Chapter 1

320 114 123
                                    

"Hoy, baboy!"

"ugly looser!"

"Bakit ka pa nabuhay? ang pangit mo haha,"

"You don't belong here!"

Naglalakad ako sa may hallway ng paaralan namin upang tumungo sa aming silid aralan. Samo't saring masasakit na salita ang mga binabato nila sa'kin na mas pinili ko na lamang huwag pansinin. Ngunit ang sakit pa din eh. Tao lang din naman ako kagaya nila pero kung ituring nila ako para akong ibang nilalang.

Pilit kong nilabanan ang mga luha ko. Ano bang nagawa ko para kutyain ako ng ganiyan? Tao pa rin ako! Inaamin ko na hindi ako kasing ganda nila, hindi kasing payat nila pero anong karapatan nilang laitin ako?

Bigla akong pinatid ng kung sino. Pupulutin ko na sana ang mga nagkalat kong libro pero biglang may umapak sa mga kamay ko. Hindi ko napigilang mapasigaw sa sakit. Naka stilletos pa yung nang-apak sa'kin.

"Parang kinakatay na baboy yung sigaw haha!"

"Wala namang bago dun, baboy naman talaga sya haha,"

"Huy 'di makatayo yung baboy buhatin nyo. 'Di nya na ata kaya sarili niya."

Napaangat ang aking tingin sa kung sino mang nag mamay-ari ng sapatos na umapak sa'kin. Si Britney, ang nag rereyna-reynahan sa school namin. Pakiramdam niya kasi siya ang reyna ng paaral na ito dahil sa mga donations ng pamilya niya. Everyone practically pleases her. Kaya ayan at lumaki anh ulo.

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinataas ng kilay nya na halatang drawing lang naman. Ahitin ko pa lalo iyan eh. Para wala ng matirang kahit isang hibla ng kilay mo diyan.

"May lakas ka na ngayong samaan ako ng tingin, UgLianna?" Hinigit ko ng buong pwersa ang kamay ko mula sa pagkakatapak niya na naging sanhi ng pagkakaroon ng sugat ang aking kamay. Ang sakit! Na out of balance siya ng dahil sa ginawa ko kaso nasalo siya ng mga alipores niya. Bwisit! Dapat hinayaan niyo na lang matumba 'yan eh.

"Ano bang ginawa ko sa'yo Britney, ha?!" Tanong ko dito nang makatayo na 'ko mula sa pagkaka upo. Pinulot ko ang mga nagbagsakang libro ko kanina dahil sa pagpapatid niya at buong tapang kong hinarap ang nanlilisik niyang mata. Pagod na pagod na akong manahimik habang inaapi.

"How dare you talk back to me?!" Singhal nito sa'kin at akmang sasampalin sana ako ngunit nasalo ko ang kamay niya. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis at hinigpitan ko ang hawak dito na naging dahilan ng pag-ngiwi niya. Ginantihan ko naman ito ng napaka lakas ng sampal na naging dahilan upang tumabingi ang ulo niya. Ayan, pantay na ang blush sa mukha niya.

"How dare you?! Get your hands off me, pig!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko pero hindi ko 'to tinanggal. Lalo ko pang hinigpitan ang pag hawak dito at mas lalong napangiti dahil mas lalong nalumukos ang kaniyang mukha dala ng sakit. Unti-unting lumakas ang pag sigaw niya dahil sa sakit. Nataranta ang mga alipores niya at akmang susugudin ako ngunit sinamaan ko sila ng tingin. Bahagya silang napa-atras dahil sa aking amok. Mga takot naman pala kayo eh.

"Ano pang tinu-tunganga ninyo d'yan?! Tulungan niyo 'ko!" Sigaw niya sa mga alipores niya kaya agad-agad nila kong hinawakan at buong lakas nila kong hinila palayo kay Britney.

"Ano ba, bitawan niyo nga ko!" Singhal ko sa kanila at iwinasiwas ang kamay ko para makawala sa pagkaka hawak nila. Natumba naman sila ng dahil sa ginawa ko. Ang hihina naman pala ng mga ito. Dapat kasi kumakain kayo ng madami. Masyado niyo atang ginugutom ang mga sarili niyo para ma-achieve ang ganiyang payat na katawan. Mukha na kayong mga bamboo stick eh.

In exchange (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon