Manhid 3:

21 2 0
                                    

Manhid 3: IS NOW OPEN

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Rim's POV

Kakabili ko lang ng cup noodles sa canteen dahil wala pang laman ang tiyan ko. Seryoso akong naglalakad papunta sa hallway namin ng makita kong nagkakagulo sa faculty. Actually hinde naman nagkakagulo kinikilig halos. Gusto kong tignan kaso inuna ko na yung noodles at dumiretso na sa room namin.

"Waaaaaah kinikilig ako!!!" sabi ni Sia na halos hubarin na si Mishy sa sobrang kilig.

"Sia masakit ah." sabi naman ni Mishy na seryosong kumakain rin ng noodles. Ganyan si Mishy walang patawad kapag pagkain. Si Amy naman seryosong nag-rereview sa Filipino subject namin dahil palagi kaming nag-quiquiz which is dont care lang. Basta you and I noodles. You and I... susubo na sana ako ng noodles ng biglang magsitakbuhan ang mga kaklase ko at lininis ang room namin. Nagtaka naman ako dahil hinding-hindi maglilinis ng room ang mga kaklase ko pwera nalang kung...

"Sht..." mura ko. F*ck bat ba ako kinakabahan?

"Uy Rim hanggang ngayon nagmumura ka parin hinde maganda yan ah." sabi ni Rochie na kaklase ko. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko ng noodles ng bigla nanamang nagsisigaw ang bakla naming kaklase. F***********ck seriously paano ko matutuloy ang pagkain ko ng tahimik???!!! Tinignan ko ng masama si Erie girl name niya at nagpeace lang siya sa akin sabay sigaw ulit.

"Uy Rim chill ka lang ako na kakausap kay junior." nahalata na siguro ni Amy na mapapatay ko talaga si Erie kaya siya na kumausap.

"Uy Erie bat kaba sumisigaw?" tanong ni Amy.

"Alam mo bang may gwapo dito sa school!?! At syet lang anak pala siya ng may-ari at siya muna ang magmamanage rito at magteteaching!!! WAAAAAAAAAAH KENEKELEG AKO!!" sabi ni Erie na halos tignan na siya ng mga kaklase namin. Tsss ewan ko sayo Erie masakit ka sa tenga. =___=.

Hindi ko nalang sila pinansin ulit at nagsimula na akong kumain. Ilang minuto rin ang lumipas at Filipino subject nanamin haayz quiz nanaman. Umupo na ako sa pwesto ko at kinuha ang libro ko sa bag ng biglang nag-announce ang subject teacher namin na may papasok sa room namin.

"Siguro siya na yun!" si Sofie na kinikilig na rin isa rin sa kaklase namin. Habang naghihintay kami, sinumpong ang pagkaantok ko at wala rin akong ginagawa kaya umidlip ako sandali. Makakatulog na talaga sana ako ng biglang tumili ang mga kaklase kong mga babae.

"Sht asan sunog???!!!" bigla kong sabi dahil sa gulat ko. Napatingin lahat ng kaklase ko sa akin at tinawanan ako. Fvck pahiya ako bat ba kase ang ingay nila =____=? Napatingin naman ako sa lalaking harapan ko at PUTANGINA ANO GINAGAWA NIYA RITO. Nga-nga lang akong nakatingin sa kanya at halos nagmumura na ako sa isipan ko at nagiisip na ng masama. Sht bat nandito si puti ah?! Oo si puti nandito at may evil smile siya sa mukha. Oo alam kong evil smile yun dahil ginawa niya toh kagabi!!!!

"Class wag kayong maingay! Sige sir pakilala niyo na po siya." sabi ng subject teacher namin. Sht nasa gitna ata ako ng kamatayan.

"Ayos ka lang ba Rim?" tanong ni Sia.

"Hinde. Gusto. Kong. Mag-cr. Now. Na." punyeta bat yan pa ang naging dahilan ko???!

"Ma-" bago pa sabihin ni Sia ang sinabi ko tinakpan ko na ang bibig niya.

"Syet ka joke lang yun." sabi ko sabay ayos ko ng upo. Bat ba ako pinagpapawisan? Natural Rim siya pala ang may ari ng school na ito. At may posibilidad na hinde ka niya ipapasa at makapag-graduate.

"May problema ba?" tanong ng isa sa mga faculty members.

"Wala po." sabi ko sabay tingin ng masama kay puti.

Storya ni Manhid (Short-Story)Where stories live. Discover now