Isinubo ni Vanissa ang vitamin pill at dinampot ang basong may tubig. Dumaloy pababa sa kanyang lalamunan ang malamig na likido at ginising ang hapo niyang diwa. Inubos niya ang laman ng baso at ibinalik iyon sa ibabaw ng kitchen counter.
Pumasada ang mga mata ng babae sa bagpack at dalawang paper bags na nasa mesa. Bihisan at mga pagkain iyon na dadalhin niya para kay Rajive. Kagagaling niya lang sa meeting niya sa partido at sa dalawang coastal barangays na binisita nila ng line-up niya sa city council. Kahit pagod na pagod ay pinipilit niyang maasikaso ang asawa lalo na ang kalusugan nito.
Hindi niya makausap ng matino si Rajive sa ilang araw na lumipas. Hindi ito umuuwi sa kanya at ibinaon na naman ang sarili sa loob ng command center ng Nephilim. Sinisikap na lamang niyang unawain ang asawa at ang hinagpis na kasalukuyan nitong nararanasan dahil sa nangyari sa kapatid nito. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang hustisya.
"Aalis ka na?" tanong ni Airaj na pumasok ng kusina kasama si Sebastian.
"Yes, Ma. Doon na ako kakain sa headqaurters para may kasama si Rajive." Dinampot na niya ang bagpack at isinabit sa kanyang mga balikat.
"Mag-iingat ka. Bukas na ako pupunta roon pagkagaling ko ng Vega."
"Sige po, Ma, sasabihin ko kay Raj." Nagbeso sila ng biyenan.
"Be careful." Si Sebastian naman ay dumukwang at hinagkan siya sa ulo.
"Thank you, Tito." Ngumiti siya ng tipid. His presence in the family is right on timing. Panatag siya tuwing umaalis dahil narito itong nag-aalaga kay Airaj. Araw-araw itong naglalaan ng oras para bisitahin ang biyenan niya lalo na ngayong may pinagdadaanan ang pamilya.
Si Jiego lang ang escort niya nang araw na iyon. Ang tatlo pa niyang bodyguards ay pinapunta niya ng kampo para mangalap ng impormasyon na maari niyang mai-ambag sa imbistigasyon.
"Jig, umuwi ka na muna pagkahatid mo sa akin para makapagpahinga ka." Binalingan niya ang lalaking nagmamaneho.
"Okay lang ako. Mas kailangan mo ng escort ngayong masyadong busy sa investigation ang asawa mo."
"Salamat, pero wala na akong ibang lakad pa. Doon na rin ako matutulog kay Raj. Kailangan mong makabawi ng tulog, ilang gabi ka na ring puyat."
Marahan itong tumango at hindi na siya kinontra pa. Nagpang-abot sila ni Sanya sa labas ng portal ng Heaven's Gate pagdating nila roon ni Jiego. Driver lang din ang kasama ng dalaga at kasalukuyang kinakausap ang mga guwardiya.
Sabay na silang pinapasok matapos dumaan sa security scanner at manual check ng mga canine personnel. Bumaba sila ni Sanya sa may visitor's lobby habang nagpatuloy sina Jiego at ang isa pang sasakyan sa assigned parking sa malawak na vertical clearance.
Hindi na siya nagtanong kung sinong pakay ni Sanya roon. Obviously it would be her husband. May bags na nasa kandungan ng dalaga na siguradong mga pagkain din. Nagpalitan sila ng ngiti nang magtagpo ang mga mata habang naghihintay sa mga kasama nila.
"Hi!" Gumulong papalapit sa kanya ang sinasakyan nitong wheelchair.
"Kumusta?"
"Well, not really good. I brought him a home-made cup noodles. This is his favorite so I tried to learn making some. Kung gusto mo ituturo ko sa iyo ang recipe."
"Thank you, Sanya." She gave her a genuine smile of gratitude.
"Pasensya ka na, nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Kilala ko kasi iyon, hindi na niya iisiping kumain kapag may pinagkakaabalahan at ngayon..."
"Hindi mo kailangang magpaliwanag, Sanya. You are a family to him. Mahalaga ka kay Rajive at tiyak matutuwa iyon na bibisitahin mo siya."
Nagliwanag ang mukha nito. Nahawi ang anino ng pangamba na kanina ay naglalaro sa sulok ng mga mata nito. Humawak ito sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
NS 10: SECRETLY TAKEN ✅
RomanceIs she a good woman? No, she is not. Vanissa grew up fighting for her survival. Her existence is not important. She is a nobody with herself as the only means to live. Yesterday, she was a thief. Tomorrow she can be a whore and the next days she cou...