CHAPTER 9

4.1K 269 131
                                    

Chapter 9
Sides

VIRA

Nang makita kong ayos na sila; si Stella katabi si Akeesha, at si Neddie na katuwang naman ni Zenaida ay 'di na ako nag-abalang doon manatili. Kailangan ko ding mahanginan mula sa nangyare.

Lumabas ako sa tent ng mga sugatang manlalaro. Madami-dami din silang nasa labas. May mga bonfire na nakalatag, pinili kong sa isang log maupo, malayo sa masa habang umiinom ng tubig.

Sunod sunod na ang pagdating ng mga manlalaro, nakita ko naring nakabalik ang mga Petanians na aming tinakasan, mukhang hinahanap nila kami na may gigil sa mata, sinugod naman sa tent ang naparalisa nilang ka-grupo.

Bilang nalang ang grupong inaantay, at milagrong wala pang natatayang namatay ngayong gabi. Ngunit kagaya ni Stella at Neddie ay sugatang karamihan.

Nasa gitna ako nang paghahanap kay Gerrie saka ko naman narinig ang ingayan mula sa isang grupo tabi ng bonfire. Hindi ko sila balak bigyang pansin—nang makita kong naka-angat si Jersey sa lupa dahil sa pagkaka-kwelyo ni... Apollo?

Tumayo ako dahil sa kuryoso. Anong ginagawa niya sa bata? Nanatili ako sa posisyong 'yon, wala ding nagbalak lumapit dahil nagreplika ang apoy sa matang yelo ni Apollo. Nakapikit sa sakit si Jersey, namumula na din ang mukha niya sa sakal.

Naguguluhan ang iba, kahit ka-grupo nila ay 'di magawang ilayo ang higante sa bata. Naglabasan ang ugat ni Apollo, nanggigigil kahit walang sinasabi. 'Di ko inasahan ang sumunod nitong aksyon. Lumingon siya sa gawi ko at mas nagdilim ang paningin.

Binitawan niya si Jersey na bumagsak sa lupa na nanghihingalo, halos mamalipit para bawiin ang nawalang hangin. Mas bumigat ang atmospira dahil sa pagsisimulang paghakbang ni Apollo—saaking direksyon—hindi inaalis ang titig na malamig.

Dama ko ang paglipat ng tingin nila saakin, nagtataka at nagbubulungan, lahat ay humahawi para bigyang daan si Apollo papunta saakin. Hindi ako gumalaw o umimik nang nakita ko itong nasa mismong harapan ko na. Ilang dipa lamang ang layo niya saaking paa.

Umiigting ang panga niya, walang salita ay—at hinila ang kwelyo ko palapit sakan'ya. Nagsinghapan ang lahat. Ang higpit ng hawak niya saakin, ang lapit din ng mukha, puno ng galit ang bawat ugat niya. Blanko ang aking mukha sa kan'yang sugod. Nothing make sense with what he is doing.

"A-Apollo... baka makita tayo ng instructor, papunta na sila dito—" Mistulang naputol ang dila ni Vienn dahil sa pinukol na tingin ni Apollo. Humakbang siya pabalik at nagtaas ng kamay bilang pananahimik. "Chill."

Muli niya akong binalingan, mas kumuyom ang palad niya saaking kwelyo, napataas tuloy ako ng mukha. Binalik ko ang titig niya. "Anong kailangan mo?"

"Di namin kailangan ang tulong ng kahit sinong babae," punto niya at binitawan ako, ngunit 'di pa pala siya, tapos, muli siyang humakbang para itulak ang braso ko. "Bakit niyo siya tinulungan, tingin mo ba maangas kayo para isabit siya?" Wika nito ng lalim at diin.

Ang tinutukoy niya ay ang pagkampi namin ni Neddie kay Jersey para sabay kaming makalabas ng gubat. At kung ito ang pinuputok ng butsi niya... napaka-walang kwenta. 'Di ako naapektuhan.

Naniniwala akong ang totoong lalake ay tumatanggap ng tulong.

"Tingin mo ba sa sarili niyo ay malakas? Nagmamatapang ka?" Ang paligid ay na-excite. Nadama kong nabaliktad ang sitwasyon, kung kanina ay ako ang kanilang kinakampihan, ngayon ay naniniwala na sila sa sinasabi ng lalake. "Tandaan mo ito, kahit kailan kaya naming manalo nang walang katiting na alok mula sainyo. Wala kayong... karapatang ni dumikit saamin. Kaya 'wag kang magmataas."

Venom of the New Era (Season 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt