Simula

23 3 0
                                    

Tiktok Music
'So get ready babe I got plans for me and you oohhh 🎶
It ain't my first time but babygirl we can pretend 🎶
Hey let's bump and grind girl tonight will never end' 🎶
Take you down - Chris Brown

"My ghaaadd Duke kanina pa tayo paulit-ulit" inis na sabi ko.

"Sinabi ko naman sayo na ayaw ko eh! Pinipilit mo pa kasi ako, sabing wala ako sa mood ngayon magtiktok! Kita mong nag-e ML ako!" pasigaw na wika ni Duke.

"Oh c'mon Lex sabi ko naman sayo wag mo na siyang pilitin! Tara Duke magml nalang tayo, buhatin kita." Aya pa ni Lexi sabay kindat.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinayaan ko nalang sila sa kanilang ginagawa. Tutal palagi naman ganito.

Duke is my boyfriend. He's very addicted in playing mobile games. Madalas wala na siyang oras sa akin, kung kaya't minsan ay nanlilimos nalang ako ng oras sa kaniya.

Lexi is my best friend. We call each other LEX. Why? Kasi magkatunog ang pangalan namin, she's Lexi and I'm Alex Sandra. Sobrang close kami to the point na tinuturing ko na siya bilang aking kapatid. She's pretty and kind, but super maarte.

Pero syempre di ako papatalo dahil kung maarte siya ay mas maarte ako. Kung maganda siya ay mas maganda ako.

Nilingon ko sila at nakita kong sobrang saya nila habang naglalaro. May pagpisil at paghampas pa si Lexi kay Duke. Napairap nalang ako, matagal ko nang napapansin ang simpleng panlalandi ni Lexi sa boyfriend ko. Pero binalewala ko lang lahat ng kutob ko na may gusto siya sa boyfriend ko. May tiwala ako kay Duke at lalong mas may tiwala ako sa bestfriend ko.

Nandito kami ngayon sa clubhouse ng aming subdivision. I'm doing some tiktok dance while waiting for Baraks Squad. We're going to Amanpulo Beach to enjoy our vacation.

Baraks Squad is the name of our tropahan. Baraks dahil dito kami madalas tumambay ng grupo. Oo nga at lahat kami ay mayaman pero mas gusto naming tumambay sa mga ganitong lugar. Dito rin kasi kami nagkakilakilala. Nagkasundo kami dahil pareparehas kami ng ugali, except kay Lexi na hindi nila makasundo sundo. Masyado kasing mahinhin si Lexi, hindi katulad namin na maingay at kalog.

"Rara!!!" napalingon ako dahil sa malakas na sigaw ni Scarlet.

"Sorry we're late, paniguradong nag aalburoto ka na naman diyan" mataray na sambit ni Hailey

Kinuha ko na muna ang mga gamit namin para mailagay na sa van na aming gagamitin papunta sa Airport na pagmamay-ari nila Brayden

Pasimple namang lumapit at bumulong sakin si Scarlet.

"Huyy Rara! Talaga bang ikaw ang girlfriend?"

"Tignan mo ang kamay kung saan papunta! Kung makahawak sa hita ni Duke akala mo siya ang girlfriend!" singit naman ni Hailey habang nginunguso si Lexi.

Napasulyap naman ako sa kanilang dalawa na tila ba hindi napansin ang pagdating ng tropa. Ngingisi ngisi at naghahampasan.

"Hey Duke! Lexi! Ano na?? Sasama paba kayo o maghaharutan nalang diyan!?" galit na utas ni Brayden.

Napatingin silang dalawa sa amin at mukhang nagulat pa na nandito na ang barkada.

Maaga ang flight namin, masuwerte nalang kami dahil ang private plane nila Brayden ang aming gagamitin. No hassle!

Pagkasakay sa eroplano kaagad namang nagtungo si Kurt sa sofa.

Napakaganda ng kanilang private plane. Ang interior ay hindi lang simple. Makikita mo talaga na mayaman at bigatin ang may-ari.

 Makikita mo talaga na mayaman at bigatin ang may-ari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(credits to the real owner of this photo)

Tumabi ako kay Kurt at kinuha ang wine na nakaprepared sa mesa. Kaagad naman na sumunod si Duke at Lexi.

Nag earphone nalang ako dahil paniguradong puro asaran na naman ang maririnig ko. Kaagad namang inalis ni Brayden ang kalalagay ko palang na earphone dahilan para ikainis ko.

"Wow umaattitude si ate ghurl! PMS ka ba?" Asar ni Brayden.

Malakas naman na binatukan ni Scarlet si Brayden at sabay tanong
"Ba't alam mo 'yon?"

"Ang alin? Yung PMS? Narinig ko lang sa aking mga girlfriends."

"Playboy ka talaga!"
Nagtawanan nalang sila.

Wala ako sa mood ngayon kaya pinilit ko nalang na matulog. At dahil busy si Duke sa pakikipaglaro ng ml kay Lexi ay sumandal nalang ako sa balikat ni Kurt na kumakain ng chips.

Pero dahil sa ingay nila ay di ako makatulog kaya nakikain nalang din ako sa chips ni Kurt. Napatingin si Kurt sakin sabay layo ng chips, tila nang-aasar. Kaya ayun at wala akong ibang ginawa kundi habulin yung chips na inilalayo ni Kurt.

Dahil sa haba ng byahe ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako dahil sa pagtapik ni Kurt sa akin at nakitang gabi na nang makarating kami sa Amanpulo. Napatingin naman ako sa dalawa kong katabi at nakitang nakahilig si Lexi sa balikat ni Duke at ganoon din si Duke kay Lexi.

As usual napairap na naman ako at binalewala ang nakita. Dahan dahan kong ginising si Duke na kaagad namang ginising si Lexi.

Pagkababa ng eroplano kaagad naman kaming sinalubong ng driver nila Ethan na maghahatid sa amin papunta sa beach.

Masaya ang aming biyahe dahil sa kulitan at tawanan ng barkada

Bumaba na kami ng van at kaagad ng pumunta sa hotel na aming tutuluyan. Thankfully hindi na namin kailangan pang mag asikaso at magtagal sa front desk ng hotel dahil naipareserve na kami ng daddy ni Ethan.

Nakakapit ako sa braso ni Duke habang si Lexi naman ay ayun at pinopormahan na ni Brayden. Sabay sabay kaming pumasok sa hotel habang hinihintay si Nicholas at Ethan na sinamahan ang driver sa pagpapark ng sasakyan.

Nang makarating sila ay nagpunta na kami sa kanya kanya naming room. Nagpadeliver nalang kami ng pagkain dahil sa pagod. Hindi kami magkasama ni Duke sa iisang room dahil hiwalay ang room ng girls sa boys.

Nang matapos na kaming kumain ay kaagad na akong pumunta sa banyo para maligo at magpalit ng damit.

Katabi ko si Lexi habang si Scarlet naman at Hailey ang magkatabi sa higaan. Nagkasundo kami na bukas nalang sisimulan ang paggagala.

Stupid LoveWhere stories live. Discover now