CHAPTER 51

101 8 0
                                    

AT THE CLASSROOM (Sayuri's Pov)

"Psst!" Sutsut sa akin ni keighan na kasalukuyang katabi ko, umupo muna kase ito sa upuan ni micha tapos sila dreiden nasa harapan ko

Tumingin naman ako dito at aba tarantado to ah minumura ako kahit di ko naririnig dina-dub niya lang

Nilakihan ko lang ng mata to, pero di parin to natinag inulit niya pa ulet

Ay nako micha miss na kita kupal talaga tong mga natirang kasama ko

"Di ka titigil? Isusumbong kita?" Bulong ko dahil may teacher pa sa harapan at kasalukuyan itong nagtuturo

Tumigil naman agad ito at sinabing "weh sumbungera di naman minumura sabe ko pusang nakita ka masyado to eh kaya ka hindi kinacrushback ng kapatid ni micha eh."

"Gago ka ba?" Irita kong sagot

"Oh kalma ka lang mukha ka kasing sumbong e tatanga tanga e di muna alamin kung ano sinabe eh. Wag ka na umuwi ha palamunin ka lang sa bahay niyo sayang lang pinapakain sayo di ka kasi marunong mag isip wahahaha!" Tawa nitong aniya

Ah ganyanan ha depungal tong pandakeko na to

"Talaga ba pandakeko? Di ka mahal ng mama mo?"

"Mahal ako, ikaw hinde bleh!"

"Mahal kaya ako inuuwian nga ko e, ikaw kamusta?" At dinilaan ko ito

Napatahimik ito at sumuko na tinaas pa nito ang dalawang kamay niya lakas ng topak mo ha bwahahaha parehas lang tayong malungkot dito ang pamilya

Sa aming magtotropa fam lang ata ni austin at micha ang masaya, the rest kaming tatlo nila keighan wala na

Base sa kinwento sa akin ni keighan, ang kinakasama ngayon ng mama niya is yung step father niya na ngayon nasa states. Yung papa niya daw na totoo nandito lang sa pinas pero hindi pa sinasabe ng mama niya sino yung papa niya

Kinwento niya saken to nung isang araw na kasama ko siya pag uuwi

May kapatid din siyang babae na isa lang, kaso di niya parin daw nakikilala kaedad niya daw yon. Gusto niya ng makita ito dahil ang laki na ng pagkukulang niya daw kung kilala siya nito ang lungkot nga eh pero sana all may kapatid

Ako wala talaga aray ka don, pero kahit ganon wala pang time sa akin parehas kong magulang kamusta naman?

But its fine, change topic na nga speaking of nagtatawag si sir. Teka?? Nagtatawag si sir??? Ano yon what the...

"Yuri.." aniya ng teacher ko na ikinagulat ko

"Ano po?" Tanong ko

"Si fatima ang magiging partner mo sa research."

Tumango na lamang ako kay sir at tumingin ako sa kaklase ko na yon na nakayuko isa to sa tahimik sa klase at mahiyain mukhang madali kaming matatapos sa project si micha partner si keighan

Di ko talaga alam bat ayaw kami pagpartnerin ni micha pagdating sa project hmp!!

"Sana all partner si micha hahaha." Tawang sagot ni dreiden na humarap samin ni keighan

"Malas ko sa partner ko freak dude." Aniya naman ni austin

"Bakit?" Curious na tanong ko

"Well mainggit ka pre hahaha. Sino ba partner mo aus?" Singit ni keighan

Natahimik kami pare-pareho nang may nagsalitang magandang babae sa gilid namin

"Hi A! Saan tayo gagawa?" Ngiti nitong sagot

Nanlaki mga mata namin nila dreiden at nagpapabalik balik ang tingin namin sa dalawang ito

"Hmm it is up to you, i'm free kahit saan."

"On my condo?" Pabebe nitong sagot

Nag thumbs up lang si austin dito at kami nila dreiden nananatili paring nanlalaki ang mata

"What the-- dude ex mo yon diba? Wahahaha project gawin hindi comeback ah! Wahaha!" Humahagalpak sa tawa si keighan

"Shut up!" Seryosong sagot ni austin

May ex pala si austin?? Ngayon ko lang nalaman omo alam kaya ni micha to?

"Looks like ako na magwawagi kay micha? Hahaha." Aniya ni dreiden

"Bakit mahal ka ba niya?" Pambabara ni austin

"Owww bars ka pare! Wahaha." Tawa ni keighan na pati ako ay natawa din

"Tarantado panira hahaha parang di tropa eh." Sabat pa ni dreiden

Makalipas ang ilang oras uwian narin namin saglit lang ang klase namin hindi katulad nung highschool kami. Senior highschool is quite a different lahat kami ict ang kinuha easy easy pa lang dahil di pa kami gaanong tinuturuan sa programming more on communication kami

Kaso pagdating ng college ay mag iiba iba kami ng landas dahil hindi lahat kami i.t ang pangarap. Ako humss dapat ang kukuhain ko na strand but my mom ayaw niya kesa magtalo kami sinunod ko nalang gusto niya

Pangarap ko maging law sana nga matupad na yon ang makuha ko for college

"Punta tayo kay micha?" Tanong ni keighan

Tumango nalang kaming tatlo at nagsimula nang maglakad

Ako tahimik lang buong lakaran namin dahil sila austin lang ang nagdadaldalan tsaka wala rin ako sa mood dumaldal. Napahinto nalang ako nang nagvibrate yung cellphone ko

Om--- si michael?? P-Paano?

"Hey yuri! Naiwan yung i.d mo sa akin i'm michael from stem-a sa taas kami please meet me up tomorrow early para makuha mo tong i.d."

Ang puso ko mga ineng si mahlabs nagtext alam niya na number ko pero pano? Kase di ko naman sinabi? Pwera... Si micha!! Baka sinabi niya number ko hampaslupa aba maiinis ako kunwari pero kinikilig! Bwahahaha!

Nagtaka yung tatlong tumingin sa akin dahil yung ngiti ko abot tenga napagkamalan pa ata akong baliw sa mga nakatingin sa akin sa hospital pagpasok namin agad na hinanap namin ng kwarto ni micha pero pagsilip...

Wala na siya? Kelan ba discharge si micha?

Sinilip din namin ibang kwarto kaso iba na ang mga nandoon pagtingin namin sa likuran namin nandon naman ang magulang ni micha

"Ah tita discharge na po ba si micha?" Tanong ni austin

"Ha? Eh andyan lang iyon." At sumilip sila sa kwarto laking gulat narin nito dahil wala doon ang anak nila

"Doc! Doc! Nasaan ang anak namin? Si micha salvador?" Natatarantang aniya ng papa ni micha sa doctor

Pati ang doctor ay di nakapagsalita sa gulat dahil hindi rin nito alam agad na pumunta kami sa cctv para malaman sino ang kumuha kay micha

Nakita namin isang doctor ito itinakas si micha!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry for the late update!! I hope y'all still supporting me. I will update when i'm on free time thankyouu!!


THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now