CHAPTER 4

4K 83 2
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

Nakaramdam ng kakaibang boltahe ng kuryente ai Mary Rose ng tanggapin niya ito. Halos nakiliti ang buong kalamnan niya.

"Ok lang po ba kayo?" wika ni Erwin sabay pisil sa kamay ng dalaga.

"O...oo oky lang ako..." nautal na sagot niya.

Rumampa na silang magkasama at nag palakpakan ang mga nanonood..

"Amazing ang designs...." bulong ng isang babae.

"Yes! ang i like the fit..." sagot rin ng isa.

Natapos ang pagrampa nila at bumalik na ang mga ito sa likod.

"Naku madam ang galing-galing mo talaga, ang daming nag tanung sa designs mo..." wika ni Carla.

"Oo nga madam, puro papuri rin ang mga narinig ko..." sabad rin ni Ricky.

"In fairness kapatid ang galing rin ng ramp model na kinuha mo ha..." baling rin ni Carla kay Ricky.

"Ay syempre pa kapatid ayaw ko na mapahiya kay madam no..." sagot naman ng bakla.

"Nasaan na ba iyon kapatid at ng makilala ko rin naman...." wika ni Carla.

"Oi, Erwin hali ka nga muna dito at ipapakilaa kita..." tawag ni Ricky sa binata.

Walang pag aatubili na lumapit ito at ipinakilala siya ng bakla.

"Erwin, ito si Mary Rose ang designer dito sa suot mo, ito naman si Carlo a.k.a Carla assistant niya..." wika ni Ricky.

"Nice to meet you pogi..." saad ni Carla at nilahad ang kamay.

Tinanggap naman ito ng binata at kinilig naman ang bakla.

"Nice too meet you po ma'am..." wika ni Erwin sabay lahad ng palad.

Tiningnan lang ito ni Mary Rose at walang pasabi na tumalikod.

"Ang ganda sana pero suplada..." bulong ng lalaki.

"May sinasabi ka?!" baling ng dalaga.

"Wala ho.." tugon ng lalaki.

Umalis na doon si Mary Rose dahil parang naging abnormal na ang tibok ng kanyang puso.

"Ano ba itong nararamdaman ko parang may drum sa loob ng dibdib ko.." pabulong na wika niya.

"Anu ba meron sa lalaki na iyon at nagkakaganito ang? Parang ang lakas ng dating niya sa akin ah, ang weird...." dagdag pa nito.

Naglakad siya palabas at ang daming sumalubong sa kanya, pinuri ang babae at kinungradtulate ng mga bisita. May media rin na naroroon.

"Congrads, miss Saban anu ang masasabi mo sa successful launch ng mga designs mo?" tanung ng isang reporter..

"Well oky lang, may bagong uso na naman ang summer as usual..." naka ngiti at tipid nasagot ni Mary Rose.

"Teka miss Saban itatanung ko lang sana, gusto malaman ng madla kung anung ang atatus mo ngayon! Single or taken na ba?" wika ng isa pa.

"As of now single pa ako until now, gusti ko muna mag focus sa career ko.." tugon niya.

"So ibig bang sabihin niyan miss Saban na lahat ay may pag-asa pa sayo?" tanung rin ng isang laaking reporter.

"Hindi ko masasagot iyan basta ako nag eenjoy pa ako sa career na pinili ko." tugon ulit ng dalaga.

Natapos ang event at pagod na pagod ang dalaga kaya naisipan na niyang umuwi. Tinawagan muna niya ang kapatid.

"Bel, magluto ka ha jan ako kakain.." wika niya sa kapatid na nasa kabilang linya.

"Oky ate, pauwi kana ho ba?" sagot ni Maribel.

"Paalis palang dito Bel, sige ha at mag dadrive na ako." paalam niya at binaba ang tawag.

Palabas na siya ng parking lot ng makita niya ang lalaking model kanina.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Where stories live. Discover now