Isang bagay lang naman ang 'di ko maintindihan
Na kung bakit pagdating sa panulaan
Napakagandang magsulat kapag nasasaktan.Kung ikukumpara sa tula kami'y isang malayang taludturan
Walang sukat at tugma, walang pakialam sa bilang
Tulad ng magkaiba naming nararamdaman.Puso ko sana'y para sa kanya lang
Ngunit siya'y mayroon ng pinaglalaanan
Tugmang aking hinihintay ay di na mapakikinggan.- Sie 🍁
YOU ARE READING
Tula bilang Alaala
PoetryDi ako mahilig magsulat ng tula sa wikang Filipino, habang binabasa ko na kasi kinikilabutan ako eh. Pero kahit papaano, may naisulat pa rin naman ako.