CHAPTER 2: EMPIRE OF DOOM

0 0 0
                                    

CHAPTER 2: EMPIRE OF DOOM


Sino namang baliw ang maglalagay noon? Tinatakot pa yata ako, akala niya naman matatakot ako. 'Di ko nalang pinansin at pumunta na sa hapag kainan. Uupo na sana ako ng biglang nagsalita si mama.

"Wash your hands!" Isang utos na nagpapakilabot sa akin. Well mama ko iyan, galit siya sa akin kaya ayun, malamig ang ulo. Well naintindihan ko naman siya kung bakit siya galit, dahil na naman sa katigasan ng ulo ko. Napangiti ako bigla sa naisip ko at kinikilig. Ano ba, para akong timang. Syempre ngayon ko pa to nararamdaman ang mga ganitong feeling.

Nagsimula na kaming kumain at halos ng tatlo kung tita na nasa harapan ang isa, at ang dalawa ay nasa harapan, na kung makakamatay lang ang titig baka nasa ataol nako ngayon. Bigla kaagad akong napawisan dahil sa mga titig nila. Kung nakasubo ng isa titig na naman sa akin.

"Ahmmmm.. Tita... kumusta po kayo..... kayong lahat?" Nahihiya kung wika sa kanila. Natigilan sila sa pagkain na parang may sunog sa kabilang bahay. Ang mga mukha nila hindi ma-explain. Goshhh I made wrong turn.

"Who's tita are you talking about Rocky?" Sobrang baritono ng boses niya, parang feeling ko senseless ang pag-ka-kamusta ko. Well ganito naman talaga si Tita Jess, isang tumandang dalaga dahil naging manhater na siya. Pero kahit matanda may kurba parin ang kanyang katawan at mahilig sa vocal na damit. 'Yung palaging expose ang malaking dibdib at malaking hita. Sanaol.

Si tita Mandi naman ang panganay nilang tatlo. Siya ang pinaka unang tao na nakita ko sa pamilya nila na mabait. Palangiti siya at pinapansin niya ako. Medyo mataba siya at mistisa, lalo siya naging mistisa dahil sa blonde niyang buhok niya ngayon. At ang pangalawa ay si tita Merdez na palaging nakakunot ang kilay, or talagang kilay niya lang talaga iyan.

"Ahmmmm.... kayo pong tatlo." Ngumiti ako sa kanya. "Kumusta po si insan." Binigyan ko ulit sila ng ngiti. Pero feeling is unmutual. 'Yung parang sa last word na nasabi ko ay parang 'di pasa sa lasa nila.

.....

Ayon 'yung nangyari "okay, oo, ikaw" iyon lang ang mga sagot nila pero para sa 'kin okay na okay iyon. Pasok na pasok. Naghugas ako ng pinggan at sila ay nanood ng Netflix, natawa ang mga tatlo kung tita habang si mama busy sa phone business niya. Ganyan naman siya parati, may sariling mundo.

Pagkatapos kung naghugas ng pinggan ay agad akong pumasok sa kwarto pero nagpaalam mo na ako. Ayon nga walang feedback. Kingina. Sanayin mo kasi ang sarili mo. Epal mema ka.

....

Naglakad ako sa isang mahabang daan kung saan ang makikita ko lang ay ang mga magagandang dahon ng mangga tapos sa dulo may isang mansion na napakaganda. Shiitttt bakit hindi ako makaabot? Bakit ang tagal ko yatang makarating doon. Pero bigla nalang akong nakahandusay at napapikit sa naramdamng sakit, napapikit ako dahil ang sakit talaga ng likod ko. Sino ba kasing hayop ang sipain ako ng walang kalaban laban. Mga hayop at punyeta. Laking gulat ko ng pagbukas ko sa aking dalawang mata ay nangilabot kaagad ako. I'm in a trap? What kind of place is this?. Iyon nalang ang naisip ko. Bakit ang magandang daan na nakita ko kanina ay napalitan ng lava? At ang inuupuan ko ay bato? Holy shittt. Napakainit pa'no na ito?

Halos naligo na ako ng pawis dahil sa sobrang init, halos 'di na ako makahinga. Punyeta nasaan naba ako? Isa lang ang sigurado ako. Imperno? Jesussss. Am I dreaming? Please wake me up.

.....

Puking inang sili! Tulala parin ako ngayon habang kumakain. Akala ko talaga mamatay nako sa hudlong panaginip na yun. Dahil weekend ngayon ang gagawin ko ay maging tulala whole day.


Sana hindi nalang ako nagising sana hindi nalang ako natulog.


"Hahahahah....." tumawa ako at "king'ina!." Nawala ang ngisi sa labi. Wala lang trip ko lang. Ganon 'yun.




They don't know about the things
We do they don't know about that
Ilove youuuuu



Yun lang, hindi ko naman kasi alam lyrics non. Pero gusto ko eh. Bakit ba kasi hindi nilalagyan ng lyrics yung music ko. Pano naman yun? Siraulo na talaga ako.




BIPOLAR MEANS MEWhere stories live. Discover now