Manhid 1:

54 5 5
                                    

Manhid  1: IS NOW OPEN
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

"SH!T!!!!" mura ng isang babaeng estudyante na may magulong buhok, may tinapay na kagat-kagat, at halos mahulog na mga gamit dahil hinde maayos ang pag-kakasara ng bag sa kakamadali sa pagpasok sa eskwelahan.

Tumingin siya sa kanyang relo at laking gulat niya na may limang minuto nalang siya para makapasok sa eskwelahan. Lalong siyang nag-madali at dali-dali siyang tumakbo papunta sa eskwelahan. Nakapasok naman siya agad ngunit kailangan niya pang tahaking ang mahaba-habang hallway papunta sa kaniya klase. Napailing nalang ito at tumakbo muli. Sa hinde niya inaasahang pagkakataon hinde niya napansin na may tao na pala sa harapan nito dahil napatingin siya sa bag nito dahil muntikan ng mahulog ang kaniyang pinakamamahal na wallet.

*BOOOGSH*

"Ay p*ta!!" mura niya dahil sa lakas ng impact na nangyare.

"Anak ng siomai! Bawal tumakbo sa hallway!!!" sigaw ng nakabangga niya.

"Tsk." yan lang ang sabi niya sabay takbo niya ulit papunta sa kaniyang klase. 

"HOY HINDE PA TAYO TAPOS!!!!" sigaw nung nakabangga niya.

Hinde na niya narinig pa ang sinabi ng naka-bangga dahil naka-liko na ito at malapit na sa kanyang pupuntahan. Sa kabutihang palad nakarating na rin siya at hinde niya inaasahang magiging walang kwenta ang pinagpaguran niyang pagtakbo at pagkabangga niya dahil walang teacher na nagtuturo o nagbabantay sa kaniyang mga kaklase.

"Bwisit." sabay gulo ni Rim sa kaniyang buhok dahil sa inis niya sa nangyare.

"Rim!!! Hahahah epic mukha mo!! Hahahaha walang teacher ngayon may conference ata! Hahahah!!" tawa ng kaniyang kabigan na si Sia.

"Pang limangput-isa." sabay check ni Amy sa isang notebook. Malakas ang hinala ni Rim na ang chinecheck ni Amy ay isang listahan ng kaniyang walang katapusan na habulan para makapasok sa eskwelahan.

"Mylabs! Bat ngayon ka lang?" tanong ni Mishy sabay akbay nito kay Rim.

"Hulaan ko! Late ka ulit natulog noh!?" pang-huhula ni Sia. Hinayaan nalang ni Rim si Sia sabay umiling nalang at umupo sa kaniyang upuan katabi ang mga kaibigan sabay talukbong nito.

"Rim! Rim! Rim! Rim! Ri-" hinde na natuloy ni Amy ang pagtawag sa kaniya dahil nakatikim ito ng isang malakas na hampas ng notebook dahil sa pangungulit niya at ang malakas niyang boses na dinaig pa ang microphone.

"Aray Rim bat ka nang-hahampas ng notebook?!" tanong nito sabay himas sa kanyang ulo. 

"Alam mo bang ang salitang tulog?" sabay tingin ni Rim kay Amy with a bored look. Ayaw makipag-talo ni Rim dahil tinatamad ito at alam niyang mauudlot ang kaniyang tulog dahil sa pag-proprotesta ni Amy dahil sa panghahampas niya ng notebook.

"Ihhh!!! Nakakainis ka Rim! Pero alam mo?! Kinausap ako ni crush!! Waaaah kinikilig ako!!! *hampas sa chair effect*" kinikilig na pahayag ni Amy. 

"Oh tapos?" tanong ni Rim sabay hikab dahil sobrang puyat kagabi kakabasa ng wattpad.

"Yun lang?! Ganyan lang ang reaksyon mo?! Ihhh grabe nakakainis ka! Ang manhid manhid mo talaga!! Kinikilig na yung tao tapos ikaw ganyan lang! I hate you Rim!" sabay talikod nito at pumunta sa kaniyang upuan. Hinde na nag-salita si Rim at nag-talukbong nalang siya at sinusubukang matulog kahit maingay ang kaniyang mga kaklase.

"Rim!! Hihihihih~" sabay yugyog ni Sia sa kanya. Napatingin naman ulit si Rim at ngayon kina Sia at Mishy na halatang nag-eenjoy na mag-kausap.

Storya ni Manhid (Short-Story)Where stories live. Discover now