CHAPTER 10: SOMETHING HAPPENED

16 6 0
                                    


MAAGA akong nagising dahil sa maagang ingay ng mga kapit-bahay. Dumiretso ako sa banyo upang gawin ang aking morning routine. Matapos ito ay tumungo na ako sa kusina upang magluto ng agahan. Actually, hindi ko talaga ito ginagawa. Pero dahil sa manyakis na epal sa buhay ko kagabi ay gagawin ko.

Ang swerte niya dahil may tagaluto siya ngayon na napakaganda.

"Good morning!"

"Ay come back!" malakas kong sigaw dahil dito sa punyetang manyakis na nakatago pala sa may ref at bigla akong ginulat.

Lintek! Tama ba ang naisigaw ko?

"Gusto ng come back ng baby?" Batid kong iniinis na naman niya ako dahil alam niya na sa lahat ng call sign, ang pinakagusto ko ay ang 'baby', ngunit hindi ito ang aming naging tawagan dahil gusto niya na siya ang mamimili.

"Oh? Bakit ka nakangiti diyan?" he asked as he started to cook. I'm just here at the table and just waiting for him to finish.

"Alam mo naman na gusto kong tawagan ay 'baby', bakit mo pa binabanggit?" parang batang sabi ko.

"Because I want you to be my baby."

Smooth!

"And I want you to be my daddy. Buy me something sweet, please." Pagkasabi ko nito ay hindi na siya umimik. Successful ako dahil napikon ko siya.

Naupo na rin siya sa harap ko at hindi pa rin umiimik.

"Nakaganti rin sa wakas," bulong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Owshi! Baka nadinig niya.

"Huwag ako ang kalabanin mo sa pikunan, baka mahulog ka sa akin at iyo na namang pagsisihan."

Mukhang nagkamali ako sa pamimikon niya. Kung hindi niyo alam, bukod sa boses niya ay naging close kami sa isa't isa noon dahil sa kaniyang pamimikon. Sa araw-araw naming pagbabangayan at daig pa ang aso't pusa ay nahulog ako sa kaniya. Tanga 'diba? Ikaw rin, tanga mo sa love. Yung tipong naniniwala ka sa internet love.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may nadinig ako sa may labas na parang boses ni mommy. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang halos pagod na mukha nito.

Ano naman kaya ang ginawa ng bruha kong mommy dahil kagabi pa ito wala?

"Mom, saan ka po nanggaling kagabi?" wika ko saka siya inalalayan na maupo sa kesa at para makakain na rin kasabay namin ni Rhael. Nagulat pa siya nang mapansin na si Rhael nga ang nasa harapan ko. Sumilay rito ang isang matamis na ngiti na parang sabik na sabik. Kung ako ang tatanungin ay parang nawala ang pagod niya.

"Sorry 'nak at hindi na ako nakapagpaalam sa iyo kagabi. Nagkaroon kasi ng emergency meeting sa office and pinatawag ako. You know naman na your mom is the sexytary," she explained.

"Correction: It is 'secretary', not 'sexytary'." Sinamaan niya naman ako ng tingin at nagpaalam na matutulog muna dahil sa sobrang pagod.

"Rhael, glad to see you again." Pagkasabi nito ay umakyat na siya. Ni hindi man lang kumain. Tss! Sabagay, sanay na siyang natutulog kahit 'di pa kumakain.

Hindi pa man kami natatapos sa pagkain ay may nag-door bell na naman.

"Ako na ang magbubukas," wika ni Rhael. Hindi pa man ako nakakatango ay agad na siyang tumayo at tumungo na sa may gate.

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now