seven

601 31 53
                                    

Hi! pakibalikan yung chapter five kase inedit ko yon. May mga errors kase na naganap at ngayon ko lang napansin. You can start reading from the top din,  para mas maintidihan nyo dahil medyo matagal akong di nag ud. :))


Vice Pov


Kasalukuyan busy ako kakatipa sa keyboard ko. Di naman gaanong madami ang gawain dahil natapos ko na ang yung mga pending ko kahapon. Magiinat na sana ako nang biglang sumulpot si Sunshine sa harap ng desk ko.

"I saw you and Ion sa divisoria" cold na saad nito. Sumandal naman ako sa kinauupuan ko at tinignan ang kuko na parang wala akong pake sa sinasabi nya.

"So?" tinignan ko ito ng malamig. Mali ka ng ginagalaw.

"If i were you, i will leave Ion alone." saad nito habang nakangisi.

"But you're not me. And you will never be me.  So bakit lalayuan yung lalaking hinahabol mo? You're funny huh?" Saad ko at humigop ng kape. Umayos sya ng tayo at ngumisi.

"Di ako nakikipaglaro sayo crazy bitch." sambit nito at tumayo ako.

"Hindi naman ako nakikipaglaro sayo. Wanna know why?" tumayo ako at lumapit sa tenga nya.

"You're the one i played with." saad ko at bumuga ng hangin sa tenga nya ang nilisan sya.


Wala naman akong planong takutin sya. Sinakyan ko lang sya sa gusto nya. Natatawa kase ako pag naasar sya sakin. Masama na ba kong tao? HAHAHA well nakakanejoy pala?

Charot. Masyado kasi syang oa, nakakagana tuloy syang asarin. Kinuwento narin sakin nila Anne at Vhong na may pagkatililing si Sunshine. Sinasakyan na lang daw nila yung trip nya or binabara. Masanay na daw ako at isa pa di naman sya ang pinunta ko dito.

"Sino si Sir Ion?" parang chismosang tono ni Anne na kinagulat ko.

"Oo si Si Sir nga yung nakita ko sa parking lot" sagot naman ni Ryan na kinakunot ng noo ko.

"Bakit anong meron?" agad kong tanong.

"Eh kasi nga nakita ko si Sir Ion na may kasamang baba--" natigil ito nang biglang bumukas ang pinto ng opisina.

"Binabayaran ko ba kayo dito para magkwentuhan? Back to work now!" malamig na sita nito na kinakunot ko. Maayos naman kase kami kanina nung hinatid nya ko dito sa office.

"Come in Christine." saad nito na parang may kausap sya sa likod nya.

Isang babaeng naka white dress at flat sandal. Maganda sya, sexy, mahaba ang buhok at mukang mayaman. Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko na hindi ko alam ang rason.

"Sa pwedeng pagtambayan sa daanan talaga Mr. Viceral? i said go back to work!" iritado nyang sigaw sakin. Nilagpasan naman nya ako at nakasunod naman ang babaeng kasama nya.

Bumalik ako sa desk ko nang wala sa wisyo. Wala akong maramdman at dapat talagang wala akong mararamdaman. Bakit parang nakalutang ako sa ere?

May meeting sya ng Ama nya sa Meeting room kaya naggayak na ko at inayos ang sarili. Maayos naman kami kanina. kahapon. Bakit ganon sya para sungitan ako? At bakit umuurong ang dila kong barahin sya?

Huminga ako nang malalim at nasulyapan kong naguusap ang kaninang babae at si Sir Ion. Hindi na ko magtataka kung girlfriend nya ito. Naawa ako sa babae kase yung ipis na bulok 'tong naging jowa nya. Pray for her.

Nauna na ko Room kung saan mag memeting ang company ni Ion, ng dad nya at ng isang guest. Nag set up narin ako ng gagamitin ko sa loob para di maging palpak.

What's Wrong With Secretary Vice?Where stories live. Discover now