CHAPTER 2

182 22 5
                                    


AMARY'S POV

"Ma'am ano pong pangalan?" Tanong no'ng isang guard na nakabantay sa isang napakalaking gate na kulay itim.

"Amaryllis Chrysalis po," Sagot ko dito habang nasa loob ako ng taxi. Pagkatapos kong sagutin ang tanong niya ay hinawakan nito ang nasa tenga at parang may kinausap.

Mayamaya lang ay bumukas mag-isa ang gate at pinapasok na sila ng guard kaya naman dumeritso na ang sinasakyan kong taxi papasok.

Pagpasok namin ay isang malawak na lupain ang nakikita ko at, jusme! buti nalang talaga at di ako bumaba ng taxi dahil malayo layo pa pala sa main gate ang bahay nito.

"Grabeng laki ng lupain, pero nakakapagtaka na bakit gusto nila na malayo ang bahay sa main gate?" Tanong ko lang sana 'yon sa sarili ko na'ng makalimutan kong nakasakay pala ako sa taxi.

Tumawa ang driver bago ako nito tignan sa rear view mirror "Yan po ang sinasabi nilang rich problem," Sabi nito na ikinatawa ko rin habang tumatango.

Pagkahinto ng taxi ay agad akong nagbayad bago bumaba. Pagkababa ko ay agad akong napanganga dahil mukhang nasa isa akong mansion, hindi to normal na bahay. Subrang laki no'n na manly ang pagkakagawa, kulay gray na may mga parte ng bahay na white at black ang kulay. Pinagmasdan ko pa iyon bago bumalik sa isip ko na kailangan ko ng maglakad papalapit sa pinto.

Paglapit ko sa pinto ay may matandang babae pala do'n na nag-aabang, nakamaid attire ito na kulay black at nakangiti nang salubungin ako nito.

"Aba't kay gandang babae pala talaga ng asawa ni sir," Sabi nito ng makalapit ako. Ako nalang ang nailang dito dahil subrang lapad ng ngiti nito at para itong manghang mangha sa'kin.

"A-ah eh thank you po," Mahina kong sabi dito na sure naman akong narinig nito.

"Ahh oo nga pala, kanina ka pa hinihintay ni sir sa library niya," Sabi nito na agad pumasok kaya naman sumunod ako dito.

Napakalaki ng bahay, subrang neat tignan na'ng paligid at walang masyadong gamit at mahahalata mo talagang lalaki ang nakatira doon at mahahalata mo ring mamamahalin ang mga bagay na nakadesplay sa buong bahay na kahit pati nga ata mga gamit dito ay mamahalin din.

"Nasa loob po niyang pinto si Sir," Sabi nito na tinanguan ko bago ito umalis. Pagkaalis nito ay kailan lang ako kumatok.

"Come in," Sabi nito kaya binuksan ko nalang ang pinto at pumasok.

Pagpasok ko ay agad ko siya nakitang nakaupo sa gilid kaya lumapit ako do'n.

Pagkalapit ko, jusko parang gusto ko nalang talagang pumayag na maging asawa nito, sino ba naman kasi ang tatanggi? Maputi at makinis ito at kahit di mo pa lapitan ay alam mo ng subrang bango nito, 'yong bangong di matapang. Pointed na manly ang ilong nito, maliit ang mapula pula nitong labi, mga mata na gustong gusto ko makitang ngumiti dahil di ko pa 'yon nakikitang ngumiti ng abot sa mata. Maganda pa naman ang mga mata nito na kulay brown na may mahahabang pilikmata at makapal din ang kilay nito, maganda din ang hubog ng mukha nito dahil di 'yon gano'n kapanga pero sakto lang at bagay sa mukha nito ang matanggad nitong height at magandang katawan nito.

"Did you enjoy the view?" Tanong nito na nagpagising sa'kin at nagpaayos ng tayo ko.

𝙎𝙝𝙞𝙩! 𝙆𝙖𝙝𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 '𝙮𝙤𝙣! 𝙐𝙢𝙖𝙮𝙤𝙨 𝙠𝙖 𝙣𝙜𝙖 𝘼𝙢𝙖𝙧𝙮!

Tumikhim muna ako ng makalapit ako dito "Nga pala sir, pumunta ako dito kasi gusto kong sabihin na nagkamali lang ako ng perma, di ko talaga napansin na marriage contract pala 'yon, sorry." Panimula ko sa usapan kahit di pa ako nakakaupo at talagang nanatili lang akong nakatayo. Baka kasi kung nagpaligoy-ligoy ako ay baka di ko na kayang sabihin 'yon mamaya.

Pretend To Be A Slave [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon