Kabanata 15

228 19 1
                                    

Warning: Spg ng slight. Don't read if you're under 18.

Kabanata 15

Dalaga na nga

Makakalapit na sana ako kay Ylatch nang bigla akong harangan ng grupo ng mga lalaki, ito ang mga kaklase ko.

"Ang ganda mo talaga, Sacha.."

Napangiti ako dahil sa mga papuring natanggap galing sa kanila.

"Sayaw tayo oh.." aya ng isa kaya't agad akong napatingala kay Ylatch na ngayon ay nakatingin na sa akin mula sa likod ng mga lalaking nasa harapan ko.

Seryoso ang kaniyang ekspresyon nang tinaasan niya ako ng kilay.

Napangiti ako at binalingan ang mga kaklaseng lalaki.

"Pasensya na pero hindi kasi ako puwede.." katotohanang sabi ko.

I'm not allowed to dance with someone else tonight kung hindi iyon si Ylatch. Lalo na at first sweet dance ko ito, gusto ko itong maranasan sa kaniya lang tulad ng unang halik ko.

Agad na bumagsak ang kanilang mga balikat bago bigo sa aking nagpaalam.

Muling pumaibabaw sa aking pandinig ang kinakanta ni Kuya Serio ngayong kaharap ko na ang lalaking tinitibok ng puso ko.

"Hi!" bati ko sa seryosong si Ylatch na ngayon ay nasa harapan ko na.

Hindi siya umimik at agad akong hinawakan sa aking baywang at hinuli ang aking kamay. Idinikit niya ako sa kaniyang sarili upang hindi ako mapansin ng iba na kasayaw niya.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil nakahilig ang tainga ko sa dibdib niya.

"Ylatch.." pagtawag ko at tiningala siya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang ba?" tanong ko, nagtataka.

Napasulyap ako saglit sa banda nila Kuya Serio na ngayon ay ramdam na ramdam ang pagkanta.

"No, I'm not okay," sagot ni Ylatch na ikinapagtaka ko.

Napatingala naman ako ngayon sa kaniya.

"Bakit?"

"Ang daming lalaking pumalibot sa'yo," walang pag-aalinlangang aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Ano naman doon?" tanong ko, nanghahamon.

Hindi naman siguro siya nagseselos 'di ba? Pero bakit bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa galak dahil sa ediyang nagseselos nga siya?

Umiling siya at ngumisi na.

"You put lipstick?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko kaya't napanguso ako pero agad din namang namula dahil sa kaniyang pagtitig.

"Oo, nagustuhan mo ba?" namumulang tanong ko na ikinabakas ng pagkamangha sa kaniyang mga mata.

Napanguso ako nang ipagbalik balik niya ang kaniyang tingin sa aking labi at sa aking mga mata.

Mahina kong pinalo ang kaniyang kaniyang braso na ikinatawa niya.

"Oo naman.. nagustuhan ko, hindi nga lang ang lipstick eh," aniya at kinagat ang pangibabang labi habang nakangisi.

Ngumuso lalo ako upang itago ang ngiting gustong kumawala sa aking labi. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa pagkakilig sa kaniyang sinabi.

Sinabayan niya ang kanta kaya't napatitig ako sa kaniya.

Siya kaya? Handa rin ba ang puso niya kahit na masaktan pa siya katulad ng sa kanta? Dahil ako.. oo. Handa ang puso ko para sa kanya. Handa na akong mas palalimin pa ang nararamdaman ko para sa kaniya.. Gusto ko ang liriko ng kanta.. pero hindi ako sumasangayon dito. Dahil para sa akin ay wala ng iba pa kundi siya lang.. si Ylatch lang.

Stolen (Persico Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon