CHAPTER 8

3K 65 3
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

Nang una dahan-dahan lang ang pag kembot na ginawa lang dalaga. Malambot rin naman ang katawan niya kahit papano.

"Oi madam hindi mo sinabi na magaling ka palang gumiling.." naka ngiting wika ni Carla.

"Oo nga ate ngayon lang kita nakitang sumayaq ng ganyan ah..." segunda ni Maribel....

"Nambola na naman kayong dalawa eh..." sagot ni Mary Rose habang sumasayaw.

Tumabi ang mga tao na naroroon at binigyan ng space ang gitna. Patuloy lang sa pagsayaw si Mary Rose, maya-maya ay may lumapit na babae sa harap niya at hinamon siya nito sa dancefloor.

"Go ate, kaya mo yan..." cheer ni Maribel sa kanya.

"Oo nga, go! go! go! madam..." sigaw rin ni Carla.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mary Rose at nakisabay na rin sa paghataw ng babae. Lahat ng ginawang moves ng babae ay tinapatan ng dalaga.

"Whooooooo......" sigawan ng mga nandoon.

"Talo na yan..." sigaw pa ng isang lalaki.

Sa galing ng pagsayaw ni Mary Rose walang panama ang babaeng humamon sa kanya. At sumuko na rin ito sa huli.

"Anung meron doon?" nagtatakang tanung ni Erwin sa isang lalaki na lumapit at nag-order.

Nag-umpokan kasi ang mga tao sa gitna at hindi niya makita kung anu ang nangyayari doon.

"Ah, doon ba sa gitna, may nagshow down lang naman na dalawang babae doon, ang galing ng isa umindak at gumiling kaya tiyak walang panama ang isa." sagot ng lalaki at tinungga na ang alak na inorder niya.

"Ah, ganun ba, akala ko nag kagulo na sila..." naka ngiting wika ni Erwin.

Nang matapos ang showdown ay nagkamay si Mary Rose at ang babae tapos ay may inabot ito sa kanya na calling card na agad niyang ibinulsa.

"Oi madam infairness ang galing mo ha..." saad ni Carla.

"Oo nga natalo mo pa ang babae na iyon ate..." wika rin ni Maribel.

"Ewan sa inyo tara na sa bartender area at nauuhaw na ako..." turan ni Mary Rose at nag tungo siya doon.

Sumunod naman ang dalawa sa kanya at naupo sila.

"Idol ang galing mo...." wika ng isang lalAki kay Mary Rose.

"Oi madam may fan's kana agad oh..." saad ni Carla sabay ngiti ng nakakaasar.

Inirapan lang ito ng dalaga at humarap siya sa waiter at nag salita.

"Isang lemon........." wika ng dalaga pero hindi niya ito natuloy.

Nagulat siya sa kanyang kaharap, ang lalaki sa mga shows, sa mall at sa supermarket, oo, ito nga ang lalaki sa supermarket.

"Ikaw....." bulalas ng dalaga.

Nagulat rin si Erwin, sa dinami-dami ng mga lugar bakit laging nagku-krus ang mga landas nilang dalawa.

"Bakit may problema ba?" casual na tanung ng binata.

"Anung ginagawa mo dito?" tanung ni Mary Rose.

"Eh ikaw anu rin ang ginagawa mo dito?" wika rin ng lalaki.

"Pilosopo, ako ang naunang nagtanung kaya sagotin mo..." saad ng dalaga sabay taas ng kilay.

"Syempre nagtatrabaho, kita mo naman diba..." wika ng lalaki sa kanya.

"Lemonade nga isa..." pag-iiba ni Mary Rose ng usapan.

Dali-dali namang gumawa ng lemonade ang lalaki at agad na inabot ito sa dalaga. Hindi sinasadyang masagi ni Mary Rose ang kamay ng lalaki at nakaramdam siya ng bolta-boltahing kuryente....

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon