Chapter 9

6 3 1
                                    


Pinatawag ako ng propesor.

"Pasensya na, prof," nakayuko kong saad.

Nasa opisina niya ako ngayon dahil hindi ako pumunta sa bahay nila Tazler. Nawala kasi ang address na binigay niya sa akin.

"Danesha, alam mo naman ang patakaran ko diba?" napaangat ako ng tingin.

Anong patakaran?

"You're suspended for 1 month." Nagulat ako sa sinabi nito. Se-seryoso ba siya?

"O-one month?" bulong ko.

"Yes, after 1 month maayos na 'yan. Gusto ko detalyado at malinis na report. That is my final punishment for you."

"Paano na ang ibang subject, prof?" nakakunot noo kong saad.

"Ako na ang bahala. May kailangan lang ako kay Tazler at kasabwat kita," he smirked. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Anong kasabwat? Bakit ang weird ng propesor na 'to. Tumayo siya at pinisil ang balikat ko. Matapos no'n ay umalis na siya sa opisina at iniwan ako sa loob.

"Baliw ata ang propesor na yun," napahawak ako sa baba ng labi ko at agad na lumabas sa opisina niya.

Bahala na nga.

Pagkalabas ko sa opisina niya ay nakita ko si Tazler. Para itong model na naglalakad sa corridor.

I cleared my throat nagbabakasakaling pansinin niya ako pero wala. Parang hangin itong dumaan sa harapan ko.

Edi wag. Umirap ako at ngumiti. Tang ina, ang pogi talaga niya. Nakangiti tuloy akong nasa gilid ng corridor. Iba talaga pag in love. Hinawakan ko ng mahigpit ang notebook na hawak ko at niyakap ito.

"See you, my love." kinindatan ko ang papalayo nitong bulto hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Sino ba namang hindi tatanggi? 1 month akong nakatutok sakaniya. Araw-araw akong nasa bahay nila!!!

Tumalon-talon ako sa kilig at pinipigilan ang tiling gustong kumawala sa aking bunganga. Bigla akong natigil ng maalalang nandito pa pala ako sa tabi ng opisina ni prof. Napabaling-baling ako ng tingin sa taas ng opisina. Baka may CCTV dito, makita niya ako.

"Okay, good. Wala!" masaya akong naglakad papaalis at ibinalita ito kina Blyth.

---

"Hay nako, oo nga kasi" I rolled my eyes. Kanina pa sila natatawa sa akin. Hindi ba sila naniniwalang 1 month akong hindi papasok sa paaralan na ito.

"Baka gawin ka ni Tazler na trabahador sa supermarket," napahalakhak ng malakas si Ishna kasabay nina Ichi at Blyth. Nasa coffee shop kami ngayon.

"Pwede naman."

"Ay iba den! gusto ng lukaret magtrabaho!" humiyaw si Ichi sa sinabi ni Blyth.

"Aba syempre! Sasayaw ako sexy dance para madaming costumer," sakay ko sakanila.

"Edi nagmukha kang bayaran ng babae?" saad ni Ichi na ikinatawa nina Ishna.

"Oo nga no,"

"Ngayon niya lang narealize," ngayon ay napapalakpak na si Ichi sa tawa. Korni.

Humigop ako sa kape na inorder ko at tumingin sa relo. 6:00 PM na

"Gotta go," pagpapaalam ko.

"Ang aga palang"

"Hahanapin ako ng asawa ko, shonga!" napailing-iling silang tatlo sa sinabi ko.

"Heh! ewan ko sayo. Sige na, uwi na. Balitaan mo kami baka may mangyare sa inyo," pang-aasar ni Blyth

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now