Tulang Walang Tugma

20 0 0
                                    

Isang bagay lang naman ang 'di ko maintindihan
Na kung bakit pagdating sa panulaan
Napakagandang magsulat kapag nasasaktan.

Kung ikukumpara sa tula kami'y isang malayang taludturan
Walang sukat at tugma, walang pakialam sa bilang
Tulad ng magkaiba naming nararamdaman.

Puso ko sana'y para sa kanya lang
Ngunit siya'y mayroon ng pinaglalaanan
Tugmang aking hinihintay ay di na mapakikinggan.

- Sie 🍁

Tula bilang AlaalaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora