CHAPTER 12: THE STRANGER

18 5 0
                                    

Nag-inat ako ng aking braso dahil kakatapos lang ng quiz namin ngayon kay Sir Aquinas.

"Wow! Mukhang easy lang sa iyo yung quiz, ex ah!"

Nagsisimula na naman si Rhael na mamikon pero sa halip na mainis ay ginatungan ko na lang siya.

"Baka kasi bumagsak ako, e."

"Bagsak ka talaga niyan kasi 'di ka nagreview," wika nito.

Paano naman niya nalaman na hindi ako nagreview?

"How did you know?" maarteng saad ko habang nakapameywang.

"Pagod ka kagabi," wika nito kaya nakatikim siya sa akin ng kurot sa tagiliran.

Baka ang tinutukoy niya na naman ay iyong nangyari sa amin noong mga nakaraang araw. Wao talaga itong si Rhael, pagdating sa mga ganoong bagay ay ang tagal bago makalimutan. Ganiyan na siguro talaga siya kamanyakis, naging sakit na niya.

"Pagod?" naguguluhang saad ko.

"Yes. You must be tired because you've been running through my mind all night."

Siya talaga yung tipong hindi mo expected na biglaang babanat. Walang paltos kung makaharot.

"Inborn na ba 'yang kaharutan mo, Mister Caeyos?" wika ko.

"Inborn ang aking kagwapuhan, Misis ko."

Sandaling napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba pero parang gusto ko siyang sapakin dahil sa pagkasmooth ng kalokohan niya. Alam ko naman na pinagtitripan niya lang ako at may iba siyang gusto. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit patuloy niya pa rin akong ginugulo.

Ubod iyan ng kulit, kaya nga noong panahong kami pa ay sobrang daming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.

And guess what? Malandi siya.

You wanna know why?

Iyong tipong mayroon pang 'kami', pero nakuha niya pang mag-entertain ng iba.

Paano ko nalaman? I have my own private investigator. Kidding! I just feel it.

"Puro kayo asaran, tapos kapag may napikon ay magkakainlove-ban," biglang singit ng bagong dating na si Kyrstel.

Itong kaibigan ko na ito'y palagi na lang nagiging kabute. Minsa'y namamalayan ko na kasama ko pa tapos maya-naya ay wala na naman sa likuran ko. Hindi ko alam kung saan-saan na naman ito nagsususuot, parang tanga.

"Saan ka nanggaling?" tanong ni Rhael kay Kyrstel.

"Sa tummy ng nanay ko," pabirong sagot ng kaibigan ko. Tumingin naman sa akin si Rhael pero napatawa lang ako.

"Walang nakakatawa, Portia!" saad nito.

"Tamo ka! Wala akong ginagawa sa iyo pero napipikon ka na naman. Inaano ba kita?"

"Ayon na nga e! Bakit kahit wala kang ginagawa ay nagugustuhan at nagugustuhan pa rin kita?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Sa paraan ng pagsasalita niya ay para bang ano mang oras ay guguho ang mundo ko. I'm not yet ready to be in a relationship with someone again.

Natatakot akong magmahal ulit.

Natatakot ako na baka isang araw ay ako lang muli ang nagmamahal sa aming dalawa.

Natatakot ako na baka isang araw, malaman kung hindi pala siya seryoso sa relasyon na meron kami.

Natatakot na ako sa kung ano ang posibleng mangyari. Natrauma na ako sa pag-ibig, na hanggang ngayo'y kinikimkim ko pa rin yung sakit.

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now