NAGBANGGA KAYA UMINIT

2.4K 69 18
                                    

Sabi nila kapag tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang dalawang tao...

wala ka nang magagawa kundi ang harapin 'to...

wala ka nang magagawa para takasan 'to...

lalong-lalo na kapag mahal mo na ang isang tao...

but for me?

I do believe...

that love

is a choice

it's your choice to love and be loved

it's a decision

if you stay or leave from that person.

***

"I am Maria Tanchellie Lobete, 19, mutya ng Bogo City, Cebu!" sigaw niya habang nakaharap sa maraming tao.

Nasa harapan siya ngayon ng isa sa napakalaking entablado kung saan madalas ay doon ginaganap ang malalaking events, tulad na lang ng mutya ng Pilipinas.

Malalapad ang mga ngiti niya pero damang-dama niya ang panlalamig ng buong katawan habang nakangiti sa harapan ng maraming tao na naghihiyawan at nagsisipalakpakan na nakatingin sa kanya.

Sa kabila ng kaba at panlalamig ng buong katawan ay isinantabi niya ang lahat ng 'yun para sa pangarap niya at para sa pamilya niya.

Hindi niya pweding biguin ang pamilya niya lalong-lalo na ang ama niyang walang ibang nakikita kundi ang mga kamalian niya sa buhay.

"Tanch?"

***

"Hoy Tanch!"

tawag ni Trixie sabay tulak sa balikat niya na nagdulot ng sobrang gulat sa kanya.

Nakasimangot na binalingan niya ito. "Sira ka talaga!"

"Ano na naman kasi 'yang iniisip mo? Halika na baka mahuli pa tayo sa training!" nangdidilat ang mga mata at nakangiting saad nito.

"Oo nga, nagmukha kang 30's sa mukha mong 'yan 'te!" nakatawa namang sambit ni Chezka.

"If I know 'yung nakaraan mo na naman 'yung iniisip mo!" pasaring naman ni Karen. "Hay naku Tanch! Mag move on ka na nakakatanda 'yan ha!"

Nagpa-iling iling na lamang siya sa mga ito. Gano'n naman talaga ang palaging tagpo sa tuwing nakakasama niya ang mga ito.

Palagi siyang sinasaway ng mga kaibigan sa tuwing nakikita siya ng mga itong nakatulala dahil palaging inaalala ang mga nakaraang dapat na niyang ibinaon sa limot.

Kolehiyo pa lamang siya ay nakilala na niya ang mga ito, dahil nga parehas ng kursong kinuha at parehas pangarap maging isang flight attendant ay nakagaanan niya ng loob at naging malapit na kaibigan ang mga ito.

Kaya hindi rin nakakapagtaka kung bakit alam ng mga ito ang lahat-lahat ng nangyayari sa buhay niya maging ang mga nakaraan niya.

Nasa office sila ng isa sa sikat at kilalang airlines sa Pilipinas, walang iba kundi ang Phillipine Airlines kung saan iyon ang kauna unahang araw ng kanilang training matapos nilang dumaan sa iba't ibang screenings, interviews, at exams.

Hindi naman maalis na kanya ang pressure dahil bukod nga sa pangarap niyang makapasok at ma regular sa airlines na iyon ay iyon din ang nakikita niyang tutulong sa pamilya niyang aahon mula sa kahirapan.

Aminado siyang nasanay siya sa marangyang buhay nila noon ngunit nang naghiwalay ang mga magulang niya lahat ng 'yun ay nagbago, kaya ganoon na lang ang pagpupursigi niyang makatapos para matupad ang pangarap niya.

"Tanch! Halika na!" pagtawag ulit ni Trixie.

Napasunod na lamang siya sa tatlo.

***

Unang araw ng kanilang training, bawat kasamahan niya sa loob ng malamig at maaliwalas na silid na iyon ay determinadong ma regular sa airlines na iyon.

Nakatayo lamang siya ngayon sa bungad ng pinto at tahimik na inilibot ang mga mata sa loob ng silid.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nasa main office na siya ng PAL, na noon ang pinapangarap lang niya.

Ilang sandali pa siyang nakatayo roon nang hindi sinasadyang may nakabunggo sa kanya na labis naman niyang ikinagulat.

Sa puntong iyon na nabunggo siya nito ay natapon ang lahat ng mga gamit niya sa sahig, inis na binalingan niya ito ngunit para lang mas lalong magulat at mainis nang makilala ito.

Napansin niya agad ang ganda na taglay nito...

mga maliliit nitong mata na waring kumikinang...

natural na mapupulang pisngi...

at mga labing maninipis na kay...

bigla siyang nagpailing-iling at nagbaba ng tingin...

hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng ito...

ang babaeng kinaiinisan niya simula't sapol palang...

ang babaeng naging dahilan kung bakit nasira ang pangarap niya...

"Tanch? Ikaw na ba 'yan?" bagamat nagulat ay tuwang-tuwang sambit nito. "Natatandaan mo pa ba 'ko? Ako 'to si Sarah, Sarah Garcia! Kumusta ka na?"

"Oo naman," sagot niya na pilit ang mga ngiti sa labi. "Sino ba naman ang makakalimot sa'yo, e 'di ba nga ikaw ang tinanghal na mutya ng Pilipinas sa batch natin?"

Agad siyang nagbawi ng tingin at pinagdadampot na ang mga nagkalat na gamit sa sahig, napaupo naman ito para tulungan siya.

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya," sabi pa nito habang tinutulungan siya.

Magkasalubong ang mga kilay na nagpatuloy lamang siya sa ginagawa, magkasabay naman silang napatayo at iniabot nito ang ilang mga gamit na nasa kamay nito.

"Thank you!" tipid niyang sagot.

"Kumusta ka na? Dito ka pala nag-apply?" nakangiti pa ring sabi nito.

"Okay lang. Ah, sige maiwan na kita," iyon lang at tinalikuran na niya ito.

Naupo naman siya sa isang upuan kung saan malapit kina Trixie.

"Pssst!" tawag ni Trixie sabay kalabit sa kanya. "Nakita ko 'yun! Sino 'yun?"

***

Nagmamadali si Sarah sa paglalakad para hanapin ang silid kung saan gaganapin ang unang araw niya sa training sa PAL.

Hindi naman niya maiwasang mainis sa sarili dahil kauna unahang araw pa lang e muntikan na siyang ma late.

Napangiti siya nang sa wakas ay natunton din niya ang silid na iyon.

Sa pagmamadali ay hindi niya napansing may tao palang nakatayo sa pinto.

Sa hindi sinasadya ay nabunggo niya ito ay natapon ang lahat ng mga gamit nito sa sahig, paulit-ulit naman ang paghingi niya ng sorry rito.

Nang nilingon niya ito at nagtagpo ang kanilang mga mata ay nakilala niya agad ito.

"Tanch? Ikaw na ba 'yan?" tuwang-tuwang sambit niya. "Natatandaan mo pa ba ako? Ako 'to si Sarah, Sarah Garcia! Kumusta ka na?"

Nakilala niya agad ito dahil kasama niya itong sumali noon sa isang beauty pageant.

Nakilala niya ito bilang isang palangiti at mabait na tao ngunit matapos ang pageant na iyon ay hindi na niya ito nakita.

"Oo naman. Sino ba naman ang makakalimot sa'yo, e 'di ba nga ikaw ang tinanghal na mutya ng Pilipinas sa batch natin?"

Nagbawi agad ito ng tingin, tinulungan niya itong damputin ang mga natapon nitong gamit.

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya," paulit-ulit niyang sabi habang tinutulungan ito.

Matapos makuha ang mga gamit nito ay iniabot niya iyon sa kamay nito.

"Thank you!"

"Kumusta ka na? Dito ka pala nag-apply?"

"Okay lang. Ah, sige maiwan na kita," sagot nito saka tinalikuran na siya.

Nagtataka naman siya sa ipinakita nito, napapakamot sa ulong napaupo na lamang siya sa isang silyang malapit lang sa kanyang kinatatayuan.

Eksakto naman ang pagdating ng kanilang instructor.

"Good morning everyone! Kumusta ang mga naggagandahang binibini na nakapasa sa mahigpit na interviews and exams ng PAL," mapagbirong salubong nito sa kanila.

Magkasabay naman silang nagtawanan lahat.

"Unang-una sa lahat ako nga pala si Mrs. Suzette Smith ang makakasama niyo sa loob ng apat na buwan sa training na ito."

Matapos nagpakilala ito ay isa-isa naman silang nagpakilala sa lahat.

Sa unang araw pa lang ay ipinaliwanag na sa kanila ang General Airline Information.

Habang nakikinig sa discussion ay hindi naman niya maiwasang mapasulyap kay Tanch.

Sa puntong iyon na may itinanong sa kanila si Mrs. Smith ay magkasabay silang napataas ng kamay para sagutin ito.

Napangiti naman siya nang siya ang itinuro ni Mrs. Smith para sumagot sa tanong nito.

Sa hindi sinasadya ay napalingon pa siya kay Tanch at huling-huli niya ang mukha nitong napasimangot nang siya ang sumagot.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaction nito sa kanya, ibang-iba noong panahong una niya itong nakita at nakilala.

***

Natapos ang unang araw ng training nila Tanch, kasalukuyan niyang inilalagay ang mga notes niya sa bag niya nang may kumalabit sa kanya.

Napalingon naman siya rito. "Ikaw talaga Trixie parati mo 'kong ginugulat!"

Napatawa ito at napakibit-balikat. "Ikaw ha, may hindi ka na kwekwento sa 'min!" napasulyap ito kina Karen at Chezka.

"Oo nga!" sang-ayon naman ni Karen.

"Ha? Anong ibig niyong sabihin?"

"Kilala ka namin Tanch at mas lalong kilala ka namin kapag tahimik ka!"

"H'wag kanang magmaang-maangan beb! Hahaha!" tatawa-tawang sambit naman ni Chezka.

Mas lalo siyang nalito sa mga ito. "Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Yung girl kanina!" sabi ni Trixie na napangisi, sinulyapan nito si Karen. "Sino nga ba 'yun?"

"Si Sarah," nakangiting sagot ni Karen.

Natigilan siya.

"Alam mo ang ganda-ganda niya at may naaamoy ako sa kanya!" makahulugang sabi ni Trixie.

Magkasalubong ang mga kilay na napatingin siya rito. "Anong ibig mong sabihin?"

Nagulat siya nang bigla na lamang hinawakan nito ang magkabilang balikat niya, saka ito sumeryoso. "Aminin mo nga sa 'min, crush mo 'yun nu?"

"Alam mo may tend," sabat naman ni Karen.

"Anong may tend?" naiinis na niyang tanong.

"May tend! Hahaha! May tendency na pumatol siya ng babae! Hahaha!" nakatawang dugtong nito.

"Ano? Nahihibang na ba kayo?" nakasimangot niyang sagot. "Anong tingin niyo sa 'kin tomboy?"

"Hay naku Tanch! Saang lupalop ka ba nanggaling?" tanong ni Trixie sabay bitiw sa kanya.

Nagtawanan ang mga ito sa harapan niya.

"Alam mo pwede kasi 'yun girl to girl!" nakatawang sabi ni Trixie.

"Ha? Pwedi ba 'yun?"

"Oy! Ayaw pang aminin!" si Chezka.

Naramdaman na lang niyang uminit ang mukha niya, hindi naman iyon nakaligtas sa mga kaibigan.

"Hala! Si Tanch nag-blush! Hahaha!" panunukso ni Karen.

"Alam niyo ang kulit niyo!" pilit niyang pinapakalma ang sarili.

Nakakainis! Bakit ba pumasok sa isip nila 'yun! Anong tingin nila sa 'kin tomboy? Hindi ba pweding mamula dahil ang totoo naiinis ako sa kanya!

sa loob-loob niya, ngunit wala atang plano ang mga itong tigilan siya kaya naman bigla siyang napasigaw.

"Hindi ko siya crush kundi naiinis ako sa kanya!!!"

Dahil sa lakas ng kanyang boses ay natahimik ang tatlo, mabuti na lang at sila na lang ang nasa silid na iyon.

***

KINABUKASAN

Maagang nagising si Sarah mula sa sunod-sunod na mga katok sa pinto.

Nakapikit pa ang mga matang binuksan niya iyon at sumalubong sa kanya ang Kuya Jacob niya.

"Magandang umaga bunso!" nakangiting salubong nito.

"Maganda umaga Kuya!"

"Oh? Magmadali ka na diyan, ikaw na lang 'yung hinihintay sa baba," sabi nito. "Baka mahuli ka pa sa training mo."

"Opo Kuya!" nakangiting sabi niya.

Tinalikuran na siya nito.

Kasabay nang pagsira niya sa pinto at pagkuha ng tuwalya ay napangiti siya.

Hindi niya maiwasang isipin na napakaswerte niya dahil kahit hindi sila mayaman ay meron siyang mapagmahal at kompletong pamilya.

Dalawa lamang silang magkakapatid at siya ang bunso kaya ganoon na lang siya ka close sa pamilya niya lalong-lalo na sa Kuya niyang parating nakasuporta sa kanya.

Retiradong pulis ang ama niyang si Joseph kaya sa bahay na lamang ito naglalagi, kasama naman nito ang ina niyang si Lomi na ang tanging nagsisilbing libangan ay ang munting sari-sari store nitong ipinatayo pa ng Kuya niya.

Matapos naligo ay tinungo na niya ang kanilang kusina, sumalubong sa kanya ang masasarap na pagkaing niluto ng ina niya.

"Good morning anak!" salubong nito habang hawak-hawak ang isang sandok, kakatapos lang nitong nagluto.

Nakangiting hinalikan niya ito sa pisngi. "Good morning Mommy!" malambing na sagot niya lumapit naman siya sa ama niya. "Good morning Daddy!" sabi niya sabay halik sa pisngi nito.

"Good morning anak!" tuwang bati naman ni Joseph. "Kumusta ang first day training mo?"

"Mabuti naman Daddy! Ayon, muntikan ng ma late!" nakatawa niyang sabi sabay upo sa harap ni Jacob.

"Naku! Ikaw talaga Sarah! Gumising ka kasi ng maaga para hindi ka lagi naghahabol sa oras!" nakatawang sabi naman ni Jacob habang kumukuha ng ulam.

Kakalagay lamang niya ng hotdog at tinapay sa pinggan nang manglaki ang mga mata niya nang makita ang oras sa sarili niyang relo.

"Naku! Mali-late na 'ko!" bigla siyang napatayo at kinuha na lang ang tinapay na nasa pinggan.

"Naku! Hindi ka na ba kakain Sarah?" anang sabi ni Lomi.

"Dalhin mo na lang 'tong baon ko bunso!" si Jacob na nagmamadaling iniabot sa kanya ang sariling baon nito.

"Salamat Kuya!" sabi niya saka namamadaling hinalikan na ang mga ito sa pisngi. "Bye!" nakatawa niyang sabi bago isinara ang pinto.

***

Nakaupo lamang si Tanch sa kanyang silya habang naghihintay sa kanilang instructor, hindi naman magkamayaw ang ingay sa loob ng silid na iyon lalong-lalo ang mga katabi niya.

Kaliwa't kanan ang chismisan ng mga ito habang siya ay tahimik na pinagmamasdan lang ang isang litrato nasa wallet niya at hinahaplos iyon.

Sobrang miss na miss na niya ito at ilang taon na rin simula nang hindi niya ito nakita. Hindi naman niya maiwasang malungkot dahil maraming panahon din ang nasayang na hindi niya ito nakakasama.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang may marinig siyang boses.

"Makakasama mo rin siya balang araw Tanch."

Napalingon siya rito. "Trixie," sambit niya . "Yes! Kaya nga pinagbubutihan 'kong makapasok dito eh, para ma regular at para makuha ko na siya."

"Yes! At alam 'kong mangyayari din 'yan Tanch! Ikaw pa, e hindi ka lang maganda matalino ka rin kaya!"

Napangiti na lang siya sa sinabi nito.

"Oy! Oy! Andiyan na si Mrs. Smith!" narinig niyang paulit-ulit na sambit ng mga kasamahan nila.

Kaagad naman tumahimik ang buong silid sa pagpasok nito.

"Good morning everyone!" nakangiting salubong nito. "Our topic for today is all about Safety Equipment and First Aid," kasabay no'n ang pagsulat nito sa white board na nasa harapan nila.

Ilang sandali pa ay natagpuan na lang niya ang sariling nakikinig na rito.

Matapos nitong mag-explain sa kanila ay naghanap ito ng isang pares na magdedemo sa harapan para gawin ang First Aid.

Sa hindi sinasadya ay magkasabay namang itinaas nilang dalawa ni Sarah ang mga kamay kaya sila agad ang nakita at tinawag ni Mrs. Smith.

Nang makita iyon ng mga kasamahan nila ay bigla namang umingay ang buong paligid.

Walang ibang maririnig kundi ang mga tuksuhan ng mga ito, inis na binalingan naman niya ang walang ibang may pakana kundi si...

Trixiiiieeeeee!!!

sa loob-loob niya na inirapan ito.

hindi na niya pansin na pulang-pula na ang mukha niya...

hindi na niya pansin na pulang-pula na ang magkabila niyang tainga...

"Class keep quiet!" sambit ni Mrs. Smith, nagtataka naman ito kung bakit panay ang tuksuhan sa kanilang dalawa ni Sarah.

Hindi makatingin ng diretsong lumapit siya rito, si Sarah naman ay lumapit na nagtataka kung bakit ganoon na lang ang naging reaction ng mga kasamahan nila.

Nang nasa harapan na sila ng klase, nagsalita ulit si Mrs. Smith. "Everyone, you have to take this training seriously, hindi tayo pumunta rito para maglaro!"

Sa unang pagkakataon ay narinig nilang saway nito, awtomatiko namang tumahimik ang lahat.

Ilang sandali pa'y binalingan siya nito. "Ms. Lobete ikaw ang mag C-CPR kay Ms. Garcia," nakangiting sambit nito.

"Po?"

"Ms. Garcia ikaw naman ang kunwaring ire-rescue ni Ms. Lobete."

Natigilan siya, napansin naman iyon ni Mrs. Smith.

"Ms. Lobete, hindi mo naman i ma mouth to mouth si Ms. Garcia," natatawang sambit nito.

Nang marinig niya iyon ay mas lalo namang namula ang magkabila niyang pisngi dahil sa magkahalong hiya at...

KIL...

hindi...

INIS!

sa loob-loob niya...

TADHANAWhere stories live. Discover now