Chapter 28

25 4 5
                                    

"FIONNA?!"

Tumingin sa'kin ang babaeng kausap lamang ni Stacy kanina. Hindi ko mapigilang hindi matakot sa aking nakikita ngayon.

Paanong nakikita ko siya? Paanong nakakausap siya ni Stacy? Buhay siya? Paano? Pinatay ko na siya! Bakit buhay pa siya?!

"It's nice to see you again, Leona. I see you're doing fine living a happy life." Gusto kong magsalita ngunit tila may nakabarang kung ano sa aking lalamunan na pinipigilan akong kausapin siya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Buong-buo ang katawan niya. Ni galos ay wala. Lumapit ako sa kaniya upang hawakan ang mukha niya.

"L, okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Bakit bigla kang napa-upo?" Nangangatal akong humawak sa kamay ni Stacy na nakalahad upang tulungan akong tumayo. Buhay talaga siya. Buhay si Fionna. Pero paano?

"So, you guys seems like you're going to have a talk. I'll go exit the scene. See you later Lianna." Nanlalaking mata akong napatingin sa kaniya. Paano niya nalamang isang balat kayo lamang si Leona?! Bakit ang dami niyang alam?!

"Uhm I think you mistook her. Leona ang pangalan niya hindi Lianna," pagtatama ni Stacy kay Fionna pero ngumiti lang siya.

"It just slipped my mouth, I'm sorry. Anyways, I'll go take my leave now. Enjoy your remaining days Leona. I mean, enjoy your life, bye~"

Natatakot ako. Natatakot ako sa maaari niyang gawin.

"Leona, okay ka lang ba? Bigla kang namutla. May ginawa ba sa'yo dati si Fionna?" Ako ang may ginawa sa kaniya. Isang napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kaniya.

Tinanguan ko na lamang siya at unti-unting tumayo dala ng pangangatog ng aking binti. Muli akong napaupo dahil sa panghihinga at nakita kong lalong nag-alala sa'kin si Stacy.

"Okay lang ako," tanging sinambit ko upang kahit papaano ay mawala ang pag-aalala niya sa'kin.

•••

"Class dismissed." Agad na lumabas ang aming guro matapos niyang tapusin ang klase. Agd ko namang inayos ang aking mga gamit at tatayo na sana ngunit nagulat ako nang biglang may lumapit sa'king limang babae at tatlong lalake.

"Ano pong gusto niyong kainin Queen?" Okay, ano ba talagang meron? Hindi ba't ang reyna-reynahan nila dito ay si Britney?

"Queen, heto po gumawa ako ng sushi kahapon sana magustuhan niyo," sambit ni. . . Sino nga ulit siya? Natalia ata o Natalie. Hala ewan. Ang alam ko lang isa siya sa nang-bully sa'kin dati. I mean, lahat naman binully ako.

"Sorry but I have to go. Please excuse me." Agad agad akong umalis doon dahil na rin sa nasasakal na 'ko sa mga mata ng mga taong plastik. Nakakasuka ang sobra nilang pagiging plastic.

Agad akong nagtungo sa secret place naming dalawa ni Stacy, ang dulo ng garden. Wala namang nagpupunta dito dahil dito talaga ang pwesto ko dati bilang Lianna. Walang gustong pumunta dito dahil ayaw nila akong makita. Pumapangit raw kasi ang ang kanilang mga pakiramdam.

"Hey Stace. Kanina ka pa diyaan?" Tanong ko sa kaniya nang makita ko siyang nakasandal sa puno habang babad na naman ang mga mata sa libro. Wala namang bago doon. Adik talaga 'yan sa mga ganiyan.

"Hindi naman," sambit nito at ibinababa ang librong binabasa. "Tara kain na tayo."

Agad naman akong lumapit sa tabi niya at kinuha ang sushi na bigay ni—ng kaklase ko.

In exchange (COMPLETED)Where stories live. Discover now