Kabanata 2

11 3 0
                                    

Kabanata 2: Congrats, you lost me.

"Chicken wing chicken wing! Tantantananana!"

Nandito ako ngayon sa cr at naghihilamos habang kumakanta. Taray diba akala mo naman magaling.

"WAAAAAAAAAHHHH!! RARAAAA!!" nagulat ako sa sigaw ni Scarlet.

Grabe! Ang hilig nya talagang sumigaw! Napakaingay!

"HALAAAAAA!!!" Sigaw naman ni Hailey kaya napilitan akong lumabas ng cr kahit may sabon pa sa mukha.

"Hooooyyy! Ingay ano ba 'yan!" Sigaw ko sa kanila habang nakapikit pa.

"Eh ito kasing si Scarlet eh ang ingay! Sinabayan ko lang." Sabi ni Hailey.

"Eh ano bang meron Scarlet?" Dinig kong tanong ni Lexi.

"Nako Rara magbukas ka ng tiktok mo ngayon naaaa!!" Sigaw ni Scarlet. Tinis ng boses sakit sa tainga!

Pumasok muna ako sa cr at tinapos na ang paghihilamos.

Nang matapos na 'ko ay lumabas na ako at tinignan agad yung tiktok ko. Baka kung ano na ang nangyari eh kabado ako syempre!

Nang bubuksan ko na ang phone ko ay sabay na lumapit sakin yung dalawa pero syempre si Lex nandun lang sa higaan namin at tahimik na nag aantay.

"Tagal naman." Sabi ni Hailey.

"Beh ang sikip." Maarteng sabi ko. Paano ba naman sobrang dikit nila sakin hindi ako makagalaw nang ayos. Buti nalang ay lumayo sila pero konti lang.

Nagulat ako dahil ang dami agad nagnotif sa tiktok ko kaya tinignan ko ito at ito lang pala yung video ko kanina. Pero wait! Totoo ba 'to!? Umabot ng million yung nakaview? Simpleng sayaw lang naman ito ah?

"Stalk mo nga."

Makautos ka Scarlet ha wait.

Inistalk namin yung Kendrick na dinuet ko at sikat na sikat pala talaga siya huh? Eh ano naman? Hindi ako interesado.

Pinatay ko ang phone ko at tinigilan na ang panonood sa video niya.

"Ano ba 'yan! Nanonood yung tao dito oh! Bastusan?" Reklamo ni Hailey pero tinawanan ko lang siya.

"Stalk mo nalang, Kendrick Lim Guerrero." Sabi ko.

"Wowers! Saulong saulo ah." Pang aasar ni Scarlet kaya tinarayan ko siya.

"Girls, labas muna ako." Paalam ni Lex.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah?"

"Papahangin lang. Tatawagan ko rin si Mommy, panay kasi ang text sakin e." Sabi niya at tinanguan ko nalang siya.

Naririnig kong pinag uusapan pa ng dalawa si Lexi pero sinaway ko sila kaya tinigilan na rin nila. Nag ayos nalang ako at hindi na sila pinansin dahil gusto ko na rin magpahinga.

"Pwede bang si Duke nalang? Nye nye." Bulong ni Scarlet. Aba't akala ko natahimik na itong isang 'to.

Tumingin ako sa kanila at nakitang nagtitinginan sila sa isa't isa sabay mag tatype sa phone. Mukhang nagchachat lang sila para di ko marinig pero hindi ata makapag pigil itong si Scarlet kaya ayon at umiral ang kaartehan ng bunganga.

"Scarlet tigilan niyo na siya please? Akala niyo ba palalampasin ko yung kasalanan niyo kanina?"

"Kasalanan?" Tanong ni Hailey.

"Yung sa truth or dare. Alam niyo naman si Duke lang ang close niya diba kaya natural lang naman siguro na siya yung piliin niya sa boys. Nagpaalam naman siya sakin at tsaka hindi niya rin naman kasalanan kung bakit yun yung dare. Kayo yung nag utos nun diba?" Mahinahong sabi ko.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Apr 09, 2023 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Stupid Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें