Kabanata 20

224 15 0
                                    

Kabanata 20

Hindi mananakaw

"Magandang gabi ho, Mr. Persico."

Kinakabahan akong ngumiti sa Ama ni Ylatch na nakangiti sa'kin. Inilahad ko ang aking kamay ngunit napamaang nalang ako nang yakapin ako nito.

"Dad, hindi mo siya kailangang yakapin," boses iyon ni Ylatch na nasa baywang ko pa rin ang kamay.

Ikinahalakhak iyon ng kaniyang Ama bago ito bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.

"Paano ba 'yan.. magkalaban pa naman kami ng Ama mo sa puwesto," aniya ngunit nakangiti sa'kin, bakas ang kasiyahan roon at sumulyap kay Ylatch.

Kumunot ang noo ko. Kung ganoon ay tatakbo rin siya bilang isang Governor. Dahil sa kaniyang sinabi ay naalala kong bukas na pala malalaman ang resulta! Sobrang naging busy ko ba para hindi iyon maalala? Kaya pala halos hindi ko na makita si Daddy sa bahay!

Iyon ang naging laman ng aking isipan hanggang sa matapos ang dinner. Halos hindi na nga ako nakasabay sa kanila dahil sa aking pinag-iisip. Lalo na ngayon at isa sa Ama namin ni Ylatch ang may chance na maging Governor.

"Mukhang malalim ang iniisip mo..."

Natauhan ako dahil sa boses na iyon ni Ylatch. Nasa kotse na kami at ihahatid niya na ako sa bahay. Isa pa itong hindi ko napag-isipan. Paniguradong nasa bahay sila Kuya at Daddy!

"Iniisip ko lang kung anong ipapalusot ko kila Kuya," sabi ko at sinulyapan siya na ikinatango niya.

"May naisip ka na?"

"Hmm.. sasabihin kong nakipagkita lang ako sa isang kaibigan," sagot ko at tumingin sa bintana.

Nang hindi siya umimik pa ay saka lamang ako muling napabaling sa kaniya. Umiigting ang panga at seryosong nakatingin sa daan.

"Ayos ka lang, Ylatch?" tanong ko ngunit tumango lamang siya at nanatiling tahimik.

Nagtataka man ay tumahimik nalang din ako hanggang sa itigil niya ang sasakyan sa tapat ng aming gate.

"Salamat sa paghatid at sa araw na ito, Ylatch," sabi ko at dumukwang papalapit sa kanya at ginawaran siya ng halik sa kaniyang pisngi.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumango, nanatiling nakahawak sa manibela. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto at kusa na akong bumaba.

Nginitian ko siya ng tingnan niya ako at isasara na sana ang pinto nang magsalita siya kaya't natigilan ako.

"Bukas sa lugar natin ulit, Sacha. Hihintayin kita ng alas tres roon.." aniya at namungay ang mga mata.

Napangiti ako at nakaramdam ng excitement. Kaagad akong tumango.

"Sige. Bukas sa ating lugar alas tres ng hapon, Ylatch. Magdadala ako ng fried chicken," pagkukumpirma ko at humalakhak na ikinangiti niya.

Tumango siya at nagpaalam na.

"Goodnight, my baby."

Napakurap kurap na lamang ako at naiiling na tinungo ang aking kuwarto. Kanina pa nakaalis si Ylatch ngunit ang pagpapaalam niya ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan katulad ng ngiting nakapaskil sa aking labi.

"Saan ka nanggaling, Safaria?"

Napapitlag ako dahil sa boses ni Kuya Serio nang nasa tapat na ako ng aking kuwarto.

"N-nakipagkita lang sa isang kaibigan, Kuya."

Iyon ang isinagot ko at kaagad na tinungo ang aking kuwarto upang maiwasan ang kaniyang mapanuring mga mata.

Nakahiga na ako at hindi makatulog dahil sa mga nangyari ngayong araw. Nagkausap kami ni Kiro.. ganoon din si Mirella at ang pamilya ni Ylatch.. ang Ama niyang kalaban ng Ama ko sa puwesto.

Bakit parang ang gulo? Bakit biglang gumulo? Ayos na kami ni Kiro, naiintindihan niyang si Ylatch ay mahal ko. Si Mirella.. hindi ko alam kung hindi ba dapat ako maniwala sa mga sinabi niya gayong ang mga iyon ay kapani-paniwala para sa'kin dahil alam niya ang lahat sa amin ni Ylatch. At si Ylatch..

Nang maisip ko si Ylatch ay kaagad kong kinuha ang aking purse at hinanap roon ang aking cellphone ngunit ikinagulat kong wala iyon roon.

Ilang segundo pa akong nag-isip kung nasaan iyon nang mapagtanto kong na kay Ylatch pala iyon!

Hindi ko nakuha sa kaniya! Napailing nalang ako at napangiti dahil sa naisip.

Pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila bukas ng umaga..

Iyon ang aking ginawa kinaumagahan. Sila Daddy ay wala, marahil ay dahil sa lalabas na resulta ngayong araw.

Nagpahatid ako sa aming driver ngunit pinaghintay ko na ito dahil kaagad din naman akong uuwi sa bahay dahil maghahanda ako ng fried chicken para mamaya. Balak ko lang namang kunin ang cellphone ko kay Ylatch para may contact kami mamaya.

Nilakad ko ang malawak na daanan bago makarating sa tapat ng Mansyon nila Ylatch dahil nasa labas ng gate ko ipina-parada ang sasakyan.

Pawisan ako nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng bahay nila Ylatch. Tahimik ang paligid ngunit bukas ang pintuan kaya't sumilip na lang ako.

Nasaan kaya si Ylatch?

Ngunit ang aking ginawa ay kaagad ko ring pinagsisisihan sa huli. Dahil tila katulad ng unang beses kong nasaksihan ang isang eskandalo ang eksenang nakita ko dahil sa aking pagsilip na iyon.

Si Ylatch ay walang pang-itaas na damit, gulo gulo pa ang buhok at tanging pang-bahay na shorts lamang ang suot habang nakatalikod sa akin at nakaharap kay Mirella na tanging isang malaking oversize white t-shirt na tingin ko'y pagmamay-ari ng isang lalaki.

Kumalabog ang aking puso sa kaba at sakit dahil sa aking nakikita ngayon na magkaharap sila sa isa't isa, pero kasunod noon ay ang pagkamatay ng puso ko sa nangyari.

Ikinawit ni Mirella ang kaniyang mga kamay sa batok ni Ylatch at tumingkayad palapit sa mukha nito, samantalang kaagad namang tumaas ang kamay ni Ylatch papunta sa baywang ni Mirella at kasabay nito ang pagtagilid ng kaniyang ulo.

Kaagad akong tumalikod nang maramdaman ko ang luhang lumandas sa aking magkabilaang pisngi. Naging sunod-sunod iyon kaya't hindi ko napigilan ang aking sarili, napahagulgol ako kaya't kaagad kong tinakbo ang malawak na daanan bago makarating sa gate ng mga Persico.

Naging mabilis lamang iyon sa'kin. Nagulat pa si Manong Lando dahil umiiyak ako ngunit wala na siyang naging tanong pa at kaagad na pinaandar pauwi ang sasakyan. Palayo sa mga Persico.. palayo kay Ylatch.

Namatay ang puso ko nang sandaling nasaksihan ko ang halikang iyon ngunit ramdam ko pa rin ang kirot dito. Ang sakit sakit! Ang sakit nang nakita ko! Talagang tama si Mirella.. hindi ko magagawang nakawin ang pagmamay-ari niya.

Akala ko pa naman may chance na mapasakin ang buong puso niya.. ang buong Ylatch Haze Persico.. pero nagkamali ako. Maling mali... dahil hindi mo pala magagawang manakaw ang puso at taong may ibang minamahal.. hindi mapapasayo ang pagmamay-ari na ng ibang tao.

Stolen (Persico Series #1)Where stories live. Discover now