Wiping off my tears part 2

3 0 0
                                    

*Kristine POV*

Simula nung araw na yun lagi na akong nakakatanggap ng sulat mula sa kanya. At sa bawat pagdaan ng araw ay hindi ko namalayang nahuhulog na din ako.

*****

"Wooohh sa wakas graduate na tayo!" Sigaw ni Lin. Kakatapos lang ng graduation at nakuha ko ang titulong suma cum laude. Sobrang saya ng lahat lalo na ako.

"Ang ingay mo talaga Lin." Asar ni Yohei sa kanya. Itong dalawang toh parang aso't pusa. Di na ako magtataka kung isang araw kasal na sila haha.

"Kristine dear, congratulations! I'm very sure your parent is really proud of you." Bati sakin ng mama ni Kurt.

Di ko naman maiwasang mapaluha. Sya ang tumayong ina ko simula nung naging magkaibigan kami ni kurt. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina.

Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit na agad nya namang sinuklian.

"Maraming salamat po." Umiiyak kong sabi. Naramdaman kong hinagod nya ang ulo ko.

"Oh umiiyak ka na naman shabu. Napakaiyakin mo talaga." Napakalas ako nang marinig ko ang boses ni kurt. Inis ko syang inirapan.

"Ikaw Kurt tigilan mo kakaasar dito kay kristine tatamaan ka sakin." Banta nya kay Kurt saka sya tumingin sakin. "Maiwan ko muna kayo ok?" tumango lang ako. Binalingan nya si kurt at sinamaan ng tingin.

"Umayos ka, ikaw na bahala kay Kristine." Napairap naman si Kurt. Bat ba hilig nito umirap.

"Yeah yeah whatever." Saka nya ako nilapitan. Napailing na lang ang mama nya saka naglakad paalis.

"Sabi ko naman sayo wag kang iiyak di bagay sayo." At muli ko na namang naramdaman ang daliri nyang pumupunas sa luha ko.

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo at tanging sya lang nakikita ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.

"I want to tell you something." Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko boses nya. Magsasalita na sana ako nang magulat ako sa ginawa nya.

Pumailanlang ang malakas na hiyawan sa buong hall ng bigla syang lumuhod sa harap ko.

Halos hindi mag sink in sakin ang nangyayari. Gulat akong nakatingin sa kanya.

"Alam kong naguguluhan ka ngayon pero bago ang lahat may gusto akong malaman mo." Mula sa bulsa nya ay inilabas nya ang isang pamilyar na papel. Pero wala itong sulat.

Saka nya inilabas mula sa likod nya ang isang teddy bear na kaparehong kapareho ng ibinibigay sakin ni... Teka, hindi a-anong--

"Im sorry kung sa sulat ko pa idinaan ang lahat. Masyado akong naduwag na umamin dahil hindi ko kaya kung lalayuan mo ako. Its just the only way I know to confess my feelings for you. Im so sorry kung sa tingin mo niloko kita. Im so sorry kung sa tingin mo pinagmukha kitang tanga. Pero isa lang alam kong tama. Yun ay ang minahal kita." Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Hindi ko alam ang mararamdaman.

"And now you're crying again because of me." Inis ko syang nilapitan.

"Tumayo ka." Nagtatakang napatingin sya sakin.

"Sabing tumayo ka!" Agad naman syang tumayo. Magsasalita sana sya pero isang sampal ang tumama sa pisngi nya. Agad naman syang napayuko.

"Gusto kong magalit sayo. Gusto kitang saktan. Pinagmukha mo akong tanga not knowing na nasa tabi ko lang pala ang taong yun. Pero gustuhin ko man magalit di ko kaya. Mahal na kasi kita." Gulat syang napatingin sakin.

Bago pa sya makapag salita siniil ko na sya ng isang halik. Ramdam kong nagulat sya pero agad din tumugon. Sobrang lakas ng hiyawan sa paligid pero wala kaming pakialam.

Muling pumatak ang luha ko dahil sa matinding kasiyahan. Bumitaw kami sa halikan saka nya pinagdikit ang noo namin.

"Umiiyak ka na naman." Mahina nyang sabi while wiping off my tears. Napangiti na lang ako. Sa ganitong simpeng gesture nya nahulog ako. Sya ang taga punas ng luha ko mula pa noon.

"Masaya lang ako." Nakangiting sagot ko kaya napangiti din sya.

"So tayo na?" He ask hopefully.

"Tinatanong pa ba yan?" And for the second time. Our lips met.

I'm very lucky to have Kurt Monteverde as my boyfriend now.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon