CHAPTER 7

4.7K 245 30
                                    

Chapter 7
In Between

Hindi ako namamalikmata. Ang babaeng dati kong nakapanayam kasama sila Kuya at Komander ay ang babaeng prestihiyosong suot ang yuniporme ng qualifiers ng Peta. Kasama siya—ano?

Nanlalamig ako sa mga isipin na totoo lahat ng ito. 'Di mabali ang tingin ko sakan'yang kasama sa pila ng mga Petanians. Taas noo, na nagsasabing handa niyang gawin ang lahat para lamang manatiling nakatayo hanggang dulo.

At nakakatawang isipin na sa lahat ng taong kasama sa turnamento, isa lamang ang mananalo. My fist balled from frustration. Before, I was guessing that maybe after the fight, I could find her and be with her—she's the only family that I have left.

After my brother's death, I was expecting her to comeback for me. Even a little wake for the two. But she didn't came... I respected her decision. Still... I want to see her, but not in here. Not in here! Why of all places, why... why in the Chivalry?! The searing pain mixed with the strong flavor of threat poisoned me.

I panic. I was sweating, my breath is jagged.

Sinabi na ng ministro na sa kaliwang bahagi ng kampo manunuluyan ang mga Petanians, ang patakaran at mga pataw na parusa. Matapos ito ay binigay sa moderator ang tyansang magsalita.

"For today you have your chance to train your body and what so ever, because tomorrow night. Is a little game. It won't be that harsh, but better be prepared."

Naramdaman ko ang kaunti nilang bulungan ukol sa bagong laro. Nagtaas ako ng tingin sa mga Petanians, na walang kaimik-imik. Supistikado.

"You may proceed to your day." Tumuloy na sa pagtaas ang moderator na sinundan ng mga ministro, mukhang magme-meeting sila.

Nawala na sa pila ang lahat dahil sa pag-mamadaling makataas. Kaunti akong nadadala ng kanilang siksikan, nagtiim bagang ako para kumuha ng pwersa at lumayo sakanilang masa.

Isa lang ang natatanging humihila saakin ngayon. "Gerrie..." Isang beses ko lamang tinawag ang pangalan niya ngunit agad itong tumigil sa pag-akyat ng hagdan. Nag-ugat din ito sa lapag sa espekulasyon nang narinig na tinig, nanlalamig.

Dahan dahan siyang lumingon saakin, umawang labi nito nang bumalandra na ako sakan'yang paningin. Infliction of a ghosted memory engrave in our minds. Lahat, naalala ko.

Hindi ko na pinansin kung nakalagpas na ako sa hagdan ng mga Petanians, ang iba ay nagsinghapan at lumayo saakin na para akong nakakadiri, ang ibang Gredorman ay natigilan saaking ginawa.

Nagtitigan lamang kami ni Gerrie habang papalapit ako nang papalapit sakan'ya, nasa harapan na ako nito. Hinahabol pa nito ang paghinga nang hilahin ko ang pulso niya. Wala itong diskurso at sumunod. Lumayo kami sa nagawang eksena, patuloy ako sa paglalakad sa iba't ibang pasilyo ng kampo hanggang kumurot ang aking puso at pumirme.

Pinakawalan ko ang kamay niya. Mariing pumikit. Nandito talaga kami sa loob.

Pareho kaming natali sa pinaka-susuklaman naming palaro ng buhay. Tumingala ako at hinarap si Gerrie na naka-hanap na ng lakas. 'Di ko pa tuluyang alam ang salitang ibubuga sakan'ya. My mind is a mess.

"Bakit ka nandito, Vira..." Madilim niyang tanong, hindi matignan ang aking mata.

"Dahil..." Nagkibot ang aking labi. "Dahil wala na akong babalikan, Gerrie, mag-isa na ako. Alam mo naman 'yon, diba?" Dama ko ang pagbigat ng kan'yang paghinga.

Naapektuhan

"I-Ikaw?" Pinasadahan ko ito ng tingin. "Bakit mo suot 'yan? Bakit ka nandito, Gerrie?" Humakbang ako palapit. "A-Alam mong walang makabalik saatin ng... buhay, hindi ba?"

Venom of the New Era (Season 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang