DAING NA KAY SARAP

704 16 0
                                    

Sa pagbukas ni Tanch sa pinto ng kotse ni Trixie ay nagulat siya nang sumalubong sa kanyang mga mata ang nakangiting mukha ni Sarah.

"Ah, hi!" salubong nito sa kanya.

Nakasuot lamang ito ng t-shirt at maong pants, nakaupo ito sa likod ng front seat.

Kahit simple lang ang kasuotan nito ay hindi maitatanggi ang taglay na ganda na meron ito, hindi niya sukat akalain na ganito pala ito ka simple kahit beauty queen na ito.

Nag-iba bigla ang mood niya nang makita ito, pilit naman niyang hindi ipinapahalata sa mga kaibigan na naiinis siya sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha nito.

"Tanch, do'n ka na sa likod umupo katabi nila Chezka at Sarah," sabi ni Trixie sa kanya.

"Ha? Pero bakit?"

"May pag-uusapan kami ni Karen, importante," sagot nito.

Napasimangot na umalis na lamang siya sa front seat at lumipat sa likod ng sasakyan nito, katabi na niya ngayon si Karen habang sa kiliran nito ay nakaupo naman si Sarah.

Ano bang pumasok sa isipan ng mga babaeng 'to? Isinama pa talaga itong si Sarah! Hay! Kailangan ko na talagang sabihin sa kanila ang totoo! Hindi na pwedi 'to! Hindi na pweding parati ko na lang nakakasama ang babaeng 'to! Baka malasin na naman ako!

sa loob-loob niya habang nakakunot ang noo na napakibit-balikat.

Ilang sandali pa ay binuhay na ni Trixie ang makina, wala naman siyang kaalam-alam kung saan sila pupunta.

Kumain na muna sila sa isang restaurant at pagkatapos ay nagpasiya ang mga itong mag-karaoke malapit lang din doon.

Mula sa restaurant papunta sa karaoke bar na isa sa tambayan nilang magkakaibigan ay nanatili pa rin siyang tahimik.

Napansin naman iyon ni Karen nang nasa loob na sila ng KTV room.

"Tanch, okay ka lang? Kanina pa kita napapansin, sobrang tahimik mo."

"What do you think?" inis niyang sabi sabay irap dito.

Matapos na set-up ng empleyado roon ang karaoke ay sinimulan naman ni Trixie na pumili ng mga kakantahin.

Kasalukuyang kumakanta at sobrang ingay na ng mga ito lalong-lalo na nang inilapag na ang vodka sa table nila, kitang-kita niya naman si Sarah na tuwang-tuwa rin sa mga kaibigan niya.

Hindi na talaga siya natutuwa kaya naman siya na mismo ang nagsalin ng inumin sa sarili niyang baso saka tinungga iyon, nagulat naman si Karen nang makita iyon.

"What is the meaning of this Tanch? Bumalik na ba ang dating Tanch na lasinggera?" pang-aasar ni Chezka sa kanya.

"Sira! E, ang tagal niyo eh!" nakatawa niyang sabi.

Maging si Sarah ay nagulat nang makita siya kung gaano siya ka bilis uminom, waring tubig lamang iyon sa kanya kung titingnan.

"Oy! Tanch! Favorite song mo oh!" sabi ni Trixie na bakas na sa mukha ang pamumula dahil sa nakainom na rin.

Narinig niya ang togtogin na pumapailanlang sa loob ng KTV room na iyon, nakangiting ibinigay nito sa kanya ang microphone at dahil nakainom na rin ay nakangiting tinanggap niya iyon.

Sinimulan niyang kantahin ang "Porque" na isa sa favorite song niya.

Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali?

Habang kumakanta ay napansin naman niya ang mga titig ni Sarah sa kanya.

***

Hindi maiwasan ni Sarah ang matawa kina Trixie, sa kabila ng mga tawa at halakhak niya sa loob ng KTV room na iyon ay hindi rin maalis sa kanya ang mapansin si Tanch sa isang tabi.

Kanina niya pa ito napapansing tahimik at alam niyang kanina pa lang ay parang may mali na sa mga kilos nito.

"Oy! Tanch! Favorite song mo oh!" sabi Trixie rito sabay abot ng microphone.

Sinimulan nitong kantahin ang "Porque".

Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali?

Bakit sa iyo pa nagkagusto?
Parang bula, ika'y naglaho

Porque contigo yo ya escogi?
Ahora mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti...

Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ito.

Napakaganda pala ng boses niya, napakalambing...

sa loob-loob niya habang nakangiti na nakatingin dito.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok na isip niya nang bigla na lang niyang naisipang ilabas ang cellphone para i-record ang boses nito.

Hindi naman 'yun napansin ng mga kaibigan nito dahil sumasabay ang mga ito sa kanta ni Tanch.

Hindi niya alam ang dahilan pero gustong-gusto niyang pakinggan ang boses nito, para kasi iyong malambing ma musika sa kanyang pandinig na gustong-gusto niyang marinig.

Matapos itong kumanta ay uminom na naman ito ulit, hindi niya tuloy maiwasang mag-alala rito.

"Sarah G, h'wag mo nang intindihin 'yang si Tanch. Sanay na 'yan!" nakatawang bulong ni Chezka sa kanyang tabi, napansin siguro nito na panay ang pagtingin niya sa gawi nito.

Napatingin naman siya rito. "Ah, talaga?"

"Yes! E, lumaki 'yang lasinggera eh! Hahaha!" tatawa-tawang sambit nito sa kanya habang namumula na ang mukha.

"Ha? Talaga?" gulat niyang tanong.

"Oo!" nakangising sambit nito, hindi na nito pansin na masyado na itong nagiging madaldal dahil nakainom na rin. "Ikaw? Bakit hindi mo pa ata nagagalaw 'yang baso mo?" sabi nito sabay nguso sa hawak niyang baso.

"Ah," napatingin siya sa baso niya. "Hindi talaga kasi ako umiinom eh!"

"Wow ha? Ang bait-bait mo naman pala! Hahaha!" tumatawang sabi nito.

"Ah, Chezka?"

"Hmm?"

"Nabanggit mo sa 'kin na lumaking lasinggera si Tanch, ano bang nangyari sa kanya?" nagtatakang tanong niya.

"Well, she has a lot issues sa family niya lalong-lalo na sa Dad niya at sa *** kaya dumating sa point na nag rebelde siya," pagtatapos nito.

"Ha? Anong sabi mo? Hindi ko masyadong marinig," kunot-noong sabi niya dahil sa ingay ng paligid.

"Mabuti na lang nagka--"

"Hoy! Chezka!" pagtawag ni Trixie rito.

"Anyare sa inyo bakit parang may sarili kayong mundo?" nakatawang tanong nito.

Magkasabay na lang sila napatawa rito.

Sa narinig niyang iyon ay mas lalo siyang nagkainteres na buhay ni Tanch.

Hindi niya alam pero mas lalo niyang gusto makilala at maging kaibigan ito.

***

Sumapit ang isang oras at kalahati, damang-dama na ni Tanch ang nahihilo na ulo dahil sa dami nang nainom niyang vodka.

Aminado siyang sanay siyang umiinom dahil dumaan siya sa pagiging lasinggera at lakwatsera noon pero ngayong uminom siya ulit ay napansin niyang mabilis na siyang malasing.

Napansin naman iyon ni Karen. "Tanch, are you okay?"

Nakangiting binalingan niya ito. "Yes! Kailan ba ako hindi naging okay?" sinalinan niya ulit ng vodka ang baso niya, inawat na siya nito.

"Naku Tanch! I think we need to go! Ang dami mo nang nainom eh!" binalingan nito si Trixie. "Trix, ihatid na natin si Tanch baka saan pa mapunta 'to!"

"Ha? Bakit naman, e gusto niya pang mag-enjoy!" sabat ni Chezka. "Di ba Tanch?"

"Oo nga!" sagot niya sabay tayo at inagaw ang remote kay Trixie, kahit hilong-hilong na ay nakapag-type pa siya ng numero para magpatogtog.

***

Nakatingin lamang si Sarah kay Tanch, gustuhin man niyang lapitan ito ay natatakot siya baka magalit lang ito sa kanya.

Ilang sandali pa, nag-play na ang togtogin na pinili nito, nagulat siya nang biglang pumatong ito sa ibabaw ng lamesa at nagsasayaw.

Sina Trixie at Chezka ay nasa ibaba lang at tuwang-tuwang sumasayaw rin, samantalang si Karen ay bakas naman sa mukha ang pag-aalala sa ginagawa ng mga ito lalong-lalo na sa nangyayari kay Tanch.

hindi niya alam ang magiging reaction niya...

hindi niya alam na ganito pala ka wild ang mga ito...

mas lalong hindi siya makapaniwala na ganito pala malasing si Tanch...

Ilang minuto lang ang lumipas sa hindi inaasahan ay biglang nadulas si Tanch at papunta ito sa gawi niya, dahil sa bilis nang pangyayari ay mabibilis ang mga galaw na kinabig niya ito.

Natagpuan na lang nila ang sariling napahiga sila pareho habang nasa ibabaw niya ito.

Kitang-kita ang gulat sa mga mata ng mga kaibigan nito...

Kitang-kita rin sa mukha niya ang gulat dahil sa nangyari...

Kitang-kita ang halos isang dangkal na lang na layo ng mga mukha nila...

Nang makita niya ang mukha nito ay nakapikit lamang ito, nakatulog na ata.

Magsasalita na sana siya nang biglang...

NASUKA ITO SA DIBDIB NIYA

nataranta at nagulat na pinagtulungan naman silang patayuin nina Karen at Trixie.

Pinunasan naman ni Chezka ang nadumihan niyang damit. "Naku! Pasensya na!" sambit nito habang patuloy sa ginagawa.

"Hindi, okay lang," sambit niya na natuon ulit ang mga mata sa nanghihinang si Tanch na nakaupo sa sofa.

Inalalayan naman itong makatayo nina Karen at Trixie.

"Naku! Kailangan na talaga nating ihatid si Tanch!" nag-aalalang wika ni Karen.

"Mabuti pa nga!" sabi naman ni Trixie na ipinatong sa sariling leeg ang isang braso nito.

***

Habang nasa kotse ay mahimbing na natutulog si Tanch, nasa gitna nila ito ni Karen.

Maya-maya pa'y biglang na kabig ni Trixie ang preno ng kotse kaya naman napunta ang ulo nito sa balikat niya.

Hinawakan na lamang niya ito at habang hawak-hawak niya ang ulo nito ay hindi naman niya maiwasang titigan ang mukha nito.

Napansin niyang kahit nabura na bahagya ang make up nito ay nananatiling maganda pa rin ito.

Sana ganyan ka na lang ka bait kapag gising.

sa loob-loob niya habang pinagmamasdan ito.

Maya-maya'y nag-ring ang cellphone ni Karen.

"Hello Ma?"

"Pero--" napasulyap pa ito sa kanya. "Opo... opo... uuwi po ako ngayon."

"What happened?" tanong ni Chezka.

"Shocks girls! Emergency! Kailangan kong umuwi!"

"Naku! Pa'no 'yan? Sino ang makakasama ni Tanch sa condo niya? Hindi naman pweding iwan na lang natin siyang mag-isa!"

"Naku! E, hindi rin ako pwedi kasi gagamitin ni Papa 'tong kotse bukas!" sabi naman ni Trixie.

"Mas lalong hindi ako pwedi! Hello! My date kaya kami ni Mico bukas, hindi pweding haggard akong haharap sa kanya!" nakataas ang isang kilay na sabi ni Chezka.

"Ako na lang!" pag-boboluntaryo niyang sabi.

"Sure ka?" halos sabay-sabay na sambit ng tatlo.

"Yes!" napangiti niyang sabi. "May tiwala naman siguro kayo sa 'kin 'no?" pagbibiro niya sa mga ito.

"Yes! Ofcourse! Ang bait-bait mo kaya!" nakatawang sabi ni Chezka. "Eh, mas mabait ka pa nga sa babaeng 'yan e, parating nakasimangot daig pa ata ang naipit sa traffic sa Edsa! Hahaha!"

Dahil sa joke na iyon ni Chezka ay nagtawanan silang lahat.

***

Sa pagtapak ni Sarah sa loob ng condominium ni Tanch ay sumalubong naman sa kanya ang humahalimuyak na amoy ng silid.

Nang buksan ni Trixie ang ilaw ay napansin agad niya ang sobrang linis ng condo, agaw pansin din ang malaki nitong salamin na malapit sa sofa.

Pinagtulungan nilang buhatin si Tanch dahil hindi na talaga nakayanan ng katawan nitong tumayo dahil sa kalasingan.

Matapos maihiga nila ito sa kama ay nakapamewang na lamang si Karen.

"Hay! Ano bang nangyayari sa babaeng 'to, kanina lang ayaw gumala kasi mag-aaral daw siya tapos ngayon ito pa ang lasing!" nakatawang sambit nito.

"Hahaha! Kilala naman natin si Tanch may pagka mood swing talaga 'yan!" sagot naman ni Trixie, nilingon siya nito. "So, pa'no Sarah? Sure ka ba talaga na ikaw na ang magbabantay kay Tanch?"

"Naku! Sarah, mag-iingat ka ha?" medyo creepy ang mukhang sabi ni Chezka, lumapit pa ito lalo sa kanya. "May lahing bampira 'yan! Naku! Naku! Mag-iingat ka, nangangagat 'yan!" babala nito.

Matatakot na sana nang biglang nagsitawanan ang ang mga ito.

Siniko naman ito ni Trixie. "Sira ka talaga! Pinagtritripan mo pa tuloy itong si Sarah! Hahaha!"

At sabay-sabay naman silang nagtawanang apat.

Ilang sandali pa, iniwan na siya ng tatlo. Matapos niyang mai-lock ang condo ay bumalik siya agad ng kwarto.

Ilang minuto pa siyang nakatayo lang sa pinto, parang natatakot ata siyang galawin o lapitan man lang ito.

Sa isip niya, kung tutuusin para naman talaga itong bampira sa paningin niya dahil sa mukha nitong parating nakasimangot.

Lumapit siya rito. "Alam mo, maganda ka sana kaso ang sungit-sungit mo lang at parating nakasimangot!" sabi niya habang nakatingin sa natutulog na si Tanch.

"Ang damot-damot mong ngumiti, sobrang mahal ba niyan kaya ayaw mong ipakita?" dahil sa minsan lang niya itong nakikitang ngumingiti ay parang ewan na hinawakan na lang niya ang magkabilang pisngi nito para pangitiin ito.

Mahinang napahagikhik naman siya sa ginawa niyang iyon. "Ayan! Edi, mas lalo kang gumanda!"

Habang nakatitig siya sa magandang mukha nito ay unti-unti namang nabura ang mga ngiti niya.

Hindi niya alam, pero natagpuan na lang niya ang sariling unti-unting lumalapit sa mukha nito...

at unti-unting...

unti-unting...

MASUSUKA ATA ITO

Natataranta at nagmamadaling naghanap siya ng bempo para punasan ito, matapos punasan ito ay nahiga na muna siya sa kama hindi na niya namamalayang nakaidlip na pala siya sa tabi nito.

***

Mag-uumaga na nang maalimpungatan si Tanch dahil sa sobrang init ng kanyang pakiramdam.

Wala sa sariling katinuan na iginalaw niya ang mga kamay para hubarin ang mga suot niyang damit.

Nakagawian na niya kasi iyon kapag mag-isa lang siya.

Matapos nahubad ang mga suot niyang damit at tanging ang naiwan na lang ay ang underwear niya sa ibaba ay nakangiting niyakap niya ang mahabang unan sa tabi niya.

***

KINABUKASAN

Araw ng linggo, nagising si Tanch habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

Ramdam niya ang medyo nananakit at inaantok pang ulo kaya napagpasiyahan niyang matulog na lang ulit, napayakap naman siya lalo sa mahabang unan...

"Hmm..."

Narinig niyang daing mula sa...

UNAN!!!???

Nanglaki ang kanyang mga mata lalo na nang biglang bumalikwas sa harap niya ang katabi niya sa kama.

Kasabay nang pagbalikwas nito ay napadilat at nagtama naman ang kanilang mga mata.

"Ah, hi! Gising ka na pala!"

nakangiting salubong ni Sarah sa kanya.

TADHANAWhere stories live. Discover now