six

862 54 48
                                    


ION POV.

Kasalukuyan kaming nasa kotse at si Vice ang nag dridrive. Pupunta daw kaminsa bahay nila para kumain.

"We're here!! Baba na!" saad ni Vice sa akin. Agad naman kami bumaba.

Nasa harap kami ng isang simpleng bahay. Maraming halaman na nakalagay sa mga paso, malinis, at higit sa lahat simple.

Pinapasok nya ako sa bahay. Medyo nahihiya ako dahil hinubad nya ang sapatos nya sa labas kaya hinubad ko narin kahit labag sa kalooban ko.

Pagpasok ko sa bahay. Malinis, maaliwalas at higit sa lahat mabango. A-amoy spaghetti?

"Oh nay? Bakit po kayo nagluluto ng spaghetti eh gabi na?" saad ni Vice sa isang matandang babae.

"Eh kasi aalis na si Ronie bukas mg umaga, gusto nya daw magpakain kahit bago umalis. Eh maaga yon, kung umaga din ako magluto, baka mangarag ako." paliwanag ng matanda.

"Hoy sya nga pala tutoy? Bakit ka hindi umuwi kagabi?" tanong ng nanay nito.

"Ah eh, n-nakitulog po ako sa iaang katrabaho ko. Lasing po kasi sya eh, hinatid ko lang." saad nito. Teka? Sya ang lasing at ako ang naghatid. Bakit baliktad?

"Ahh ganon ba? Ay teka? May kasama ka pala?" saad ng Nanay nito sa kanya.

"Ay oo nga pala nay. Si Sir po, Sir Ion. Sya po yung boss ko sa bago kong trabaho." saad ni Vice sa nanay nya. Nag mano naman ako dito bilang paggalang.

"Napabait at napakagwapo naman ng batang ito." saad ng nanay nya. Nakita ko namang mag make face si Vice.

"Salamat po Nay, Maam, Tita." saad ko habang naguguluhan kung anong itatawag ko sa kanya.

"Ay nako, Nanay Rosario na lang ang itawag mo sakin tutal magkaibigan naman kayo ng anak ko. Ay sya nga pala, upo ka muna at alam kong pagod kayo sa byahe. Malapit nang matapos tong niluluto ko para makakain din kayo." saad ni Nanay Rosario sa akin.

Hinawakan naman ako ni Vice sa kamay at hinila sa salas nila. Malamig dito kahit walang aircon.

"Dyan ka muna, tutulungan ko si Nanay magluto. Para kwits na tayo dahil nakitulog ako sa bahay nyo." saad nito sabay inirapan ako. Itong bakla talaga na to.

"Tulungan na kita dyan nay!" yaya ni Vice.

Tanaw ko sila mula sa salas dahil hindi naman kalayuan. Maswerte si Vice dahil kahit hindi sila mayaman may mayamang pagmamahal naman syang natatanggap sa magulang nito. Hindi tulad ko.

Napakagaan ng atmospera dito sa bahay nila. Ang sariwa ng hangin at akala mo wala kang iniintinding problema. Maituturing mong tahanan talaga.

"Sir! Kain na tayo! Masarap magluto ni Nanay ng spaghetti." nakangiting yaya ni Vice sa akin at inilapag ang isang bowl ng spaghetti sa lamesa nila.

"Umupo ka narin tutoy, ako na bahala. Alam kong pagod kayo sa byahe." saad ni Nanay Rosario kay Vice. Nakakainggit.

"Sige po nay. Thank youuu." saad ni Vice.

"Dito mo muna patulugin yung sir mo. Maraming masasamang loob sa labas ngayong gabi. Baka mapano pa ikaw Ion." saad ni Nanay Rosario.

"Pero nay, wala naman tayong guest room." Ani ni Vice habang kumakain ng spaghetti.

"Edi sa kwarto mo? Malaki laki naman kwarto mo eh. Pareho naman kayong lalake." saad ni Nanay Rosario at hindi ko mapigilang tumawa.

What's Wrong With Secretary Vice?Where stories live. Discover now