What a lovely day!

10 1 0
                                    

Aki's POV

*ring
5:00 p.m na. Nagsitayoan agad ang mga kaklase ko at handa ng umuwi. Ako naman, tumayo na rin pero syempre di pa uuwi.

Nagtatrabaho ako kay Mrs. Merida, our dean, inexchange sa allowance ko pang araw-araw.

Pumunta agad ako sa office niya. "Good afternoon ma'am." I greeted.

She glanced at me and smiled. "Same to you Aki. Just clean my room and put all those book in the library." She dictated while pointing the well-placed books on the corner.

Nilagay ko muna ang gamit ko sa upuan at kinuha ang walis tambo. Nakita kong naglakad papuntang pintoan si Mrs. Merida at,

"And yeah, you can go home after and don't forget to lock my office. Here's your allowance. I gotta go." Saad niya habang pinatong nito ang puting subre sa ibabaw ng lamisa at umalis na.

"Salamat po!" Sigaw ko kahit alam kong hindi niya iyon narinig.

Haaayyss sa wakas. Tiningnan ko yung puting subre, laking gulat ko 3,000 pesos ang laman.

Actually, every week 1,500 pesos binibigay niya. Bat may pasobra? Special? Rebisco ka teh? Tiningnan ko ulit yung envelope baka may pasobra ulit at ayun nga may pasobrang card.

Ano to? (Malay ko, buksan mo!) I rolled my eyes. Kung akala niyo may ibang tao rito, akala niyo lang yun. Kaluluwa ko yun.

So ayun nga binuksan ko agad yung greeting card at ito ang nakasulat :

Happy 23rd birthday Aki!♡

Hala bat ako naiiyak? Kala mo talaga long sweet message eh. Ambait kasi ni Mrs. Merida eh, she reminds me of my nanay. Argh! Nami-miss ko na naman siya.

Huhu bat ko ba nakalimutan sarili kong birthday pati death anniversary ni nanay? Tama nabasa niyo, same day birthday ko at death anniversary ng nanay ko.

Now tell me, gugustohin niyo bang mag-celebrate ng birthday niyo kung sa araw mismo na yan namatay ang isa sa pinakamamahal mo sa buhay? I don't think so.

Tinapos ko agad ang paglilinis at nilagay sa library ang mga aklat. I glance at the wall clock in the library, 6:20 na pala.

Madilim na, buti may mga ilaw pa rin dito sa Unibersidad. Nakita ko si Manong Danny malapit sa gate, siya ang guwardya sa gabi.

"Manong Danny uuwi na po ako." Paalam ko.

"Sige iha, mag-ingat ka." saad niya.

Naglakad na ako, malapit lang naman bahay namin dito. Pagkarating ko agad sa bahay,

"Akkkiiii! Akin na bag mo!" Lasing na naman si tatay, kakauwi nga lang niya galing sa hospital dahil sa highblood.

"Bakit po tay?" Walang ganang sagot ko.

Sinampal niya ako at dinuro, "Aba, sumasagot ka na ah! Wala kang utang na loob! Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay! Sana di ka nalang namin binuhay ng nanay mo!"

UNINTENDED MATRIMONY Where stories live. Discover now