Una

6 0 0
                                    


I'm the one that's got to die when it's time for me to die, so let me live my life the way I want to.

- Jimi Hendrix

Bakit tayo binigyan ng buhay? Bakit kinakailangan nating malasap ang mga pighati't kabagabagan dito sa mundo? At higit sa lahat, bakit napakaraming mga batas ang pumipigil sa kalayaan nating mamuhay ng naaayon sa ating kagustuhan?

Marami ang sumisiil sa ating kalayaang mabuhay ng naaayon sa ating kagustuhan. Ang mga salita nina Ama't Ina – mga salitang dala-dala natin sa ating pag-idlip sa banig ni Kamatayan. Ang kanilang mga salita ang siyang humubog sa ating moralidad – binigyang linaw ang mga mali at tama na naaayon sa lipunang ating ginagalawan. Ilang halimbawa ng mga batas pantahan na madalas pinaiiral nila Ama't Ina ang mga sumusunod:

1. Curfew by 8:00 PM.

2. Bawal magkaroon ng nobyo/nobya habang di pa tapos sa pag-aaral. (Dapat college graduate ka muna bago makipagrelasyon.)

3. Bawal ang kolorete sa mukha (kung ikaw ay isang anak na babae).

4. Bawal magsuot ng malalaswang pananamit (i.e. sando, backless, sexy shorts, plunging neckline, mini skirt, etc.)

5. Bawal magpakulay ng buhok.

6. Bawal rin ang tattoo at extra piercings sa katawan. (Hindi ka drug-addict para gawin ang mga kababuyang ito sa iyong katawan.)

7. Bawal ang barkada. (Bad influence sila.)

8. Bawal ang heavy metal o kahit anong rock 'n roll music. Dapat kundiman o yung mga classics.

9. Bawal maglakwatsa. (Tumulong ka kasi sa gawaing bahay.)

10. Sundin lagi si Itay at Inay upang di mapariwara ang iyong buhay.

Napakaraming bawal at di dapat gawin ayon kina Ama at Ina. Batid kong nais nilang mapabuti ang aking buhay ngunit sa kanilang paghihigpit ay unti-unti nilang kinikitil ang "Individualism" hanggang sa isang araw, sa kanilang paggising, ang kanilang minamahal na anak ay isa ng amalanhig – isang patay na buhay – wala ng kakayahang mag-isip para sa kanyang sarili and the only thing that is left are the primal instincts to live – and the only goal in living is to eat, sleep, and obey the words of Mom and Dad...

What a sorry existence.

++++++++++

Ayaw ko ng gayong buhay. Nais kong lumipad ng Malaya tulad ng mga ibon sa himpapawid – walang hawlang pumipigil sa kanilang paglipad – at dumadako sila sa lugar na nais nila.

Malapit ng sumapit ang ikatatlong dekada ng aking buhay na wala pa ring pag-unlad sa aking pamumuhay. Tatlong dekadang sinayang sa pagsunod kina Itay at Inay dala na rin ng takot na 'pag sinuway ko sila, impyerno ang aking kahahantungan.

Hindi masamang sumunod kina Ama't Ina lalo't para sa iyong kabutihan din ang kanilang mga payo't salita ngunit sa iyong pagsunod ay huwag mong limutin ang iyong sarili. Huwag mong hayaang ang iyong sarili ay mabaon sa limot. Maaga pa ang araw, marami pang mangyayari sa iyo sa hinaharap. Gawin mo ang iyong mga nais ngunit huwag kang lalayo sa mga turo nila Itay at Inay sapagkat ang kanilang mga salita ang siyang angkla mo sa buhay.

Ang dapithapon ng buhay ay malayo pa sa akin ngunit habang palapit ng palapit ang ikatatlong dekada ko sa mundo ay mas lalong nagmamadali ang panahon. Tunay ngang ako'y napag-iwanan na ng aking mga kabaro't kalaro ng aking kabataan – hayun sila nagsisimula ng pamilya, nagiging matagumpay sa kanilang buhay ngunit magkagayunpaman ay naniniwala akong hindi pa huli ang lahat...

++++++++++

Ito ang pasimula. Ang simula ng pagbabago sa aking buhay. Nais kong makaalpas sa kulungang kinasasadlakan. Nais kong makawala sa tanikalang gumagapos sa akin...

Marami akong nais gawin, at ngayon magsisimula ang lahat. Sa pagsapit ng tatlong dekada ng aking buhay, uusbong ang isang panibagong AKO.#

Malediction: Hudyat ng PagtataposWhere stories live. Discover now