CHAPTER 86

71 6 0
                                    

Mas maaga ako sa alarm ko ngayon, isang himala talaga. Pero paglingon ko sa kaliwa ko nakita ko ang tulog na tulog na si dreiden na makikita ko ang kagwapuhan dahil nasisikatan nang araw ang mukha nito

Maaga ang araw ngayon, kaya meron ok? Napatulala ako dito at wala sa sariling itinaas ang isang kamay para takpan ang araw na tumatama sa mata niya

Napangiti nalang ako dahil sa maamong mukha nito, nagulat nalang nang hatakin nito ang kamay ko at ipinatong nito sa dibdib niya

(・_・;)

"Tignan mo ginawa mo sa puso ko ngayon, jagi. Ang aga aga pinapabilis mo ang tibok." Aniya nito at dahan dahang dumilat na tumingin sa akin

Nananatili akong nakatingin dito hindi lang dahil wala akong masabi kundi yung mata nito na parang hini-hypnotize ako

Lalo akong nagulat nang hatakin na ko nito dahilan na para mahulog ako sa kanya at muli nasa ibabaw nanaman ako

"Ayaw mo talaga magsalita ah? Hmm lately lagi ka nang nasa ibabaw ko gusto mo ba lagi dyan?" Ngisi nitong aniya

"H-Ha? Ano? Hindi ah!" Pagdepensa ko at umalis na agad sa ibabaw niya

Argh micha ano bang nangyayare sayo!! Para kang tanga dyan! Huhu lupa lamunin mo na ko now na

"Okay lang naman eh, no need to deny it jagi. Hahaha."

"Ano ewan ko sayo epal mo!"

"Ako pa ha? Bwahaha nga pala salamat sa pagpapatuloy sakin."

"Anong salamat? May bayad yon!" Pagbibiro ko

"Magkano bang halik?" Tanong nito

"A-Anong halik ka dyan?"

"Este magkano ba?"

"1 million."

"Sige pakasal na tayo."

Pakasal? Ano namang connect non?

"Eh?"

"Syempre sobra sobra bigay ko, kaya yon naman bayad mo pakakasalan mo ko." Ngisi nitong sagot at kumindat pa

Natigil ang usapan namin nang may kumakatok sa kwarto, binuksan ko naman ito at nakita ko agad ang pagmumukha ni kuya

"Baka lang gusto mo nang kumilos? May pasok tayo sabay daw tayo sabe ni papa eh."

"Oo eto na nga." At dumiretso na ko sa banyo

Habang nasa banyo ako naririnig ko ang pinaguusapan nang dalawa

"Ikaw anong balak mo? Baka mamaya sumugod ang nanay mo dito at saktan nanaman si micha." Pagsusungit ni kuya

"S-Sorry pala don kuya, mauuna narin ak--"

"Sumabay ka na nang kain samin maaga pa naman para pag uwi mo mag aayos ka nalang at papasok na." Sabat ni mama

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora