Pangatlo

3 0 0
                                    

"It is always important to know when something has reached its end. Closing circles, shutting doors, finishing chapters, it doesn't matter what we call it; what matters is to leave in the past those moments in life that are over."

- Paulo Coelho

++++++++++

Tama si Coelho. Always know when things end. Dapat alam mo kung saan ka titigil dahil kapag nasobrahan mo, ikasisira ito ng iyong buhay.

Gaya ng pagkalulong sa mga kung anu-anong bisyo. Kung alam mo kung kelan ka titigil, di ka sana hahantong sa iyong kinasasadlakan ngayon.

Minsan kailangan mo ring isarado ang bawat pinto at bintana sa iyong buhay sa mga pangyayari at mga  taong makakasakit sa iyo. Tunay may mga taong darating sa iyong buhay upang mag-iwan ng latay sa iyong puso't kaisipan. Sila ang mga taong nais mong isumpa dahil tanging kapighatian lamang ang dala nila sa iyong buhay.

Sadyang ang mga tao ay inggit na inggit sa kanilang kapwa tao lalung-lalo na tayong mga Pinoy. Halos lahat naman tayo ay galit sa ating kapwa dulot na rin marahil ng umiiral na crab mentality sa atin.

Iyong tignan o sulyapan man lang ang nangyari kay Toni Gonzaga matapos niyang makapanayam si Senator Bongbong Marcos, umiral sa ating mga Filipino ang cancel culture! Ano ba ang nagawa niya sa atin upang i-call out natin si Toni? Ayaw ba natin malaman ang mapait na katotohanan ukol sa mga pangyayaring pulitikal sa ating bansa?

Madalas laman sa balita ang tungkol sa Martial Law. Marami raw ang napatay sa panahong ito. Pero, di ba, bago maipasa ang isang batas o 'law' ay kinakailangang sang-ayunan ito ng mga senador at ng mga nasa hudikatura bago maging isang batas?

Sabi nila wala raw nagawa ang mga Marcos kundi magkamkam lang ng magkamkam ng pera pero sino ba ang nagpasimula ng pagtatayo ng mga gusali at organisasyong ating pinakikinabangan hanggang ngayon?

Eh yung Hacienda Luisita massacre anong nangyari na uli doon?

Pero sabi nga ni Coelho, kailangan nating iwan na ang nakaraan dahil ang ngayon at bukas ang mas mahalaga. Move on din pag may time ika-nga.

++++++++++

Septyembre na naman! Panahon na naman ng mga -ber months! Tiyak maririnig mo na naman si Jose Mari Chan sa mga radyo! Pero gaano man kapana-panabik ang pagdating ng Disyembre, ay malungkot naman ang mga buwan bago sumapit ang pagtatapos ng taon.

Dalawang tao ang nalagas sa hanay ng mga guro sa Pilipinas. Dalawang indibidwal na tunay na naging pangalawang ina sa kani-kanilang mga mag-aaral. Sandali man ang inilagi nila sa mundong ibabaw panigurado ako na magiging maalwan na ang kanilang kalagayan saan man sila naroroon.

Tunay na nakakabahala ang pandemyang lumalaganap. Pataas ng pataas ang mga naitatalang nadadapuan ng sakit. Kahit may bakuna na ay kakaunti pa lamang sa atin ang nakakatanggap nito. Bawat araw ay puno ng kaligaligan.

Ngunit ang bagong umaga ay parating na. Isang panibagong araw upang tapusin ang kahapon at simulan ang isang bukas. Patay na ang gabi. Matagal ng inilibing ang kahapon. Ang bukas ay isisilang na. Ang hinaharap ay abot-kamay na! Laging tatandaan ang kahapon ay nakalipas na at ang bukang-liwayway ang mas mahalaga...

Dahil sa pagmulat natin sa panibagong bukas, ay kaakibat nito ang pag-asang nakakintal sa ating puso't isipan. Isang pag-asa  na sana ang araw na ito ay mapupuno ng kaligayahang nag-uumapaw at di sana maranasan sa araw na ito ang pighati't kalungkutan.

Sabi sa Disney animated movie na "Meet the Robinsons," KEEP MOVING FORWARD.#

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Malediction: Hudyat ng PagtataposWhere stories live. Discover now