Mabuting Kaibigan

13 0 0
                                    

Madaling magpanggap na walang nararamdaman
Kayang kaya kong ipakita na isa lang akong kaibigan
Pero alam mo kung ano yung mahirap?
Yun yung pigilan ang pusong puno ng katangahan
Alam kong ayoko masaktan
Ngunit may magagawa ba ko para mabakuran
Ang pagtinging umaasang masusuklian?

Abot tingin man kita't abot kamay
Nalalapitan man at nakakatawanan
Katabi man ngunit alam kong sobrang layo
Ang layo ng puso mong iba rin ang inaabot
Masakit man pero wala akong karapatan
Sabihin mo man kasi o hindi
Malinaw namang ako'y kaibigan mo lang.

Kailan mo kaya mapapansin?
Di mo man lang ba nakikita saking mga tingin?
O sadyang ang mga mata mo'y para sa kaniya lang din?
Inamin ko na sa sarili kong nagmamahal ako nang palihim
Pero kahit kailan sayo'y di ko sasabihin
Hayaan na lang itago at ibaon sa limot
Dahil ayokong pagkakaibigan natin ay malukot.

Maraming taon ko nang itinago
Walang nakapansin, walang nakatunog
May napagsabihan man ako'y kaya ko ring patahimikin
Wag kang mag-alala, pagmamahal mo sa kaniya'y di nila guguluhin
Nagmahal man ako ng iilan
Napag-iwanan man at nasaktan
Ramdam ko namang sa puso ko'y mayroon ka pa ring puwang.

Nais ko lang naman maging masaya ka
Kung sa kaniya mo yun ramdam handa akong magparaya
Hindi ko man maibaling ang pagtingin ko sa iba
Hahayaan ko na lang kaysa mandamay pa
Kung sakali mang masaktan ka't kailangan mo ng karamay
Nandito lang ako na handa kang pakinggan
Nandito lang ako bilang isang mabuting kaibigan.

- Sie 🍁

Tula bilang AlaalaWhere stories live. Discover now