tinitigan naman niya 'ko at biglang bumaba yung tingin niya. Itinago ko agad yung kaliwa kong kamay na may band at isasara na sana yung pinto ko nang pigilin niya yun.

"Anong nangyare sa kamay mo?" tanong niya.

"Wala ka nang pake dun." sabi ko at bumalik na sa kama para mag-basa. Hinayaan ko nalang rin siyang pumasok sa kwarto ko.

"Chandria may pake ako dahil girlfriend kita." sabi niya.

Bored ko naman siyang tinignan, "Oh tapos?"

"Anong oh tapos?! Umayos ka nga Chandria!" inis niyang sabi habang naka-upo sa kama ko.

Ibinaba ko naman yung librong hawak ko at inis siyang sinagot, "Ako pa talaga ang aayos ah?! Dalawang oras kitang hinintay sa waiting shed ng school, DJ! Two fvcking hours! Naka-alis na lahat, pati yung guard na morning shift pero wala ka pa din! Alam mo yun? Nag-jeep ako pauwi, nakatulog sa jeep, lumagpas sa village, na-holdap ng adik, muntik masaksak ng ice pick, nahiwa ng ice pick yung kamay ko, wala ka pa din! Tapos mag-tetext ka kung kailan nasa bahay na 'ko?! Eh bullsht, DJ! Sabi mo susunduin mo 'ko! May Baby, hintayin mo 'ko mamaya. Ihahatid kita pauwi. Promise, di ako male-late ka pang nalalaman!"

"What?! Na-holdap ka kagabi?!" gulat niyang sabi.

"Oo, DJ! Pero nasa'n ka, diba? Nasa'n? Balita ko Bar with Team A ang status niyo kagabi ah. Ang astig diba? Nasa bar ka, masayang masaya na umiinom at tumitingin sa malalanding babae habang yung GIRLFRIEND mo, mapapatay na, wala ka pa din!"

"Look, Chandria. Nagka-yayaan lang kami pag-tapos namin mag-practice para sa performance namin sa Foundation. Oo may nakita akong mga babae kagabi, pero nandito pa din naman ako bumabalik sa'yo diba? I did not drink, nor flirt with other girls. I'm sorry I forgot ---"

"Nagka-yayaan? Kami ba ng Team A Volleyball, nag-yayaan? Tsaka.. you forgot? Perfect! Next time, try ko din'g ma-forgot. Now, go home. I don't need lame explanations now." cold kong sabi at kinuha na ulit yung libro sa side table ko.

I heard him sigh, kinuha niya yung libro na hawak ko at ipinatong yun sa side table ulit.

Kinuha niya yung kamay ko na may benda at hinalikan yun. "Gagaling na yan." Naalala ko tuloy nung nag-punta kami sa Amusement Park. Shut up, Chandria! It's not time for flashbacks!

Hinawakan naman niya yung chin ko at inangat yun, nagka-salubong yung mata namin kaya nagka-titigan kami.

"I'm sorry, baby." sabi niya at nakita ko namang parang maluluha pa siya. Pinag-dikit niya yung noo namin.

"Sorry, di na mauulit." bulong niya at hinalikan ako sa labi ng saglit. "I love you, baby reyna ko."

Ugh! Sht! Bakit pag-dating sa kanya, di ko kayang mag-tampo ng matagal?! Damn, DJ.

That Nerdy ChicWhere stories live. Discover now